#44_New Job

2.4K 151 18
                                    

#44_New Job








September 12, Wednesday

06:10 AM.

[ARCHAN'S POV]

"Lola Guring, papasok na po ulit ako ha. Iiwan po muna kita dito. Babalik na lang po ulit ako mamayang gabi." Lumapit ako sa kanyang noo at saka hinalikan ito.

Dumaan muna ako sa Nurse Station para magpaalam. Nakiusap kasi ako sa kanila na kung pupwede ay sila na muna ang bahala kay lola. Bukod kasi sa akin ay wala rin namang ibang pwedeng magbantay kay lola.

Ganun pa rin ang kondisyon ni lola, comatose. Wala pang kasiguruhan kung magigising pa ba siya o hindi na. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Lalo na ngayon, kailangan niyang gumising dahil kailangan ko siyang tanungin kung saan galing ang maraming perang iyon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na may ganoong pera si Lola Guring gayung hindi naman kalakihan ang kinikita niya. Wala rin siyang nababanggit about doon.

Haist! Hindi ko na nga muna iisipin ang tungkol doon. Naloloka lang ako!

Pagkarating sa school, sa hindi inaasahan ay nakasabay ko sa pagpasok si Sandoval. Halatang nagulat din ito ng makita ako, at maya maya ay kumunot ang noo nito. Magsasalita sana siya ng bigla akong magsalita.

"Kuya pwedeng umalis ka sa tapat ng gate? Ang laki mo kasing harang." Pagsusungit ko. Tinabig ko siya at saka ako pumasok.

Oo hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa amin. Pero sa ngayon wala akong panahon sa kanya dahil mas inaalala ko ang kalagayan ni lola.

Maya maya ay naramdaman ko na lang na nasa tabi ko siya.

"I'm sorry sa nangyari. Hindi ko----." Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Huwag kang magsorry sa akin dahil wala ka naman kasalanan. Tsaka, pwede ba! Huwag mo akong lapitan pa o kausapin man lang? Ikaw ang may sabi nito diba? Kaya kung pwede lang sumunod ka sa napag-usapan. Ito na ang last nating pag-uusap." Mataray kong saad sa kanya.

"I'm sorry. I'm just worried nung makita kita kanina kaya lakas loob akong lumapit sayo ngayon."

"Okay lang ako, napuyat lang ako kagabi kaya wala kang dapat ipag-alala pa. Tsaka kung naghihingalo o nag-aagaw buhay man ako sa harapan mo, huwag na huwag mo akong papansinin, hindi na tayo magkakilala di ba? Wala ka ng pakialam sa akin at wala na rin akong pakialam sayo!"

"Wow! Umagang umaga nilalandi mo agad ang boyfriend ko! How desperate you are!" Ang biglaang singit ni Rain.

Wow! Ako pa talaga ang desperada? At wait! Magjowa na pala sila? Sa bagay siya nga ang pinili diba? Well I don't care!

"Correction. Hindi ko inaagaw ang jowa mo at wala akong pakialam sa jowa mo. Kung ayaw mong nilalapitan ako ng jowa mo, pwede bang pakitalian mo siya sa kanyang leeg at pakisabihan din ang jowa mo na huwag na huwag na akong lalapitan o kakausapin pa dahil iyon naman ang gusto niya at bukod pa doon nagmumukha ka kasing desperadang bakla na akala mo'y mawawalan ng jowa!" Mataray kong sagot sa kanya.

Umagang umaga iniinis ako ng dalawang to ha!

Sasampalin sana niya ako ng biglang dumating si Xander at pinigilan siya.

"Subukan mo lang saktan ang girlfriend ko, ako ang makakaharap mo! Wala akong pakialam kung ikaw pa ang assistant ng SSG at kung jowa ka pa ni Mak." Matigas nitong tugon.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon