#60_Ang Wakas at Ang Simula

3.3K 153 50
                                    

#60_Ang Wakas at Ang Simula










January 26, Sunday

04:55 PM.

"And I say yes! My ghad! Sino ba naman ako para tumanggi sa alok niya diba? Yung lalaking pinakamamahal ko, inaaya na akong magpakasal! Halatang ayaw niya na akong pakawalan noh? After nun diary, nagsimula na ang sayawan. Tuwang tuwa ang mga kaibigan ko sa aming dalawa at kahit sila nagulat ng magpropose si Sandoval ang alam lang kasi nila, tatanungin lang ako ni Sandoval kung pwede ko ba siyang maging boyfriend. Sige na diary pagod na ako eh, sa susunod na lang ulit madaling araw na kasi. It's already 03:09 am na. Goodnight Diary!

Archan Makulam."

"November 01, Thursday

Alam mo diary, pumunta kami kanina nina Tita Lina sa puntod ng asawa niya------"

Napahinto ako sa pagbabasa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang hubby ko.

"Nandito ka lang pala, anong ginagawa mo dito sa office natin?" Ang tanong niya sabay lapit sa akin at hinalikan ako sa aking labi.

"Wala naman, may hinahap lang akong documents para sa meeting sa MGC na isang araw na gaganapin. Tapos heto nakita ko yung diary ko, kaya naman binasa ko muna. Sorry kung hindi ko na namalayan ang oras, Hubby."

"It's okay baby. Ano bang diary yan? Mukhang luma na yan ah. Don't tell iyan pa yung diary mo noong high school tayo?" Ang tanong ni Hubby.

"Yes! Nakakatuwang balikan yung mga araw kung paano tayo nagkakilala, nagkadevelopan, nagkaaminan ng mga feelings natin sa isa't isa...."

"Nasaan ka na bang part nung dumating ako?"

"Kakatapos ko lang basahin yung araw na nagpropose ka sa akin Hubby. Ang tagal na rin pala noh? Its been 7 years na ang nakakalipas pero heto buhay pa rin itong aking diary." Nakangiti kong sambit sa kanya.

"At magti-three years na rin tayong kasal sa April 1." Dugtong nito sa aking sinabi.

"Oo nga pala!"

"Teka maiba ako, nakaligo kana ba?" Ang tanong ng asawa ko.

"Hindi pa, bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi pa? Ano ka ba naman baby, nakalimutan mo na bang ngayon yung reunion ng mga barkada natin? It's already 5 in the afternoon na. Seven ang usapan na magkikita-kita tayo." Pagpapaalala nito.

"My ghad! Nawala sa isip ko kakabasa ng diary ko! Sige na hubby ikaw na muna diyan at maliligo na ako, I'm sorry hubby!" Sabay halik sa kanyang labi.

Ano ba yan! Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa diary ko.

Ngayon na nga lang kami makukumpleto lahat, nakalimutan ko pa. Kamusta na kaya silang lahat?

Oo nga pala bago ko makalimutan ang lahat, ako si Christian Fuentes Junior also known as Archan Makulam Sandoval. 24 years old and husband of Mr. Marc Renz Sandoval.

Yung kausap ko kanina siya yung hubby ko, si Sandoval. After namin grumaduate ng college ay nagpakasal na kami sa Canada. At yung perang ginastos namin sa kasal ay inutang niya mula sa akin. Sabi ko huwag na, okay lang kahit na ako ang gumastos ng kasal namin kaso hindi siya pumayag. Ayaw daw kasi niyang umasa sa perang minana ko sa mga magulang ko. Tsaka siya daw yung nagyaya ng kasal kaya dapat siya ang gumastos.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon