#57_Exchange

1.9K 106 10
                                    

#57_Exchange



October 24, Wednesday

04:30 PM.

[ARCHAN'S POV]

"Nasaan na ang tapang mo ngayon ha?! Hindi mo ito inaasahan noh? Masyado ka kasing naging kampante. Hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo bakla!" Iniangat niya ang ulo ko at saka dinuraan.

"Hoy! Huwag mong saktan si Archan?! Sino ka ba ha?" Ang asik sa kanya ni Rain.

Itinayo niya ako sa pamamagitan ng paghila sa aking buhok at dinala sa harapan ni Rain.

"Ako si Gardo ang dating jowa ni Augustino pero inagaw siya sa akin ng baklang ito!!"

"Naging jowa ka ni Augustino? Paano nangyari iyon eh mukha kang balyena?! Imposibleng patulan ka niya noh!" Sigaw sa kanya ni Rain.

"Aba hindi ko gusto ang tabas ng dila mong bakla ka!"

"Well, the feeling is mutual!"

"Hindi naman talaga siya pinatulan ni Tino eh, kundi pinagsamantalahan niya si Tino at tinakot kaya naging sunod-sunuran siya diyan sa baklang yan!" Singit ko sa kanila.

Halatang nagulat si Rain sa kanyang nalaman.

"Do you mean inabuso ng baklang balyena na ito ang mahal kong si Augustino?!" Tanong ni Rain.

"Oo." Sagot ko sa kanya.

"Pakawalan ninyo at kakatayin ko ang baklang yan! Humanda ka sa akin bakla ka! Papatayin kita oras lang na makawala ako dito!" Sigaw sa kanya ni Rain habang tinatangkang makaalis sa pagkakagapos.

"Teka nga lang! Naguguluhan ako, hindi ba ikaw Archan ang jowa ni Augustino? Sino ba itong baklang ito?!" Turo niya kay Rain.

"Hindi totoong naging kami ni Tino, pinalabas ko lang iyon para tigilan mo na siya. At iyan si Rain, siya ang totoong kasintahan ng taong pinapangarap mo." Sambit ko.

"Kaya pakawalan mo ako ngayon dito at tayong dalawa ang maghaharap!!" Sigaw ni Rain.

"So ibig sabihin ikaw pala ang kailangan kong patayin at hindi itong si Archan? Pero wait lang! Malaki nga pala ang kasalanan mo sa akin Archan, kaya naman dapat lang na kita dito! Hmmm mukhang magiging masaya ang mga mangyayari mamaya. Pero sa ngayon.." Dumapo ang malakas na sampal sa mukha ni Rain.

Alam kong nasaktan si Rain sa lakas ng pagkakasampal sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin sa mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Pinapunta ko ngayon dito si Augustino para ipagpalit sa inyo, pero sorry na lang dahil isa lang sa inyo ang maililigtas niya at ang isa naman ay sisiguraduhin kong mamamatay dito sa bodegang ito. So kung ako sa inyo magpaalam na kayo sa isa't isa dahil ilang saglit lang paghihiwalayin ko na kayo." Sambit ni Gardo.

"Hindi ka magtatagumpay sa plano mo! Kung may mamamatay man ngayon dito sa bodegang ito ikaw iyon at hindi kami!" Sigaw ni Rain.

"Alam mo naiinis na ako diyan sa bibig mo eh! Itali ninyo na nga ang bunganga niyan ng matahimik na! Nagbago na ang isip ko, mas magandang huwag na kayong magpaalam pa sa isa't isa. Yung iba sa inyo, dalhin si Archan sa may bukana ng bodegang ito doon natin katatagpuin si Augustino. Bantayan ninyo ang baklang iyan ha!" Utos ni Gardo sa mga lalaki.

"Gardo huwag mo ng idamay si Rain dito! Ako! Ako ang may kasalanan ng lahat kaya sa akin mo na lang ibaling lahat ng galit mo! Please pakawalan mo na siya." Pagsusumamo ko.

"No! Mas magandang nandito siya para malaman natin kung sino ang pipiliin ni Augustinong mabuhay. Ikaw ba na tumulong sa kanya o siya na pinakamamahal niya ngayon? Hahaha I'm so excited sa mangyayari mamaya!" Naglakad na ito. Sumunod sa kanya ang mga alagad niya habang hinihila ako ng dalawang lalaki.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon