#36_Mister Sungit

2.7K 141 19
                                    

#36_Mister Sungit

August 13, Monday

12:30 PM.

Kakatapos ko lang magtanghalian, nandito ako ngayon sa may balkonahe nagpapahangin.

Hindi ko inakala na ganito pala kalaki ang lupain nina Ethan dito sa Baguio.

Noong Sabado, wala akong ginawa kundi ang humiga at matulog lang maghapon. Ang lamig kasi! Kaya ang sarap matulog. Hahahaha!

Kahapon naman, lahat kami nagsimba at namasyal na rin maliban lang kay Augustino. Sabi ni Nanay Nelia, ganun na daw ang ugali nito noon pa man masyadong mailap sa mga tao. Tanging mga kabayo at mga alagang hayop lang nila ang lagi nitong kasa kasama.

Kakaalis nga lang pala nina Nanay Nelia at Angelito para mamili ng mga pagkain namin naubos na kasi ang stock nila. Isinama rin nila si Lola Guring para makapasyal na rin ito, samantalang ako naman ay nagpaiwan na lang para kahit papaano ay may magbabantay ng bahay.

Nakita ko si Augustino na nakahubad at tanging pantalon at bota lang suot.

Likod pa lang ang sheeereep na! Charroot!! Hahaha!!!

Papunta siya ngayon sa may kakahuyan kaya naman pasimple ko siyang sinundan. Pero agad naman niya akong naramdaman kaya lumingon ito sa kanyang likuran. Hindi tuloy ako nakapagtago.

Wow! Ang lakas ng pakiramdam ng mokong ha!

"Sinusundan mo ba ako?" Masungit nitong tanong.

"Hmmm yep! Wala kasi akong magawa eh. Tsaka saan ka ba pupunta?"

"Kung wala ka pa lang magawa edi sana sumama kana lang kina Inang hindi yung sumusunod ka sa akin."

"Wala ako sa mood pumuntang bayan. Tsaka walang magbabantay ng bahay." Sambit ko habang patuloy na sinusundan siya.

"Wala pa lang tao sa bahay bakit sumusunod ka pa? Tsaka pwede ba! Huwag ka ng sumunod sa akin?!" Galit nitong saad at hinarap ako.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong ko.

"Sa lugar kung saan malayo sayo!"

"Wow ha! Alam mo ang sungit mo, ang gusto ko lang naman ay makipag-kabigan sayo. Hindi ko alam kung kanino ka ba nagmana eh, kasi si Nanay Nelia mabait tapos magkaibang magkaiba pa ang ugali ninyo ni Angelito, kung siya friendly at mabait ikaw naman sobrang sungit at suplado!"

Hmmpp! Akala mo kung sinong gwapo.

Hmmm kung tutuusin may hitsura naman siya eh, kaso parang hindi lang marunong mag-ayos ng sarili. Mahaba ang buhok, tapos mahaba din kanyang mga bigote't balbas.

Pero in fairness sa kanya malalaki naman ang maskels niya at may pa abs din si kuya mo. Moreno din ang kanyang kulay, Pilipinong Pilipino ang kuya ninyo!

Pero sa halip na patulan ang sinabi ko, naglakad lang ito pabalik sa bahay.

"Hoy!!!" Sigaw ko.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag ako ang abalahin mo! Matulog ka na lang sa bahay kung gusto mo." Saad nito.

Sinundan ko na lang siya at hindi na nagsalita pa.

Pumasok ito sa loob ng bahay at dumiretso sa kanilang kwarto. Paglabas niya ay may suot na itong damit pang itaas.

Tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"May suot na akong damit, kaya kung pwede tantanan mo na ang kakatitig sa katawan ko."

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon