September.
“Welcome, September! Good morning class!”
“Good morning and peace be with you, Ms. Alvarez!”
“OMG. Intrams na!”
“Peace be with you too, class and yes Ms. De Vega, intramurals will be held immediately this month. So today, teachers were assigned to post all the competition the school has prepared for your intramurals. Your former adviser has already informed me of your specialties so I’d like to retain some students to the same game.”
“Teka, ano bang game mo, Gings?” bulong ko kay Ginger.
“You’ll see” kindat niya sakin. Kumulot na lang yung kilay ko na tumingin ulit kay Ma’am.
Eto na naman, another first time dito sa Academy. Intrams naman at medyo excited ako ngayon di tulad nung Buwan ng Wika. Player kasi ako ng Volleyball nung nasa dati ko akong school. Ano kayang game nitong si Ginger? Nag-pathrill pa ng konti eh.
Nagsabi si Ma’am ng mga classmate kong mare-retain sa dati nilang laro. Ibang-iba pala yung mga games nila dito sa Academy, hindi tulad sa dati kong school, Basketball, Volleyball at ilang board games lang. Dito pala, mas madaming laro.
“Ms. De Vega, you’re retained to Javelin Throw, ganun din si Mr. Diaz”
Ngiting-ngiti naman na tumango si Ginger sa tabi ko. “Javelin Throw? Malakas ka pala bumato?”
“Yep! I was fond of throwing rocks with my playmates back in my childhood days, and guess what, Ky? I’m partner with Ash!”
Ngumiti na lang din ako sa kanya. Parang gusto ko din mag-javelin throw ah.
“Ngayon, ang kulang na lang na player ay sa Male division ng Lawn Tennis at Women’s naman sa Wrestling”
Male Division ng Lawn Tennis? Teka, wala pa ding game si Cade na nababanggit ah! Alam ko na!
“Ma’am, may kilala po akong magaling sa Lawn Tennis!” sabi ko kay Ma’am. Pinagtinginan naman ako ng mga classmates ko.
“Sino, Ms. Montez?”
“Si Cade po”
“Really? Is that true, Mr. Delgado?”
“M-Ma’am hindi po---“
“Ma’am, nakita ko po siyang maglaro nun, ang galing po niya”
“Then okay! That’s settled! Mr. Delgado for the Male Division of Lawn Tennis. Now, one last, a girl for Wrestling---“
“Ma’am may kilala din po ako para dyan!”
“Who is it then, Mr. Delgado?”
“Siya po!” Sabay turo sakin ni Cade. Aba’t anong palabas nito?!
“Ma’am wag po kayo maniwala sa kanya---“
“Ma’am, her weight is just right for wrestling, I’m sure of it, Ma’am”
Pinagtinginan kaming dalawa ng mga classmate namin. Ano na naman bang kalokohan ginagawa ni Cade?!
“That’s settled too, then! Ms. Montez for Wrestling!”
Lumingon ako kay Cade at tiningnan siya ng masama. Ngumisi lang naman siya sakin.
Pucha! Napahamak ata ako?! Wrestling?! Diyos ko po, Lord!
--
“What the heck? Kailan mo pa nalaman na magaling mag-lawn tennis si Cade? I thought you were no fan of Heir’s Magazine?” sabi sakin ni Ginger pagkalabas ni Ms. Alvarez ng room namin.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...