#50_Hindi Inaasahan

2.7K 156 31
                                    

#50_Hindi Inaasahan





September 28, Friday

10:13 PM.

[AUGUSTINO'S POV]

Naglalakad ako ngayon pabalik sa bahay nina Sir Ethan, inihatid ko na kasi sina Lola Guring at Archan sa kanilang bahay. Maayos na daw ang lagay ni lola kaya naman pinayagan na sila ng doktor na lumabas na ng ospital.

Masaya ako kasi ayos na ang buhay ni Archan ngayon, maari na muli akong bumalik sa amin sa Baguio.

Pinadalhan ko na rin ng mensahe si Sir Ethan na pauwi na ako sa kanilang bahay.

Bago sumakay ng jeep, naisipan ko munang dumaan sa 7'11 para bumili ng maiinom. Sarado na kasi ang mga tindahan at ito na lang ang nakikita kong bukas.

Pagkatapos kong bumili ay tumambay muna ako sa labas para ubusin ang binili kong inumin. Sa isang lamesa napansin ko ang isang lalaki na nakasubsob ang mukha sa isang braso niya habang ang isang kamay naman nito ay may hawak na alak.

Sa tabi nito ay makikita mo ang ilang bote ng alak na wala ng laman. Maririnig mo rin na para bang bumubulong ito habang humihikbi.

Nilapitan ko siya at tinapik ang kanyang balikat.

"Pre mukhang naparami ka na yata ng inom, umuwi kana at baka mapaano ka pa sa daan." Sambit ko dito.

Iniangat nito ang kanyang mukha at laking gulat ko ng makita kung sino ang lalaking umiinom! Hindi pala siya lalaki kundi isang bakla! At si malditang bakla pa!

Kita sa mukha nito ang pamumugto ng kanyang mga mata.

Bakit siya umiinom mag-isa?

"I-ikaw *hik*na naman?" Sambit nito ng mamukhaan ako.

Lumapit ako at umupo sa kanyang tapat.

"Anong oras na bakit nandito ka pa? At saka bakit ka nag-iinom? Ikaw lang ba mag-isa dito?" Ang tanong ko.

"Wala kang *hik* pake!" Sagot lang nito.

Tiningnan ko lang siya. Hindi na rin ako nagsalita, kumuha na lang ako ng alak at binuksan ito saka ininom.

"Hoy! Alak ko yan ah! Bu*hik*mili ka ng sayo." Bigla nitong inagaw sa akin ang alak na hawak ko mabuti na lang at mabilis ko itong nailayo sa kanya.

"Ang damot mo naman isang bote lang."

"Tss.. Bakit ka ba nandito?" Ang tanong nito at saka muling ininom ang kanina pa nitong hawak na alak.

"Bumili lang ako ng maaari kong mainom nauuhaw kasi ako tapos paglabas ko ng 7'11 nakita kita. Ikaw anong ginagawa mo dito at bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo?" Tanong ko naman sa kanya.

"*Hik*Ayaw ko pang umuwi! Ikaw umuwi ka na! Epal ka lang dito!"

"Hindi kita pwedeng iwan dito na ganyan ang kalagayan mo, mahirap na baka mahold-up ka na naman konsensya ko pa. Kung ayaw mo pang umuwi, hayaan mo na lang akong samahan ka dito."

Napatitig lang ito sa akin at ilang saglit lang ay biglang bumuhos ang luha nito.

"Oy! Oy! Bakit bigla-bigla ka na lang umiiyak diyan! Tumigil ka nga baka sabihin nila pinaiiyak pa kita!" Natataranta kong sambit.

"I'm sorry..." Saad nito habang umiiyak pa rin.

"Kung may problema, maari mong sabihin sa akin. Handa akong makinig kung naiisin mo."

Ilang minuto pa itong umiyak saka pinagpasyahan na magkwento.

"I have a boyfriend but suddenly nakipag-hiwalay na siya sa akin. Sinabi niyang hindi na niya ako mahal kasi mas mahal niya daw yung baklang iyon! Ang sakit! Ang sakit sakit! Bakit kailangan niya pa akong paniwalain na mahal niya ako gayun hindi naman pala! Akala ko kaya siya pumayag na makipagbalikan sa akin kasi mahal niya ako, ngunit hindi pala! Gusto niya lang pa lang saktan ang baklang iyon!" Salaysay nito sa gitna ng pag-iyak.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon