#37_Trap

2.6K 155 41
                                    

#37_Trap



August 17, Friday

06:34 PM.

My ghad! Where am I?!!

Bakit naman kasi hinanap hanap ko pa ang lalaking yun?! Ayan tuloy nawawala na ako! My ghad!

Sabi ko kasi sayo Archan pahinga lang hindi tulog!! Kaloka ka!!

Kakahanap ko kay Augustino hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagod dahil sa kakalakad ko dito sa loob ng kakahuyan.

Hindi ko inaakala na napakalawak pala nito!

Nararamdaman kong lalong lumalamig at lumalakas ang hampas ng hangin. Natatabunan na rin ng mga ulap ang mga bituin, kaya naman mas lalo akong nahihirapan makaaninag ng liwanag ngayon.

Nasaang lupalop na ba ako ng Baguio ngayon?

Wala naman sigurong multo dito noh? My ghad pakiramdam ko may nakatingin sa akin! Wahhhhh!!

Kalma lang Archan! Huwag mong takutin ang sarili mo okay?

Nasaan na ba ako? Hindi ko na rin kasi matandaan kung saan ako dumaan kanina, dapat pala nagtanong muna ako kina Nanay Nelia at Angelito kung saan ko ba makikita si Augustino dito. Ang ending tuloy ako ang nawawala ngayon!

Maya maya ay bumagsak na ang malalaking patak ng ulan. Hanggang sa naging sobrang lakas na nito. Kung hindi ka nga naman minamalas oh!

Naghanap agad ako ng masisilungan at mabuti na lang nakakita ako ng kweba kaya doon agad ako nagpalipas ng ulan.

My ghad! Basang basa na ako ng ulan!

Mukhang base sa lakas ng ulan, masasabi kong hindi lang siya ordinaryong ulan. Mukhang may bagyo sa lakas eh! Malalakas din ang hampas ng hangin!

My ghad naman! Bakit ngayon pa?!

Lord, ito na po ba ang katapusan ko?! Huwag Ninyo naman po sana akong kunin agad. Wala ng makakasama ang Lola Guring ko at hindi pa po kami nagkakaayos ng mga taga-SSG at hindi ko pa nasasabing gusto ko si Sandoval eh!

Napayuko na lang ko at hinayaang bumagsak ang aking mga luha. I know na kailangan kong magpakatatag sa mga oras na ito, kasi sarili ko lang ang maaasahan ko ngayon pero hindi ko kasi mapigilan ang hindi mapaluha. Paano kung dito na pala ako mamatay?

Waaahhhh!!! Ayoko! Ayoko pang madedo noh!

Pinunasan ko ang aking luha. Sa ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay na humupa ang ulan tapos saka ko ipagpapatuloy ang paghahanap sa daan pabalik sa bahay.

Si Augustino? Naku bahala na siya sa buhay niya tutal siya naman ang may kasalanan kung bakit nandito ako ngayon.

Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin humuhupa ang bagyo, siguro kailangan ko na munang magpahinga at ipagpabukas na lang ang paghahanap sa daan.

Papikit na ako ng makarinig ako ng isang sigaw.

Oh my gosh! Tao ba yun o multo? Waahhhh!!!

Pinakinggan kong mabuti, baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig. Ngunit lumalakas ang sigaw!

"Wahhhh!! May multo!!!!" Sigaw ko talaga!

Palapit ng palapit lalo yung sigaw! Pero this time lumilinaw na yung sigaw nito at parang pangalan ko ang aking naririnig.

My ghad! May tutulong na ba sa akin!?

Sumigaw din ako ng ubod ng lakas, "Tulong!! Nandito po ako sa kweba!!"

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon