Chapter Twenty-Eight: Hate To See Your Heart Break

1K 24 0
                                    

As usual every Christmas, dumadalaw ang lolo at lola sa mother’s side nila Kyra sa kanila. They often spend the entire vacation until after New Year. Sa northern part ng bansa nakatira ang mga ito kaya naman palaging umuulan ng strawberries at chestnuts sa bahay nila tuwing pasko. At dahil nandyan ang lolo at lola nila para magbantay ng bakeshop ng pamilya, unwinding time din ng Nanay at Tatay nila Kyra at madalas itong nawawala ng dalawang araw.

“Kyra, saan nga ulit nagpunta naman ang nanay at tatay nyo?” tanong kay Kyra ng lola nya habang nag-aayos sila ng paninda sa loob ng bakeshop.

“Dun po sa may fish port, Mamita. Maganda po kasi tanawin dun”

“Ay oo nga pala. Gustong-gusto nang nangingisda ng nanay mo noong araw. Maiba, nasaan na ba ‘yang si Al? Tulog pa ba hanggang ngayon?”

“Naku Mamita, parang di na po kayo nasanay dun”

“Hayaan nyo na at binata! Ganun talaga!” sabat naman ng lolo ni Kyra.

“Sumbong ko pa yun sa girlfriend nya e”

“Aba’t may girlfriend na si Al?!” gulat na sagot ni Mamita.

“Ay, eh opo. Di ko lang po sigurado kung sila na. Kaibigan ko po kasi yung babae”

“Talaga naman si Al, hindi na lumalayo! Kaibigan na lang ng ate nya!” natatawang sabi ng lolo ni Kyra. “Eh ikaw ba Kyra, may boyfriend na?”

“Papito namaaan, wala ho!”

“Eh ba’t ka namumula? Eh tinatanong ko lang naman?” natatawang sagot ni Papito.

Hindi na lang sumagot si Kyra at itinago na lang ang mukha nya sa pag-aayos ng ensaymada sa estante. Bigla kasi nyang naalala si Cade kahit wala namang dahilan.

Buong araw busy sila Kyra sa pagbebenta ng mga tinapay dahil madaming bumibili. After lunch na nang pumunta si Al sa bakeshop kaya naman oras na pumasok ito ay binatukan sya ni Kyra. Sinabi nitong turn naman ni Al para magbenta at sya naman ang mamamahinga. Saktong nagpapabili naman ang Mamita nya ng Pizza sa city town dahil namimiss na nya daw ito. Nag-bike na lang sya para bilhin yun.

Late afternoon na ng pumunta si Kyra sa city town. Sa mga oras na yun maraming namamasyal doon at naging hobby na nga nya mula pa noon ang magmuni-muni habang tinitingnan ang mga batang masasayang naglalaro sa may park. Pagka-bili nya ng Pizza ay umikot-umikot pa sya sa town habang ninanamnam ang hangin sa pisngi nya. Hindi naman nya namalayang madadaanan pala nya ang town’s cemetery.

Sa sobrang pagka-tranced nya sa pagba-bike, muntik na syang mabunggo sa isang itim na kotse. Buti na lang na-diinan nya agad ang preno an inch before her bike’s wheel hit the jet black car. Napatingala sya sa kotse.

Then suddenly, parang kinabahan sya. The car looks very familiar. She had enough experience with jet black cars para hindi nya malamang yun mismo ang sasakyang sinakyan nila ni Walter months ago. Lalo na nang makita nya ang gold emboss sa may harapan ng sasakyan na magkakabit na B at D. Wala namang tao sa loob ng kotse at wala ding tao sa paligid. Kyra got really curious kaya pumasok sya sa sementeryo.

Cemeteries is really not her thing. It gives her the creeps kahit tirik pa ang araw. She just continued cycling hanggang sa may maaninag syang nakayuko sa may isa sa mga grave.

Porma pa lang ng buhok nito sa likod, kilala na agad ni Kyra kung sino yun.

Si Cade.

He’s wearing a black long sleeves at black slacks. Naka-black shoes din ito at hawak-hawak ang isang grey na neck tie. His shoulders are shaking and Kyra assumed na grave ng mga magulang nito ang kinayuyukuan nya.

She parked her bike carefully and slowly approached him. Palapit sya ng palapit, palakas din ng palakas ang hikbi na naririnig nya.

“………feel so alone, Ma. Namimiss na kita, pati si Papa”

Two steps behind Cade’s back, huminto si Kyra. She confirmed that Cade is really crying.

“Sana nandito pa din kayo” hikbi pa ni Cade.

Gusto na ding maiyak ni Kyra pero pinipigilan lang nya. She suddenly felt the pain at para itong nagra-radiate mula sa katawan ni Cade. Tumingin sya sa langit at humiling na sana sya na lang ang masaktan, ‘wag na si Cade. He sure had had enough of pain para parusahan pa sya ng ganito.

Sa pagpahid ng luha ni Cade gamit ang neck tie na hawak, hindi na napigilan ni Kyra. She took the remaining steps and sank beside Cade.

Nagulat ang lalaki at akmang sasapakin sya pero di ito natuloy nang makilala si Kyra. She didn’t looked at him, instead, she looked at the names engraved in the stone in front them.

“A-anong ginagawa mo dito?”

Hindi sumagot si Kyra. Pinunasan lang nya ang luha nyang hindi na nya napigilan kanina.

“Gusto mo ng pizza?”

“Ha?”

Tumayo ulit si Kyra at patakbong kinuha ang Pizza sa bike nya. Sinundan naman sya ng tingin ni Cade hanggang sa makabalik ito sa tabi nya.

He watched her opening the box.

“Bakit ba nandito ka?”

Inabutan lang sya ng isang slice ng Pizza ni Kyra, hindi nya ito inabot.

“Manners, Cade. Nakatingin ang Mommy’t Daddy mo”

He shrugged and took the slice.

“Salamat. Makakaalis ka na”

Hindi pa din nagpatinag si Kyra at tumitig ulit sa mga pangalan sa harap nila.

“Hindi ka naman talaga nag-iisa, Cade. Ikaw ‘tong naga-isolate ng sarili mo sa amin. Kakasabi mo lang, you feel alone, pero nung eto na ko, pinapaalis mo naman ako”

“Stalker ba kita?! Yung totoo?!”

“Ang kapal mo, hindi ah! Nagkataon lang na nandito ka nung pumunta ako!”

Natahimik silang pareho, nakatitig sa lapida sa harap nila.

“12th death anniversary nila ngayon…” hindi na napigilang sabihin ni Cade. “And I miss them. Sobra”

This time, napatingin na si Kyra sa mukha ni Cade. He suddenly looked old and matured. Ibang-iba sa mukha ng Cade na nakilala nya nung una. She felt sad for him. So sad na nahigit na lang nya ang braso nito at niyakap ito.

Nagulat si Cade. This is not the first time Kyra hugged him. He feels so cared and loved every time this happens. Sa sobrang overwhelmed nya, he hugged her back.

Sa hapon na yun, something was proven.

That that ‘one thing’ Kyra don’t understand is actually the fact the she likes Cade, as much as Cade likes her.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon