#34_Paglisan

2.7K 160 27
                                    

#34_Paglisan

August 10, Friday

11:45 AM.

[MARC RENZ'S POV]

Two days na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagpapakita sa amin si Archan, hindi pa din ito pumapasok ng school. Siguro nasasaktan pa rin siya sa kanyang natuklasan. Kung ako naman din ang nasa sitwasyon niya masasaktan din naman ako. Kaya nga hinahayaan na muna namin siya sa kung anong gusto niyang gawin.

Nalaman na rin namin na si Vivian pala ang nagsabi kay Archan tungkol sa task ng taga-SSG. Si Principal na daw ang bahalang magpataw ng parusa dito.

Noong una naming malaman ang tungkol sa pinapagawa sa amin ng Principal ay tumutol din naman kami sa gusto niya, ngunit kung tutuusin may punto naman talaga ang Principal.

Sa loob ng apat na taon na pag-aaral ni Archan dito, wala man lang siyang naging kaibigan. Hindi rin siya nakikilahok o umaattend sa mga events ng school at bukod pa doon lagi siyang inaayawan at kinatatakutan ng mga estudyante dahil sa isa daw siyang mangkukulam. Pero hindi alam ng lahat, na si Archan pala mabait, talentado, masipag, matulungin, mapagmahal at masayang kasama. Kaya kung kikilalanin mo lang talaga siya makikita mong ibang iba siya sa tinatawag nilang baklang mangkukulam. At isa ako sa makakapagpatunay noon. Kaya naiintindihan ko kung bakit si Archan ang napili ng Principal.

Napahinto ako sa pag-iisip kay Archan ng magvibrate ang cellphone ko. Tumingin muna ako sa loob ng room namin baka kasi may makakita na naman sa wallpaper ko. Minsan na akong nahuli ni Archan at ayoko ng may makahuli pang iba. Sapat ng siya lang nakakita nito.

Nagtext pala si Mikko at pinapapunta kaming lahat sa office. Simula kasi kahapon, hindi pa ako pumupunta doon.

Tumayo na ako at pumunta sa office. Pagkarating doon nakita ko si President, Mikko at James na nakaupo. Sila pa lang ang nandoon.

Ilang minuto lang ay dumating na rin sina Xander, Tristan at Alvin.

"Pinapunta ko kayo ngayon kasi gusto kong malaman ninyo na kinausap ako kanina lang ng ating Principal. Sinabi niya sa akin na pumunta daw dito kanina si Archan." Panimula ni President.

Pumunta dito si Archan? Bakit wala man lang nagsabi sa akin? Sa amin? Tsaka bakit hindi man lang siya nagpakita?

"Nagrequest siya sa Principal na payagan na siyang magquit bilang assistant ng SSG at sa kasamaang palad ay pinagbigyan siya sa kanyang kahilingan." Napatingin lahat kami sa sinabi ni Pres.Jessica.

Bakit? Bakit kailangan niya pang magquit?

"What? Bakit pumayag ang ating Principal?" Tanong ni James.

"Well I don't know, and besides hindi lang iyon yung hiniling niya sa Principal. Hiniling din nitong magdrop out na dito sa ating school."

What?!!

"Teka Xander, hindi ba ikaw ang boyfriend niya, alam mo ba ang lahat ng ito? Napag-usapan ninyo ba ang tungkol dito? Sinubukan mo ba siyang pigilan sa kanyang mga hakbang?" Sunod-sunod na tanong ni Alvin.

"I'm sorry guys, pero hindi totoong boyfriend ako ni Archan." Pag-amin nito, kaya naman napatingin sa kanya ang lahat.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Tristan.

"Hindi totoong kami ni Archan, nagpapanggap lang kaming magkasintahan para ipakita sa ex kong si Claire na nakamove on na ako sa kanya at para hindi na rin niya ako balikan pa." Paliwanag nito.

"Kung hindi kayo, bakit hindi ninyo sa amin sinabi ang totoo noong tinanong namin kayong dalawa?" Tanong naman ni Pres.Jessica.

"Dahil gusto pa rin ni Archan na tulungan ako. Ayaw niyang aminin yung totoo dahil ayaw niyang malaman ni Claire na nagpapanggap lang kaming dalawa."

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon