#45_Worried

2.2K 150 8
                                    

#45_Worried





September 20, Thursday

11:45 AM.

Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian ngayon dito sa canteen. Kasama ko sina Tristan, Ethan, Xander at James. Buong week ko na ring kasa-kasama ang apat na ito lalo na kapag lunch time.

Simula kasi noong hindi na kami nagpapansinan ni Sandoval ay hindi na rin namamalagi itong tatlong ito sa SSG Office. Pupunta lang sila doon kapag may pag-uusapan at kapag tapos na, aalis na ang mga ito at pupunta na sa akin. Minsan nga ako na ang mismong tumataboy sa kanila, sabi ko kaibigan pa rin nila si Sandoval kaya dapat kahit papaano ay makibonding pa rin sila tulad ng dati ngunit ayaw nila. Mas gusto pa daw nilang kasama ako kaysa si Sandoval lalo na daw at naiirita sila sa boses ni Rain.

"Kuya mukhang pumayat ka yata at parang namumutla ka? May sakit ka ba?" Ang biglang tanong ni James.

Agad naman napabaling ang tingin sa akin ng tatlo. Nagkatinginan pa sina Ethan at Tristan. Maya maya ay hinipo ni Ethan ang noo at leeg ko, sinusuri kung may lagnat pa rin ba ako.

"Wala ka na namang lagnat ah! Pero tama nga si James, pumayat ka tsaka parang lumaki ang eyebags mo at mukhang namumutla ka." Nag-aalalang sambit ni Ethan.

"A--ano.. Na--napuyat lang siguro kakanood ng TV kaya ganun. May pinapanood kasi akong koreanovela sa isang channel. Tsaka ano ba kayo okay lang ako!!" Pagsisinungaling ko.

Ang totoo, kasi niyan ay ilang araw na rin akong kulang sa tulog. 6 PM to 12 AM ang schedule ko sa restaurant na pinapasukan ko. Pagkatapos ko sa trabaho sa hospital naman ang diretso ko para bantayan si Lola Guring kaya hindi na ako masyadong nakakatulog.

"Tigilan mo na iyang panonood mo ng koreanovela ha! Napapansin ko rin na hindi kana nagdadala ng pagkain mo girlfriend, kahit si James hindi mo na pinagdadala. Buong week ko ng napapansin na dito ka na lagi kumakain ng lunch mo sa canteen." Ang sambit ni Xander.

Napalunok na lang ako. Ang pakiramdam ko kinocorner ako ng apat na ito ngayon.

"Hindi ako naniniwala na dahil yan sa kakapanood mo. Yung totoo Archan, meron ka bang hindi sinasabi sa amin?" Ang tanong ni Tristan.

Ngayon ay tinitingnan ako ng apat, winawari kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Actually.. Ang totoo niyan.. Ano.."

Hindi pa ako nakakaisip ng dahilan ng makita ko sa hindi kalayuan si Sandoval kasama si Rain dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Napansin siguro nila kaya tumingin ang apat sa tinitingnan ko kanina.

"Mukhang siya yata ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan." Ang saad na lang ni Xander.

"Ganun mo ba siya kamahal Kuya? Kaya kahit ang sarili mo hindi mo na inaalagaan?" Tanong ni James.

"Archan, tandaan mo may iba ng mahal si Mak. Kailangan mo ng tanggapin yun, tingnan mo tuloy ang sarili mo napapabayaan mo na ng dahil lang sa pagiging broken hearted mo kanya." Kinuha ni Tristan ang mga kamay ko, "Archan hindi lang si Marc Renz ang lalaki sa mundo. Nandito ako. Tandaan mo parati na nandito lang ako para sayo, handa akong maging rebound kung gugustuhin mo basta makita ko lang muli ang saya diyan sa mga mata mo." Ang mahaba niyong saad.

Binawi ko ang kamay ko, ano bang iiniisip ng apat na ito? Akala ba nila kaya ako nagkakaganito ay dahil kay Sandoval? My ghad!!!

Gustuhin ko man tumawa ngunit pinigilan ko. Magandang pagkakataon na rin siguro ito para hindi nila malaman ang totoo.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon