#21_Celebration

3.4K 183 8
                                    

#21_Celebration


July 13, Friday

04:05 PM.

Sa wakas natapos na rin ang isang linggong pinaghandaan namin ni Sandoval! Naku ganun pala kahassle mag-organize ng isang event! Kaloka! Ang dami namin ginawa! Pero kahit ganun masaya naman kami at nag-enjoy sa nutrition month! Sayang nga at hindi ako kasali, sasali pa naman sana ako doon sa cooking show down.

Taga Grade 10 ang nanalo sa nutri-jingle, sa poster making naman ay taga Grade 11 section E. Doon sa cooking show naman taga Grade 12 ang nanalo. Basta ang dami pang pinaglabanan, ang hirap isa-isahin!

Yung tatlo naman hinayaan muna akong gawin sa mga dapat kong gawin simula noong Martes hanggang ngayon. Kahit alam kong gustong-gusto nila akong lapitan hindi maaari dahil pinagbawalan sila ni Pres. Jessica. Nainis kasi si Jessica ng malaman nito na hindi ako masyadong nakatulog noon dahil sa kakaisip sa sinabi ni Ethan kaya ayun pinagbawalan niya ang tatlo na lapitan ako. Maari lang nila akong pwede ulit lapitan pagkatapos ng event. Kaya ang lagi ko lang kasama nitong mga nakaraang araw ay si Sandoval.

"Congrat sa unang tagumpay ni Archan sa unang event niya dito sa school natin! Cheers!" Sigaw ni Jessica at itinaas niya ang hawak niyang baso na mayroong lamang softdrinks. Bawal ang alak! Nasa school!!

"Cheers!!" Sigaw naming lahat at sabay sabay namin ininom ang mga softdrinks namin!

"Yes! Sa wakas pwede ko na ulit lapitan at kausapin ang Prinsesa ko!" Hirit ni Tristan.

"Opps! Pagod si Kuya kaya naman bukas ninyo pa siya pwedeng guluhin!" Pigil agad ni James.

"Oo nga naman! At saka hindi pa tapos ang araw! Kaya hindi pa rin pwede." Segunda ni Jessica.

Natawa na lang kami sa naging reaksyon ng tatlo. Alam ninyo kahit nakakasakit sa ulo itong tatlong ito. Aaminin ko, namimiss ko din sila. Lalo na si Fafa Ferdy ko.

Habang kumakain kami, pasimpleng tumabi sa akin si Ethan at kinausap ako. Dito kasi ako nakaupo sa may sofa samantalang sila naman ay nasa long table.

"Chan... Ahhmm pwede ba kitang maayang sumimba sa next next Sunday? Gusto ka din kasing makita ni Mommy, pwede mo ring isama si Lola Guring kung gusto mo." Panimula nito.

Shocks ipapakilala na ba niya ako sa mga magulang niya? Ito na ba yung tinatawag na pamanhikan?!!

Ay tange! Oo nga pala kilala na nga pala ako nina Tita at si Lola! Siguro namimiss na nila ako at si Lola. Tsaka miss ko na rin naman sila noh!

"Oo naman! Gusto ko na rin namang makita sina Tita.. Ahmm.. Sana huwag mo na lang sabihin sa kanila na nililigawan mo ako ha?" Napakunot ito sa sinabi ko.

"Ha bakit naman?"

"Eh kasi nakakahiya! Basta huwag mo na lang sabihin, okay?" Tumango lang ito at nagsimula ng kumain. Alam ko na gusto niyang sabihin sa Mommy niya ang tungkol sa ginagawa niyang panliligaw sa akin kaso hindi pwede eh. Nahihiya ako!

Pagkaalis nito ang lumapit naman sa akin ay si Tristan. Teka para yatang nagusap-usap silang tatlo na kausapin ako isa isa?

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon