#14_James Santiago

3.9K 199 8
                                    

#14_James Santiago


June 26, Tuesday

08:05 AM.

Katatapos lang ng unang subject namin at heto ako ngayon, nasa office ng SSG kasama si James Santiago ang kanilang secretary.

Bukod daw kasi kay Pres. Jessica, siya lang din yung may pinakamaraming ginagawa sa kanila. Ngayon ang task ko ay maging assistant niya for the whole day. Naipagpaalam na rin daw nila ako ni Pres. sa aming Principal at sa mga teachers ko.

Konti na lang talaga iisipin ko, may special treatment sa akin. Kasi lagi na lang pinapaboran ng Principal ang mga ginagawa ko. Pero sabagay, kung tutuusin ganito rin naman ang magiging routine ko kapag naging assistant na nila ako.

Busy ngayon si James sa pagtatype sa laptop habang ako nakatingin lang sa kanya.

Ganito lang ba gagawin ko maghapon? Ang boring naman. Parang mas gusto ko pang pumasok na lang.

Hmmm.. Pero in fairness dito kay James ha, ang pogi rin pala niya. Ay mali pala! Let me rephrase it, ang cute pala niya! Medyo may pagkasingkit ang kanyang mga mata, na bumagay sa matangos na ilong nito, at merong katamtaman na kapal ng labi. Siya talaga yung typical crush ng mga kababaihan! Ganurn!

"Tapos ka na bang i-check ang mukha ko?" Humarap naman ito bigla.

"Ha? Hoy excuse me noh! Feeling ka naman diyan! Sa laptop mo kaya ako nakatingin hindi sa mukha mo!" Pagsisinungaling ko.

My ghad! Kanina pa ba niya alam na kanina pa ako nakatingin sa kanya?!

"Okay, sinabi mo eh." Bumalik na muli ito sa pagtatype.

"Teka nga! Akala ko ba assistant mo ako today? Bakit wala ka naman ipinapagawa sa akin?"

Huminto ito sa pagtatype at iniharap sa akin ang kanyang laptop. Inilapit rin niya ang mga papel.

"Those are the papers na kailangan kong maisubmit tomorrow. Nakasaad diyan yung mga napag-usapan namin kahapon sa meeting at nandiyan na rin yung mga activities na para sa nutrition month, buwan ng wika and sa Intrams. Kailangan din natin magpasa ng recommendation sa Principal para sa mga gagawin nating activities, bago kasi natin gawin ang isang palaro or event ay kailangan may approval ng Principal at ng Dean. Bale sa 2nd week ng July gaganapin ang nutrition month. Sa 1st week naman ng August papatak ang final examination ng lahat ng estudyante and after that may three weeks tayong paghahanda para sa ating Buwan ng Wika at Intrams." Mahaba nitong sabi.

So ibig sabihin lahat ng ito kailangan naming matapos today? Seryoso?! Hindi ba pwede hanggang friday?

Kaloka ganito ba talaga ang ginagawa ng secretary?

"Tayo lang ba gagawa nito?" Tanong ko.

"Nope. Tutulungan naman din tayo ng iba, si Pres. kasi mamaya pa siya makakatulong dahil may apat pa siyang exam na kailangan pasukan. Si Mikko naman siguro mamaya pa yun pupunta kapag wala kana."

"As if gusto ko rin siyang makasama! Hmmp! Tara na nga gawin na lang natin ito ng matapos na, ituro mo sa akin ang mga dapat kong gawin."

Pinaghatian namin ang gagawin, itinuro niya sa akin ang mga gagawin ko habang siya pumunta sa may computer at doon niya ginawa ang sa kanya. Si Pres. Jessica na lang daw ang bahala mag-ayos ng mga ginawa nila mamaya.

Hindi ko alam na ganito pala kabusy ang maging member ng SSG.

Eh kung umayaw na kaya ako? Hahaha charroot lang! Sinimulan ko na ang pagtatype.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon