Prologue

4.1K 61 0
                                    

Maulan at makidlat ang gabi. Una nang nabalita sa TV na may bagyong kasalukuyang nasa bansa. Pero hindi nito naaapektuhan ang masayang batang lalaki na may hawak na trophy na hugis raketa. Nakangiti itong pinupunas-punasan iyon habang nakaupo sa malawak na sala ng kanilang bahay. Ang nagbabantay naman sa kaniya ay lalaking lagpas trenta na ang edad. Siya naman ay nakadungaw sa malaking bintana at may bakas ng pag-aalala sa mukha.

“Walter, matagal pa ba sila Mom at Dad?” Humarap si Walter sa batang ngiting-ngiti pa din.

“Malapit na po silang dumating, young master”

“Excited na akong ipakita sa kanila to! Can you believe it, Walter? I won the tennis tournament! Matutuwa sigurado sila Mommy, especially Daddy kasi siya nagturo sa akin! What do you think, Walter?”

“O-opo, young master” sagot na lang ulit ni Walter at bumalik na sa pagtingin sa bintana.

Di nagtagal ay tumunog ang door bell. Nagitla si Walter at dali-daling nagtungo sa pintuan para pagbuksan ang dumating. Lalo namang na-excite ang batang lalaki kaya sumunod ito sa alalay.

“Mommy! Daddy!”

Pero hindi ang mga magulang ng bata ang dumating. Sa halip, dalawang pulis na basang-basa ng ulan ang bumungad sa kanila.

Delgado residence po ito, hindi ba? May balita po kami tungkol kay Mr. at Misis Delgado…..

 Author’s Note:

Annyeong Haseyoww! Hehe!

Siguradong karamihan sa makakabasa nito, ang sasabihin masyado nang gasgas yung plot, at sobrang common na nung mga character personality. But if you’re going to read this, I’m kindly asking you to please not read it that way. Basta isipin nyo na lang, gusto nyo kiligin. :) Hehe. Sana ma-appreciate nyo!

Annyeong Haseyow!

ALL kinds of comments, harsh and fine are appreciated.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon