#13_Ardy

3.7K 207 6
                                    

#13_Ardy



June 25, Monday

12:19 PM.

"Bakit kasalanan ko ba kung tinulungan nila ako? Hindi ko naman hiningi ang tulong nila ah! Kahit tanungin mo pa iyang si Sandoval!" Sabay turo ko sa kanya.

Nagtatalo kasi kami ngayon ni Mikko about sa nangyari noong Biyernes.

Hindi kasi siya pumapayag na pumasa ako sa task niya. Dapat daw ako lang ang gagawa noon at wala akong dapat hihingian ng tulong.

Tumingin siya kay Sandoval na nakaupo sa sofa at mukhang nakikinig ng music dahil may nakalagay na earphones sa magkabilang tenga nito.

Tumayo si Mikko at lumapit kay Sandoval. Tinanggal nito ang earphone na nasa kaliwang tenga nito.

"Tell me, totoo ba ang sinasabi ni Archan? Na kusa mo siyang tinulungan?" Medyo galit nitong tanong.

Tumango naman si Sandoval.

"Bakit mo siya tinulungan? Akala ko ba ayaw mo siyang maging assistant ng SSG? Bakit parang sumasang-ayon kana ngayon?" Kuda pa rin Mikko.

Pogi rin sana itong si Mikko eh, kaso nakakabwisit lang!

"Bakit ba kasi ayaw mong matanggap na naipasa ko yang task mo? Tsaka hello? May apat na task pa kaya akong kailangan lampasan kaya huwag kang OA diyan na akala mo magiging assistant ninyo na ako!!" Kuda ko kay Mikko.

"Sabagay tama ka. May apat pang task na kailangan mong pagdaanan, at sisiguraduhin ko na hindi mo na maipapasa lahat ng iyon!"

"Alam mo ang dami mong kuda! Kaya wala kang jowa eh!"

"And who told you na wala akong jowa?"

"Ako. Alangan naman siya eh ako lang naman ang kausap mo. Duh!" Turo ko kay Sandoval.

Kanina pa kasi siya galit tapos lagi pang masungit sa akin.

Napansin ko rin itong si Sandoval, hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapansin. Ano bang problema ng lalaking ito? Hindi ako sanay sa kanya.

Bahala nga siya sa buhay niya!

"Oh tumigil na kayong dalawa, bago pa man mapunta kung saan iyang usapan ninyo. By the way, I just want to congratulate you Archan dahil naipasa mo ang pangalawang task. At para sa ika-tatlo mong task, ang magbibigay ng task sayo ay si James." Saad ni Pres. Jessica.

Lumapit naman sa akin si James at sinabi ang mga gagawin ko bukas, at parang sa ipapagawa niya kakailanganin ko yata ng maraming energy.

Matapos ang pag-uusap namin at ilang paalala ni Pres. Jessica sa mga ka members niya ay isa-isa na kaming lumabas at umuwi.

Half day lang kasi kami ngayon dahil may meeting ang mga teachers. Si Pres. Jessica naman at si James ay naiwan pa sa school dahil kailangan nilang sumama sa meeting.

Habang naglalakad ako, may isang lalaki ang sumabay sa paglalakad ko at ng tingnan ko kung sino siya. Si Fafa Ferdy ko pala!

"Hi!" Bati nito.

"Hayden." Ganti ko.

"Saan ang lakad mo ngayon?" Tanong nito.

"Hmmm wala naman, siguro tutulungan ko ang lola ko na magtinda ng mga meriendahin."

"Ahh..."

"Bakit mo naman naitanong? Ikaw ba saan ang lakad mo ngayon?" Tanong ko naman sa kanya.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon