#48_Pagtuklas sa Katotohanan

2.5K 134 10
                                    

#48_Pagtuklas sa Katotohanan





September 24, Monday

06:39 AM.

[AUGUSTINO'S POV]

"Salamat sa paghatid sa akin Tino, pero sana hindi mo na lang ako hinatid pa nakakahiya naman sayo." Ang saad ni Archan ng maihatid ko siya dito sa kanilang eskwelahan.

Nandito kami ngayon sa harapan ng eskwelahan nina Archan. Hindi ko nga inaakala na ganito pala kalaki ang paaralan na pinapasukan niya.

"Hindi mo kailangan mahiya sa akin Ganda, magkaibigan naman tayo hindi ba? Tsaka sina Ma'am at Sir naman ang may sabi sa akin na ihatid kita palagi sa eskwelahan na pinapasukan mo bago ako pumunta ng ospital." Saad ko sa kanya.

"Maraming maraming salamat talaga sa tulong mo Tino, mabuti na lang at nandiyan ka atleast hindi na ako mag-alala sa kalagayan ni Lola Guring kapag nasa school man ako o kaya nasa trabaho." Lumapit ito at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

"Sige pumasok kana at baka mahuli ka pa sa klase mo. Pupunta na rin akong ospital para bantayan si lola. Mag-iingat ka!" Ang bilin ko sa kanya.

"Ikaw din. Bye, kita kits na lang mamaya!" Sambit nito at pumasok na sa loob ng kanilang paaralan. Habang ako naman ay naglakad na patungo sa sakayan papuntang ospital.

Dumaan muna ako sa bilihan ng mga prutas para bumili ng mg ito at ng pagkain ko rin mamaya. Ang bilin kasi sa akin ni Sir Ethan bumili daw ako ng mga prutas at ng mga makakain ko para ng sa gayun daw ay hindi ako maiinip sa pagbabantay kay Lola Guring.

Pagkatapos kong bumili ay napadaan ako sa parke, at kitang kita ko sa aking kinatatayuan na hawak hawak ng dalawang lalaki ang isang bakla.

"Pwede bang bitiwan ninyo ako!!!" Sigaw ng bakla sa dalawang lalaki. Napatingin siya sa direksyon ko at saka muling sumigaw ito.

"Tulungan mo ako!!!" Ang suot nitong uniporme ay nahahawig sa suot ni Archan ngunit kulay asul nga lang ito.

"Pre huwag kang mangialam dito kung ayaw mong madamay!" Ang sigaw naman sa akin ng lalaking maitim.

Nakilala yata ako ng bakla kaya muling nagsalita ito, "Sa dinami rami na pwedeng tumulong sa akin, bakit ikaw pa ang ang dumating?!" Inis nitong sambit.

"Sino bang may sabi sayong tutulungan kita? Hindi mo ba natatandaan ang huling sinabi mo sa akin? Ang sabi mo ay huwag na huwag akong mangingialam sayo, kaya bakit kita tutulungan ngayon?"

Wala naman talaga akong balak na pabayaan lang siya, gusto ko lang siyang inisin.

"Alam mo wala ka talagang kwentang kapre ka!!!" Sigaw niyang muli.

Nginisian ko lang siya.

"Wala kaming panahon sa drama ninyong dalawa! Ang mabuti pa ay ibigay mo na lang sa amin ang pera mo bakla ng makaalis na kami dito!" Sambit naman ng lalaking mataba.

"No!! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong pera kaya bitiwan ninyo na ako!! At ikaw kapre ka! Wala ka ba talagang balak na tulungan ako ha!!?" Singhal nito.

"Subukan mo muna kayang makiusap sa akin baka sakaling pumayag pa ako sa nais mo." Patuloy na pang-iinis ko.

"Fine!! I'll do what you want tulungan mo lang ako sa mga adik na ito! Please tulungan mo na ako! Nakikiusap ako!" Kita na sa kanyang mukha ang takot.

Kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at agad kong sinipa sa mukha ang lalaking maitim, tumilapon ito papalayo sa bakla. Sinuntok ko naman ng malakas ang mataba sa kanyang tiyan dahilan para mapaluhod ito at mamilipit sa sakit.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon