#59_Secret Admirer

1.9K 105 7
                                    

#59_Secret Admirer


October 26, Friday

08:03 PM.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at katatapos lang ayusan. Nakasuot ako ngayon ng kulay bughaw na saya na tulad ng kay Cinderella. Kahit ang ayos ko at make-up ay katulad ng sa kanya. Kung iyong pagmamasdan nga para akong isang buhay na Cinderella. Ngunit syempre makikilala mo pa rin naman ako kapag ako'y iyong tinitigan.

Ngayon na kasi ang last day ng foundation ng school namin at ngayon taon ang nakatoka ay Disney Characters. Taon-taon kasi laging nagkakaroon ng theme ang aming huling araw ng foundation. Noong nakaraang taon ang tema ay Halloween, pero hindi naman ako umattend doon. Bukod kasi sa wala naman akong gagawin doon ay wala din naman akong makakasama kasi nga wala pa akong kaibigan noon. Pero ngayon meron na akong mga kaibigan at hindi lang isa kundi marami na sila! Ang saya lang!

Si Bunsong James, at ang iba pang kasali sa SSG ay kanina pang nauna doon. Si Ethan naman ay nandoon na rin, 6 pm kasi ang simula ng event. Si Sandoval naman? Ayun nasa hospital pa rin siya, hindi pa siya pinapalabas ng doktor. Ako naman ay kahapon pa nakalabas. Ang sabi ko nga sa kanya hindi na ako aattend kaso sabi niya pumunta daw ako at alam daw niya na ito ang kauna-unahang beses na a-attend ako sa ganito. Kaya hindi siya pumayag na hindi ako pupunta.

Nagpicture na rin ako kanina at pinasa ko sa messenger niya para naman makita niya kung gaano kaganda ang jowa niya! Hahaha.

Naisip ko rin na kailangan kong umattend ngayon kasi kailangan ko ng kausapin iyong lalaking nagpapadala lagi sa akin ng sulat at bulaklak. Gusto kong sabihin sa kanya na meron na akong kasin--- teka? Kami na ba ni Sandoval? Parang wala namang pormal na nagsabihan kami na, kami ng dalawa? Hayst! Bakit ngayon ko lang naisip yun?! My ghad!!!

"Archan tara na!" Ang sambit ni Augustino mula sa likod ng aking kwarto.

"Nandyan na."

Kinuha ko na ang aking cellphone at saka lumabas ng aking kwarto.

Pababa pa lang ako ng hagdanan ay tanaw ko na si Augustino na nakaabang sa akin sa baba. Nakasuot naman siya ng damit na katulad kay Beast sa pelikulang "Beauty and The Beast".

"Naks! Bagay na bagay talaga sayo ang tawag ko na Ganda. Sobrang ganda mo ngayon Archan." Ang nakangiti nitong puri habang naglalakad ako pababa. 

"Thank you. Ikaw rin naman ang gwapo mo sa suot mo. For sure nakapang Belle si Rain ngayon noh?" Tukso ko sa kanya.

Napakamot ito ng ulo sabay ngiti.

"Siya kasi may sabi eh. Alam mo naman bawal tumanggi sa prinsesa."

Oo nga pala, pinayagan ng Principal na makapasok si Tino sa school namin dahil na rin sa tulong ni Tita Janice. Kaya ngayon nakasuot din siya ng pang Disney.

"Ano, tara na?" Ang anyaya niya sa akin.

"Sige. Nagtext na rin si Bunso sabi niya nagsisimula na yung event." Saad ko sa kanya.

Ang gagawin na lang naman kasi ngayon ay awarding. Pagkatapos noon ay simula na ng party party!

Makalipas ang 30 minutes na biyahe ay nakarating na rin kami sa school.

"Dito na lang kita ibaba Ganda ha. Hanap lang ako ng mapaparkingan ng sasakyan." Saad ni Tino at tumango lang ako sa kanya.

Hmmm... Ang tahimik naman ngayon dito. Tapos na ba ang awarding? Parang ang bilis naman yata.

Teka lang tama ba ang nakikita ko? Wow! May pa red carpet si Mayora! Bongga naman ng mga SSG officers!

Sana pala dumating ako ng mas maaga para naman nakita ko yung mga ibang estudyante na naglakad dito. Ano kaya ang mga costume nila noh? Excited na akong makita silang lahat!

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon