#08_Concern

3.8K 189 7
                                    

#08_Concern


June 15, Friday

07:36 AM.

Tinatamad pa akong tumayo, maya maya na lang siguro ako babangon tutal naman hindi na muna ako pinapasok ni lola.

Hayyy... Ano ba yung nagawa ko kahapon? Bakit naman kasi nandoon siya? Ayan tuloy natamaaan siya ng bola.









"AAAAHHHHHH!!!"

Hala! Sino yung natamaan ko? Ang daming lumapit doon sa natamaan ko, syempre kasama ako.

My ghad! Si Sandoval ang natamaan ko?!

"Dude okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Alvin.

"My gosh! Tumabi kayo diyan dahil ninyo na agad siya sa clinic!" Nagpapanic na sabi ni Pres. Jessica.

Agad naman binuhat ng mga lalaki si Sandoval at dinala sa clinic.

"I'm sorry Pres." Yun lang ang nasabi ko.

"No. It's okay. Hindi mo kailangan magsorry, alam ko naman na hindi mo iyon sinasadya." Sambit ni Pres.

Umalis na ako at kinuha ang gamit ko, hindi ko na rin nakita ang ibang SSG members. Siguro pinuntahan nila si Sandoval sa clinic.

Ang daming nagpaparinig sa akin na sinasadya ko daw yung nangyari, na gumamit daw ako ng itim na mahika kaya ganun daw ang nangyari kay Sandoval at kung anu-ano pa. Hindi ko na lang sila pinansin tutal naman wala naman silang ginagawa sa akin.

Kailangan ko rin bang sumunod sa clinic? Naku bukas na lang siguro. Bukas ko na lang din tatanungin si Alvin kung nakapasa ba ako sa task na ipinagawa niya.

Lumabas na ako ng court, tiningnan ko ang kamay ko. May sugat at medyo namamaga na. Masyado pa lang napalakas ang palo ko, nakalimutan kong bola nga pala ng basketball ang pinalo ko hindi bola ng volleyball. Panigurado hindi ko ito magagalaw bukas.

"Pwede ko bang tingnan yan?" Saad ni Ferdy na nanggaling mula sa likod ko. Hinawakan nito ang aking braso at saka chineck ang kanang kamay ko.

O M G!

Trulalo ba itey?

Nasa harapan ko si Fafa Ferdy ko?!

At.. At hinawakan niya ang braso ko?!

"Tara sa clinic! Kailangan malunasan agad yan." Saad niyang muli.

Oh my! Concern siya sa akin?! At... Wait!

"Ano-- wag na!! Hindi na kailangan, kaya ko naman gamutin yan! Hehehe." Tutol ko at binawi ang braso ko.

Naku ayaw ko munang pumunta doon sa clinic! Nandoon pa si Sandoval at malamang sa alamang baka kung ano pang magawa sa akin ako ng lalaking iyon!

Napakunot ang hindi kakapalan nitong kilay na bumagay sa mga mata niyang singkit, sa ilong na matangos at sa kissable nitong lips.

Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito?

"Hmmm... Okay, kung ayaw mong dalhin kita sa clinic pwede bang ako na lang ang gumamot niyan? After all ako naman ang may dahilan kung bakit iyan nagkaganyan." Sambit nito at muli nitong hinawakan ang kanang braso ko. Sa pangalawang pagkakataon muli kong inalis ang kamay niya.

Hindi naman sa nag-iinarte ako, kaso nakakahiya sa mga makakakita. Baka kung ano pa ang sabihin nila sa amin.

"Ahm wag na, kaya ko naman talaga! Promise!"

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon