#31_Pagpapanggap

2.7K 157 17
                                    

#31_Pagpapanggap



August 3, Friday

11:57 AM.

Woaahhh!! Sa wakas natapos na rin ang exam! Makakapagpahinga na utak ko! Wohohoho!

Sana naman makapasa ako!

"Chan chan, may gagawin ka ba ngayon?" Tanong ni Ethan ng makalapit sa akin.

Oo nga pala, nagkaayos na nga pala kami ngayon ni Ethan. Matapos kasi ang exam namin kahapon kinausap niya ako at humingi siya ng tawad sa paglayo niya sa akin. Mabuti na lang at okay na siya, tinanggap na talaga nitong hanggang magbest friend lang talaga kami.

Pabiro pa nitong sinabi na mas lamang pa din daw siya kaysa sa dalawa kasi siya ang best friend ko. Samantalang yung dalawa manliligaw lang.

"Hmmm wala naman. Siguro tutulungan ko lang si Lola Guring sa pagtitinda. Bakit mo naitanong?" Balik kong tanong sa kanya.

"Maaari mo ba akong samahan sa mall? Bibili lang kasi ako ng regalo para sa birthday ni Kuya EJ sa linggo."

"Oo nga pala, ano? Naku wala pa naman akong pera ngayon, wala man lang ako maibibigay kay Kuya EJ na regalo."

"Huwag ka ng mag-alala kay Kuya, pumunta lang kayo ni Lola Guring sa linggo masaya na yun." Nakangiti nitong sambit. "So shall we go?" Pag-aaya na nito.

Mabuti na lang at kahit papaano tumigil na ang paglapit sa akin ng mga lalaki dito sa school. Kinausap na kasi sila ni Pres. Jessica sa oras na dumugin daw muli ako ng mga lalaki, lahat sila ay mananagot kay President.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ethan palabas ng school ng makita ko si Sandoval na pasakay ng kanyang motor. Napalingon ito kung saan kami dumaraan at saktong nagtama ang mga mata namin. Ako na ang unang bumawi ng tingin, naalala ko lang ulit kasi yung nangyari noong Miyerkules kung saan naabutan niya akong hawak hawak ang kanyang cellphone.










August 1, Wednesday

01:01 PM.

"Archan, naiwan ko ba yung cellphone ko di-----" Napahinto ito sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata nito ng makita niyang hawak hawak ko ang kanyang cellphone.

Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa cellphone niya na nakabukas ang ilaw.

"A-archan? Magpapaliwanag ako!!" Pansin kong pinagpapawisan na ang noo niya.

"To-totoo ba yung sinabi ni Paolo kanina? Na hina-li-likan ki-kita?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Ahmm.. O-oo." Yumuko lang ito.

Ibig sabihin?? Siya nga ang first kiss ko at hindi si Tristan?!!

Bakit ganun? Bakit parang natutuwa pa ako ng malaman ko siya ang first kiss ko??

My ghad! Don't Archan! Don't!!

"Pu-pwede ko na bang kunin yung phone ko?" Sambit nito.

"Bukod ba sa kiss ano pang ginawa ko sayo?"

"Wala na. Pero..."

"Pero ano?"

Kinuha nito ang phone niya at binuksan. Parang may hinahanap siya sa doon. Ng makita niya na, itinapat niya sa akin ang phone niya at nagplay ang isang video.

Kuha sa video ang namumulang mukha ng isang lalaki habang nakatingin ito sa may hawak ng kamera. "Hi Archan! Kaway ka naman sa kanila dali!" Sambit ng may hawak ng camera. Agad naman nitong sinunod ang utos at kumaway nga sa harap ng kamera at nagpacute pa!

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon