#56_Surprise?

2.1K 117 15
                                    

#56_Surprise?


October 24, Wednesday

03:15 PM.

[ARCHAN'S POV]

Ang tagal naman magsimula! Haist mga Pilipino nga naman, ang tagal laging magsimula kapag may pa event.

Tonight, magkasunod na gaganapin ang MNHS Got Talent at ang Miss Gay but unfortunately hanggang ngayon hindi pa rin sila nagsisimula. Ang nakalagay kasi sa event schedule ay 3 pm daw magsisimula ang MNHS Got Talent at ang Miss Gay naman ay 5 pm.

Kasali pa naman ako sa MNHS Got Talent kaya naiinip na ako at the same time kinakabahan na din! Ngayon lang ulit ako magpeperform sa harap ng maraming tao. Pero panghuli pa naman akong magpeperform eh!

Fifteen nga pala kaming kasali at sa fifteen na iyon 5 lang ang mananalo; 4th, 3rd, 2nd, 1st at ang Champion.

Kinuha ko ang bag ko para kunin yung tubig pero pagtingin ko ubos na pala. Kailangan ko na pa lang bumili ng bagong tubig.

Patayo na ako ng mapansin ko ang sulat sa aking bag.

Oo nga pala, noong Sabado nagpadala ng sulat yung taong laging nagpapadala sa akin ng mga bulaklak at tula. Nakasaad doon na sa Friday kung saan last day ng foundation day doon daw siya magpapakilala sa akin.

Hmmm sino kaya siya? Pero kung sino man siya sorry na lang siya dahil may mahal na akong iba kaya sayang lang ang effort niya.

Nagtungo na ako sa labas ng school kasi naman ang daming bumibili sa loob ng canteen hindi ako makasingit sa kanila. Sabagay may event nga pala ngayon kaya ang daming tao sa canteen.

Habang papalabas na ako ng school napansin kong kasabay ko na pala si Rain sa paglalakad at tulad niya nagulat siya ng makita niya ako, busy kasi ito sa pagsecellphone.

"Hi?" Bati ko sa kanya. Ngumiti ito ng tipid sabay lagay ng cellphone sa kanyang bulsa.

"Hello!" Ganting bati nito.

"Hmmm saan ang punta mo?" Tanong ko sa kanya.

"Bibili diyan sa labas, dami kasing tao sa canteen."

"Ako din! Sabay na lang tayo." Tumango lang ito.

Nakarating na din kami sa isang tindahan na medyo may kalayuan ng kaunti. Sa wakas ay pareho na kaming nakabili at guess what parehas tubig lang pala ang bibilhin namin.

"Balita ko kasali ka raw sa MNHS Got Talent." Ang panimula ni Rain.

"Ahh oo! Yung teacher kasi namin sa MAPEH pinasali kami ni Ferdy. Sayang naman daw yung mga talent namin kung hindi namin ipapakita at saka magiging proud daw si Sir kapag isa sa amin ni Ferdy ang magcha-champion. Teka sabi sa akin ni Augustino kasali ka raw sa Miss Gay, bakit hindi ka pa naghahanda?"

"Katatapos lang namin magfinal rehearsal para sa talent ko. Bumili lang ako ng tubig, tsaka may oras pa naman eh."

"Sabagay." Sabay bukas ng tubig at tungga nito.

"Archan, I'm sorry sa pagiging hadlang ko sa pagmamahalan ninyo ni Renz ha." Sambit nito.

"Ano ka ba?! Okay lang iyon at saka wala ka naman kasalanan. Nagmahal ka lang at pareho lang natin siyang minahal."

"Kung ganun? May pag-asa pa bang magkabalikan kayo kung saka-sakali?" Ang tanong nito.

Napangiti na lang ako sa tanong niya. Sasagutin ko na sana ang tanong niya ng may isang van na puti ang pumarada sa harapan namin.

Dali-daling bumaba ang mga lalaking nakaitim at nagmamadaling kinuha ako!

"Bitiwan ninyo ako!"

"Tumahimik ka kung ayaw mong mamatay agad!" Sigaw sa akin ng isang lalaki.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon