#20_Bagong Karibal

3.6K 191 11
                                    

#20_Bagong Karibal




July 10, Tuesday

06:31 AM.

"Hayyy..." Napahikab na lang ako sa antok. Ilang oras nga lang ba ang naitulog ko? 3 hours? My ghad!

"Bakit parang puyat ka Kuya? Mukha ka pating nakadrugs, ang laki ng eyebags mo." Sambit ni James ng makita niya ako dito sa loob ng office ng SSG.

Paano hindi ako mapupuyat? Juskolored! Kakakita pa lang namin ni Prins--- ay mali! Ethan na lang pala! Kasi naman kakakita pa lang namin ni Ethan ayun nagpasabog na agad ng isang matinding rebelasyon! Bakit kasi kailangan niya pa sumali sa panliligaw ng dalawa? Ayan dahil tuloy sa sinabi niya, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. At ang aga ko rin nagising kanina! My ghad!

"Mabait ba ako? Maganda ba ako? Kamahal mahal ba ako, Bunso?" Bigla ko na lang naitanong kay James.

"Bakit mo naman naitanong yan? Huwag mong sabihin na minamadali ka na nung dalawa na mamili sa kanila kaya ka napuyat kagabi? Lagot sa akin yang dalawa yan mamaya kapag nakita ko!" Gigil nitong sabi.

"Naku hindi dahil dun!"

"Then ano? Anong dahilan kung bakit nagmumukha kang panda ngayon?"

"Si Ethan, siya ang dahilan kung bakit ako napuyat kagabi."

"Sino si Ethan? Siya ba yung sinasabi ni Pres. na kababata mo?" Tanong nito.

"Oo, noong Linggo lang ulit sila nakabalik galing Maynila. Kahapon lang siya nagpaenrol dito sa school natin."

"Oh? Napuyat kayo sa kwentuhan ninyo kaya ka nagka ganyan? Eh bakit parang hindi ka masaya?"

"Hindi yun! Hindi kami napuyat sa kwentuhan. Napuyat ako sa sinabi niya."

"Sabihin mo nga sa akin ng buo hindi yung pasuspense ka pa magkwento diyan!" Naaasar nitong sabi.

"Woooh!! Okay! Ganito kasi yun, dumating siya kahapon at naabutan namin siya ni Sandoval sa room namin kasama si Pres.Jessica. Noong una hindi ko pa alam na siya si Ethan, sabi ni Jessica siya daw ang magiging bagong kaklase namin, tapos noong nagpakilala ako doon niya sinabi na siya daw si Ethan na kababata ko. Tapos ito namang sina Tristan at Ferdy nagpakilala sa kanya bilang manliligaw ko. Kaya nung uwian, dahil sa ngayon lang ulit kami nagkitang dalawa after ng 10 taon, nagkaayayaan kami na magkwentuhan kahapon sa bahay. Tapos tinanong niya kung manliligaw ko ba daw talaga yung dalawa. Syempre sinabi kong oo, tapos ayun na! Sinabi niya sa akin na gusto niya rin akong ligawan!!" Mahabang paliwanag ko.

My ghad! Ang hirap maging maganda ha! Ang daming nagkakagusto! Charroot!

"Anong sinabi mo?" Tanong nito.

"Syempre noong una natulala ako sa sinabi niya! Hindi ko naman iniexpect na ganoon ang sasabihin niya. Akala ko nga nagbibiro lang siya pero sinabi niya na seryoso daw siya sa kanyang sinabi. Kaya ayun pinaalis ko siya sabi ko sa susunod na lang kami magkwentuhan! Ano ng gagawin ko bunso?! Teka! Ikaw? Sabihin mo nga sa akin isa ka din ba sa kanila, na bigla na lang magsasabi sa akin na gusto mo rin akong ligawan ha?! Utang na loob Bunso tantanan ninyo na ako! Sa dalawa pa nga lang naloloka na ako! Sa tatlo pa kaya! My ghad!"

Nakakapraning ang maraming manliligaw!

"Grabe ka Kuya! Wala akong gusto sayo! Masaya na ako sa pagiging kapatid mo."

Hayyy mabuti naman! Ano ba kasing meron sa akin at itong tatlong lalaking ito ay nagkakagusto sa akin? My ghad! Maaga yata akong magkaka wrinkles sa tatlong ugok na yun!! My ghad! My ghad! My ghad!

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon