EPILOGUE

2.1K 65 9
                                    

“Congratulations, Ms. Montez. Ang Brazo de Mercedes cupcake mo ang Recipe natin for the week”

Palakpakan yung mga classmate ni Kyra. Nag-curtsy naman sya at nginitian lahat ng pumalakpak para sa kanya. Sa buong semester nila, pangatlong beses na nakukuha yung mga Recipe nyang ginagawa.

Sa tulong na din ng Scholarship na inoffer sa kanya ng Academy, natupad ni Kyra ang kagustuhan nyang mag-Culinary Arts. Dahil sa hilig nyang mag-bake, kinuha nya ang Pastry bilang kanyang major.

“Congrats!” bati sa kanya ng ilan nyang mga classmate nung dismissal na nila. Ang ilan naman ay sinasamaan sya ng tingin at nilalagpasan na lang sya.

“Salamat!” ngiti nya dun sa mga bumabati sa kanya. Hindi na lang nya pinapansin yung mga umiirap sa kanya. Sa dalas kasi nyang ma-encounter ang ganung scenario, nasanay na din sya na wag patulan ang mga ito.

Paglabas niya ng building nila, inikot ulit nya ang paningin sa paligid. Nung high school pa sya, hindi nya naisip na ganito kalaki at kaganda ang College Area ng Academy. Out of bounds kasi sila doon noon at kung sino mang lalagpas sa boundary ay siguradong mapaparusahan. Maganda nga ang High School Area pero malayo pa din ang itsura nito sa College Area. No wonder iniba ang pangalan nito sa High School Area. Jaime University, mukha talaga itong University at pwede pang ikumpara sa University sa ibang bansa.

 Dumiretso si Kyra sa College of Arts at agad na nakasalubong ang best friend nitong si Kyra. Katulad ni Ash, Journalism ang kinuha nito. Nangangarap kasi si Ginger na balang araw, magiging reporter sya tungkol sa Showbiz na gaya ni Ginger Cornejo. Same name, same fate. Pwede, ‘diba?

“Oh my gee, Ky! Super nakaka-stress na ‘yung mga ginagawa namin! I need a break! Let’s go have some tea!” aya nito sa kanya at hinigit na sya nito sa braso.

Pumunta sila sa Tea House ng University at umorder ng paborito nilang Wintermelon Milk Tea. Nagkaron na sila ng agreement na kung sino man ang stressed sa kanilang dalawa, manlilibre ng Milk Tea.

“Oh, para sayo” sabi ni Kyra at iniabot sa best friend ang isang box na may lamang tatlo ng ginawa nya kaninang Brazo de Mercedes Cupacake. “Para mas maibsan ‘yang pagka-stress mo”

Agad naman na napangiti si Ginger at dali-daling binuksan at kinain yung isang cupcake. “This is soooo delish, Ky. You should sell this in your bakeshop!”

“Mm, pag-iisipan ko pa. Baka kasi mahal e” sagot ni Kyra bago uminom sa kanyang Milk Tea.

“But it’s delicious! If I’m the customer, I’d still buy these kapag ganito kasarap” pagre-reassure sa kanya ni Ginger. Kyra just grinned at her, although she knows Ginger is telling the truth. Kahit kasi mag-best friend sila, sinasabi pa din ni Ginger sa kanya kapag hindi nito nagustuhan ang gawa nya.

Simula nung ma-operahan ang Tatay ni Kyra, nag-implement na sya ng routine para sa tatay nya. Tuwing umaga, pinag-jojogging nila ito at hindi na pinapakain ng masyadong matatabang pagkain. Tuwing Sunday naman, para may day off at pahinga ang mga magulang, silang dalawa naman ni Al ang tumatao sa Bakeshop nila. At dahil underage pa si Al at hindi pa pwedeng kumuha kahit Student’s license, si Kyra ang nag-da-drive ng mini truck nila para i-deliver ang mga order na kailangang i-deliver.

Hindi sana papayag ang Tatay ni Kyra na magmaneho sya mag-isa pero pumayag na din ito nang malaman na hindi naman pala magiisa ang anak sa pagdedeliver.

“Cade, bilisan mo!” sigaw ni Kyra sa nag-presintang sumama sa kanya tuwing Linggo. Kyra was first against the idea pero naunahan na sya ni Cade na magpaalam sa Tatay niya. Hindi naman sa boto na agad ang mga magulang ni Kyra kay Cade pero napatunayan na ni Cade na pwede nilang ipagkatiwala si Kyra sa kanya at isa syang mabuting tao.

“Eto na!” sagot ni Cade na inayos muna ang mga kargada sa likod ng truck bago nya ito isinara. Sa Jaime University din nag-aaral si Cade ng Business Management. Nag-try out din sya bilang Lawn Tennis player ng University at natanggap naman sya. Hindi pa sya nabibigyan ng malaking laro pero nagsimula na syang mag-training. Halos araw-araw ang training ni Cade, at kapag Saturday naman ay whole day ang training nya. Kaya kahit dapat ay namamahinga naman sya kapag Sunday ay isinasakripisyo nya ‘yun para lang makasama si Kyra.

Umakyat na si Cade sa passenger side ng mini truck habang si Kyra naman ang magmamaneho. Lagi kasi syang may driver kaya never syang natuto mag-drive.

“Phew! Tara!” sabi nya pagkatapos ikabit ang seat belt.

Inabot ni Kyra sa kanya ang isang face towel. “Magpunas ka ng pawis oh”

Nginitian sya ng may laman ni Cade at nilapit nito ang mukha kay Kyra. “Ikaw na magpunas”

Instant naman ang pagpula ng mukha ni Kyra kaya hinagis na lang nito ang face towel sa mukha ni Cade. “Ewan ko sayo” sagot nya at pinaandar na ang truck.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit nag-alangan si Kyra na isama si Cade kapag magdedeliver sya ng mga order. At yun ay ang pangamba kung ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nakilala nila ang anak ng sikat na mga Delgado na nagdedeliver ng mga cake at tinapay. Lagi nya itong pinagsusuot ng cap para hindi ito makilala pero lagi ding tumatanggi si Cade at sinasabing ayaw nya ng naka-cap. Ilang linggo na din nyang kasama si Cade pero maswerte namang wala pang nakakapansin sa kanya.

Sino nga ba naman ang magiisip na si Cade Ramses Delgado ay magdedeliver ng tinapay at cake? Kahit sa isip ni Kyra, natatawa sya.

Nang maubos na nila ang mga idedeliver ng araw na ‘yun ay nag-request si Cade na pumunta sila sa may sea side malapit sa fish port ng siudad. Alam ni Kyra ang schedule nito at naiintindihan nya ang kagustuhan nitong makasama sya kahit isang araw lang isang linggo.

Bumili si Cade ng fish tacos para kainin nila habang nakatambay sila sa may sea side.

Kyra hesitated pero wala namang masama kung itatanong nya diba? “Cade?”

“Mm?” sabi nito na namumungalan ng fish tacos.

“Hindi ka ba..” nag-alangan ulit si Kyra pero alam nyang kailangan na nyang sabihin. Nasimulan na nya e. “Hindi ka ba nagaalala na baka makilala ka ng ibang tao kapag nagde-deliver tayo?”

Nilunok muna ni Cade ang kinakain at uminom sa Iced Tea nya bago sumagot. “Bakit naman ako mag-aalala?”

“Kasi...ikaw lang naman ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman dito tapos...nagdedeliver ka ng tinapay? Parang...parang hindi bagay?” Napahigpit yung hawak nya sa fish tacos nya pagkatapos nyang sabihin ‘yun.

Tumingin si Cade ng malayo sa dagat. “Wala akong pakialam kung ano sabihin nila. Basta ang gusto ko...” huminto ito at tumingin na kay Kyra.  “makasama ka”

Kyra wasn’t expecting that answer. As always, namula na naman ang mukha nya. But this time, she didn’t look away. Ibinaba niya ang fish tacos sa may inuupuan nila at hinawakan ang isang kamay ni Cade.

“Halimaw ka talaga” sabi nya.

Cade looked at her na natatawa. “Ano? Ako? Halimaw?!”

Hindi sumagot si Kyra at tumingin na lang ulit ng malayo sa dagat. She felt Cade slowly intertwine their fingers. She’s shy as heck pero ngumiti na lang sya.

They stayed like that, staring into the distance, holding each other’s hands until the sun went down.

Author’s note:

Psst! Ikaw! Oo, ikaw nga! Naka-abot ka ba dito? Kung oo, thank you at nagtiyaga kang tapusin! Kung nagustuhan mo man o hindi, let me know! Leave a comment and make my day! :)

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon