#22_Hende Ako Lasheng!

3.1K 188 35
                                    

#22_Hende Ako Lasheng!




July 13, Friday

10:44 PM.

[MARC RENZ'S POV]

Maya maya ay pumikit siya habang dahan dahan akong lumalapit sa kanya.

Ano bang iiniisip ng baklang ito?

Pagkalapit ko, tinanggal ko ang kapirasong chicharon na dumikit malapit sa kanyang labi.

"You can open your eyes now." Dahan dahan naman nitong inimulat ang kanyang mga mata at saka ko ipinakita sa kanya ang nakuha kong chicharon.

"Para ka namang bata kumain. Tsaka bakit ka pumikit? Anong akala mo hahalikan kita?" Pang-aasar ko sa kanya.

Kinuha nito ang chicharon at binato sa mukha ko!

"Excuse me hindi noh!" Sabay lagok sa alak.

Hindi ko alam kung bakit ba tuwang tuwa akong asarin siya. Gustong gusto ko palagi nakikita yung expression ng mukha niya kapag naiinis na siya.

Baka naman naalala mo sa kanya ang dati mong kasintahan?

Imposible. Malayong layo ang kanilang personalidad. Hinding hindi sila magiging magkatulad.

"Oh ano? Hik. Natulala kana diyan! Ano nagaganda--hik--han ka ba sa aken?" Tanong nito habang nakatingin sa akin. Ang pula niya na, at mapungay na rin ang kanyang mga mata.

Hindi ko alam na natulala na pala ako sa kanya. Pinisil ko na lang ang ilong niya. Aaminin ko, ang cute niya ngayon.

"Alam mo lasing kana Archan."

"Hik! Ako? Lasheng? Hik! Hende kaya! Hende ako lasheng!" Hinawakan niya ang mukha ko at saka pinagpipisil ang mga pisngi ko.

"Baket ang hik! Cute mo Shandobal?"

Haist! Dapat pala hindi ko na siya inayang mag-inom! Ang gusto ko lang naman ay magkabonding kami at magkaayos. Iyon kasi ang gusto ni Mama, ang makipagkaibigan ako kay Archan kahit na ayoko.

Mabait naman talaga si Archan. Sadyang ayoko lang talaga sa kanya dahil mangkukulam siya! Hanggang ngayon tandang tanda ko pa noong una kaming nagkita. Muntikan na akong matamaan ng kidlat ng dahil sa kanya. Dahil yata doon natrauma ako na makipaglapit sa kanya.

Hmmm.. Hindi pala lasing ha. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang camera.

"Hi Archan! Kaway ka naman sa kanila dali!" Agad naman itong kumaway at nagpacute sa harap ng camera. Ewan ko kung alam niya ba na vinivideohan ko siya o hindi.

"Hay! Hende ba maganda naman ako? Ayaw kasheng manewala netong she Shandobal eh.. Oh si sabe nela maganda daw ako!"

"Eh ako pogi ba? Tanong mo sa kanila dali!" Hahaha ang sarap niyang pagtripan!

Bigla itong sumeryoso at tinitigan ako. Kakaiba yung titig, parang kinabahan ako bigla. Teka baka bigla niya akong kulamin ah!

"Hindi ka pogi, kasi gwapo ka." Lumapit siya at hiwakan niya ang mukha ko, "Ang gwapo gwapo mo kaya Shandobal! Pakess nga ako!" At ngumuso ito na parang hahalikan nga ako. Pero hinarang ko agad yung kamera sa labi niya.

Haist lasing nga talaga!! Kinabahan ako doon ah!

Lagot ka ngayon sa akin Archan! Humanda ka sa Lunes ahahaha! May pamblackmail na ako sayo! Tama na itong video, picture naman!

Lumapit ako sa tabi niya at inakbayan siya. Bakit ba liit liit ng baklang ito?

"Archan picture tayo dali! Tingin ka sa camera. Smile!!"

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon