#29_Ang Araw Namin ni Ferdy

2.9K 145 16
                                    

#29_Ang Araw Namin ni Ferdy

July 29, Sunday

09:10 AM.

At last! Nandito na kami ni Ferdy sa Enchanted Kingdom! Wohohoho!

Yep! Tama dito ang unang date namin ni Ferdy.

Maaga pa lang ay pinuntahan na niya ako sa bahay, mga 7 pa lang ng umaga ay nandito na siya. Syempre nataranta agad ang lola ninyo kaya ayun agad akong naligo at nagpaganda para sa date namin.

Isang pink na t-shirt na may drawing ni Patrick the Star na pinartneran ko ng isang white short shorts na may belt na kulay yellow, at kulay white para sa aking shoes! Tsarrann! There you have it! Ang magandang baklang mangkukulam! Wohohoho!

Pagkalabas ko ng aking kwarto ay naabutan ko siyang nakikipagkwentuhan kay lola.

"Paano po Lola? Aalis na po kami. Dalhan na lang po namin kayo ng pasalubong mamaya." Paalam ni Ferdy.

"Ano ba kayo, hindi ninyo naman kailangan na alalahanin pa ako. Magenjoy na lang kayo doon sa pupuntahan ninyo at saka huwag kayo masyadong magpapagabi, maliwanag ba?" Bilin sa amin ni lola.

"Opo." Magkasabay naming bigkas.

Umalis na kami ni Ferdy at dumiretso na dito sa amusement park.

"Gusto mo bang kumain muna tayo o bibili na ako ng ticket para makapasok na agad tayo." Sambit nito.

"Pwede bang pumasok na muna tayo? Hindi pa kasi ako nakakarating dito eh. Alam mo bang matagal ko ng pinapangarap na pumunta dito kaso hindi ko naman magawa kasi sayang yung pera, ang mahal kasi ng ticket dito." Nahihiyang pagamin ko sa kanya.

"Masaya ako na ako ang unang nakatupad ng pangarap mo Archan." Nakangiti nitong saad.

Bakit ba ang gwapo gwapo niya lalo na kapag ngumingiti siya?

Nakasuot siya ngayon ng kulay light blue na jacket, white shorts at white shoes. Tapos nakasuot din siya ngayon ng pangnerd na salamin.

Waahhh! Ang cute cute niya!!

Umalis na ito at tumungo sa bilihan ng mga ticket. Bago kami pumasok ay nagselfie muna kaming dalawa sa harap ng E.K at doon sa mukhang wizard na rebulto.

Pumasok na kami sa loob, syempre nagselfie ulit kami. Una namin pinuntahan ay yung carousel, para kaming mga bata na tuwang tuwa ng makasakay kami sa kabayo. Si Ferdy naman ay walang tigil sa pagkuha ng litrato sa akin.

Pagkatapos doon ang sunod namin sinakyan ay yung hot air balloon, tapos yung Ekstreme na sobrang nakakatakot! Grabe pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Nanginginig pa akong umalis sa upuan, ng mapadaan kami sa souvenir shop saktong lumabas sa screen ng tv yung hitsura ko pagkalapag namin! My ghad nakakaloka! Agad ko ng hinila si Ferdy palabas doon. Baka makita pa niya nakakahiya!

After that sa bump car naman kami, then sunod sa roller coaster at ang huli ay doon sa malaking bangka na tinatawag nilang Anchors Away.

Kung nakakalokang sumakay sa Ekstreme, mas matindi naman ito! Dahil paulit ulit mong mararamdaman na parang mahuhulog ka sa itaas! My ghad! Iyong dulo pa naman ang pinili namin na pwesto. Pero kahit ganun pa man ang saya!! Grabe!!!

"Kain muna tayo?" Aya nito. Tumungo kami sa may foodcourt at doon na lang namin naisipang kumain. Siya na lang din ang pinapili ko ng aking pagkain. Maya maya ay dumating na siya dala ang pagkain namin at sabay na kaming kumain.

After ng lunch namin, sumakay na muna kami sa Ferris Wheel para bumaba muna ang kinain namin.

"Nag-eenjoy kaba sa date natin?" Tanong nito.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon