#38_Ang Lihim

2.6K 166 14
                                    

#38_Ang Lihim


August 19, Sunday

08:15 AM.

"Hoy manyak! Bakit ba ayaw mo kasing sumama sa amin magsimba?" Tanong ko kay Augustino.

Simula kasi kahapon manyak na ang tawag ko sa kanya. Paano ba naman kapag kaming dalawa lang lagi niya akong minamanyak grabe lang?!

"Magsisimba lang ako kung magpapakan---aray! Bakla ka talaga!" Sigaw nito matapos ko siyang batuhin ng tsinelas ko! Nagsisimula na naman kasi siya magsalita ng kabastusan.

Kasalukuyan siyang nagpapaligo ng mga kabayo ngayon. Dapat kasi magsisimba kaming lima kaso itong si Augustino mas piniling magpaligo na lang ng kabayo kaysa sumama sa amin. Sabi ko tuloy sa kanila mamayang 10 AM na lang ako magsisimba dahil pipilitan ko pa itong manyak na itong magsimba para naman mabawas-bawasan ang kamanyakan sa katawan. Kaloka!

"Ang bastos kasi ng bibig mo!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Bakit ano bang masama sa kanton? Pagkain kaya yun!" Nakangisi nitong sagot.

"Ewan ko sayo! Basta ang gusto ko magsimba tayo mamayang ten! Maligo kana pagkatapos mo diyan ha!" Samabit ko at umalis na sa kanyang harapan.

Naramadaman ko na lang ang pagtama ng tubig sa aking likuran.

My ghad!! Binasa niya ako!!!

"Bwiset ka! Hindi mo ba alam na nakaligo na ako kanina pa! Kaasar ka talagang manyak ka!!" Kuda ko pagkaharap ko sa kanya.

Naghubad ito ng damit at pantalon na sira. Itinira lang nito ang kanyang itim na briefs at kitang kita ang bakat nitong nota na may kahabaan na kahit hindi pa gising!

"Pwede mo ba akong paliguan beh?" Naglakad ito papalapit sa akin na may kasamang pangaakit.

Muli itong nagsalita ng kamanyakan, "Sasama lang ako kung papaliguan mo ako beh, tsaka gusto kong sabay tayo." At saka kumindat.

Noong una pagiging masungit niya ang kanyang ipinapakita sa akin, tapos ngayon pagiging manyakis naman ang kanyang pinapakita. Kailan naman kaya niya ipapakita sa akin ang pagiging mabait niya?

Kinuha nito ang kamay ko at inilagay sa kanyang dibdib.

Aba! Teka nga lang! Gusto mo pala ng manyakan ha, humanda ka ngayon sa akin Augustino!

Ibinaba ko dahan dahan ang aking kamay hanggang sa makarating sa kanyang pusod. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat dahil sa aking ginawa.

"Is this what you want, my baby?" Malambing kong tanong sa kanya.

Napalunok lang ito ng laway at hindi sumagot sa aking tanong.

Nagstep backward ako para naman makita niya ang gagawin ko. Tiningnan ko siya ng may pang-aakit at kinagat ko ang aking ibabang labi sabay kindat.

Hinawakan ko ang laylayan ng aking suot na damit at dahan dahan itong itinaas habang nakatingin pa rin sa kanya.

Nang tuluyan ko ng mahubad ang aking damit, pansin kong lumalaki ang kanyang tutoot!!

My ghad! Kailangan ko pa bang ipagpatuloy ito?!

Okay! Kaya mo ito Archan! Ipakita mo sa kanya na hindi lang siya ang marunong mang-asar!

Matapos kong mahubad ang damit ko, lumapit ako sa kanya ngunit ng papalapit na ako sa kanya ng itapat nito sa mukha ko ang hose na hawak niya!

Napaubo tuloy ako dahil sa mga tubig na pumasok sa ilong ko. Tiningnan ko siya ng masama!

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon