Chapter Twenty-Nine: Hear You Me

1K 23 0
                                    

[Asher Diaz’s POV]

Cade’s life changed this same day 12 years ago. Naalala ko pa yung araw na ‘yun. Dahil namana ni Cade ang galing ng parents nya sa lawn tennis, nakasali sya sa National Junior Tennis Competition. That same day, lumaban sya for finals. Hindi nakapunta sila Tita Cass at Tito Ram dahil saktong natapat sa International Business Meeting na hindi nila pwedeng ipagpaliban. I remember how determined Cade was to win the game para maiuwi nya ang pinaka-malaking trophy.

And like he wanted, he won. Kasama nya pa nga akong naghintay kila Tita nung gabi na yun kaya lang biglang umulan ng malakas. We were just little kids back then at natakot ako kaya umuwi na ako sa amin.

This same day, that night 12 years ago, Cade’s life changed. Tita and Tito were caught in an accident. I saw how Cade slowly changed. From the expressive, kind type to the serious, arrogant type he is now.

Since then, Erica and I have always been at his side lalo na tuwing death anniversary nila Tito. Naka-gawian na namin yun for the last 8 years kaya nagtaka talaga kami nung sinabi ni Kuya Walter na gusto ni Cade na mapag-isa ngayon.

“I really think something’s wrong with Cade. Why would he visit Tito and Tita alone? He’s scared of cemeteries! Remember?”

Hindi ko din talaga alam ang isasagot kay Erica. I just looked ahead to where we’re walking. Nung malaman namin na nandito si Cade sa sementeryo, Erica and I decided to follow.

“Wala ka ba talagang say dito, Ash? You know something, for sure?”

“I really have no idea, Erica. Kung meron man, alam mo na yun by now”

We rounded the corner. Malapit na kami sa puntod nila Tito. I don’t know why but I suddenly feel nervous. Ano na naman kaya ang topak ni Cade? Surely, this has nothing to do with his jealousy on Kyra katulad ng iniisip namin ni Erica?

“Wait, sino ‘yun?”

Nakita ko na si Cade na nakaupo sa tapat ng lapida ng parents nya.

“That’s Cade, Erica”

“No! Someone’s with him!”

Mas lumapit na kami. Dun ko nga napansin na may kayakap si Cade. Mahaba ang buhok nito at siguradong babae.

“Oh my God”

Narinig yata nila si Erica and they both looked at our way.

When I saw who it was, I suddenly want to punch something hard.

Gusto kong manakit bigla.

Yung kasama ni Cade,

Ay si Kyra.

­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­

[Third Person Narrating]

Tuwing bago mag-New Year kadalasang umuuwi ang Tito Raymond ni Cade sa bahay nila. Tuwing New Year’s Eve din kasi ito nagpapa-celebrate ng birthday at imbitado ang lahat ng business tycoons sa buong siyudad nila. At dahil ito ang nagmistulang pumalit sa mga magulang ni Cade at dahil sobrang dalang nitong umuwi, ngarag at busy sa pag-aayos ang buong mansion nila Cade para sa pagdating nito.

Pero kay Cade, normal na lang ito. Alam na alam at kabisado na din naman nya ang mga sasabihin nito sa kanya. Syempre, yun at yun din ang mga sagot nya. Pero mukhang sa pagkakataong yun, tingin nya, mababago na ang mga isasagot nya.

Sa laki ng bahay nila, at sa pag-sadya na din ni Cade na umiwas sa mga pagkakataong magkikita at magkakausap sila ng tiyuhin nya, dumating ang New Year’s Eve at birthday celebration ng tito Raymond nya na hindi pa sila nagkikita.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon