Chapter Fifteen: Monster

1.2K 25 0
                                    

[Kyra Lei Montez’ POV]

Kulay puti. Puting-puti na kisame. Dumilat na ako ng maigi.

Nasan ako? Teka, clinic ward to ah. Ano nga bang nangyari?

Ang naaalala ko lang, sinugod ko yung kalaban ko, tapos parang may natapakan akong kung ano. Tapos…tapos…tapos di ko na matandaan!

Bumukas bigla yung pinto at iniluwa nun si Ginger. Iniluwa talaga noh.

“Oh gosh, thank God! Thank God you’re okay, Ky!” sabi niya na may namumulang parang mga kalmot sa mukha niya.

“Teka, ano bang nangyari? Bakit ganyan itsura mo?”

“You fainted! Hindi ka nga napuruhan ng kalaban mo, natalisod ka naman sa sintas ng rubber shoes mo! Ikaw naman kasi! You should make sure your shoelaces are tied!” galit niyang sigaw sa akin. Umupo siya sa kama ko.

“Ganun? Bakit ako nandito? Internal hemorrhage daw ba?”

“Gaga! Edi sana wala kang malay hanggang ngayon! You fainted na nga eh but you’re still thinking of the worst pa!”

“Eh diba may game ka? Wag mong sabihing hindi mo sinipot yun? Teka, disqualified na ko noh? Badtrip naman kasi bakit hindi ko natali shoelace ko!” inis kong sabi. Ayan tuloy, hindi ko man lang nakuha kahit 3rd place man lang. Ano na lang sasabihin ng mga classmate namin at ni Ms. Alvarez?

“We won 1st place! Madaling-madali ako sa pag-hagis ng Javellin para abutan ka! Tapos nadatnan ko, wala ka ng malay! Pinull-out ka na ni Ms. Alvarez sa wrestling, we’re disqualified already but that doesn’t matter now.”

“So, hinagis mo ko papunta dito?”

“Stop fooling around, Kyra Lei! It isn’t funny! Napahamak ka na nga eh! Si Cade bumuhat sayo noh!”

“HA?! YUNG HALIMAW NA YUN BINUHAT AKO?!”

“He’s not halimaw! And yes, he did! By now, nagkakagulo na ang mga netizen fans niya. Gosh, Ky! You’re the very first girl after B.E. who made contact with him! But I don’t care anymore. Okay ka na ba? Still aching somewhere?” hinawak-hawakan pa ko sa mukha ni Ginger.

“Okay na ko. Para ngang walang nangyari eh.” Di ko lang masabi kay Ginger na hindi ako makapaniwalang binuhat ako ng halimaw na yun. Baka mahalata niyang in-contact naman talaga ako kay Cade, mabuking pa ko sa mission ko.

Sa sobrang alala sakin ni Ginger, hinatid pa niya ako hanggang sa bahay.

Ang hindi ko talaga makalimutan, eh yung halimaw na yun.

Kahit pala ganun yun, may natitira pang puso sa katawan niya.

Siguro inisip na naman niya eh walang magbabantay sa B.E. niya kapag di ako nakapasok. Pero kahit ganun, mag-thank you kaya ako? Oo nga, makapag-thank you next time!

--

Intrams. 2nd Day.

At dahil pull-out na ko sa wrestling, wala na akong sport-.-“

Pero mas masaya pala kapag taga-panood ka lang, hindi mo kailangang mangamba. Halos lahat ng food stall kinainan namin ni Ginger. Dahil panalo na sila, wala na rin siyang laro kaya nood lang kami ng nood ng mga laro ng iba naming classmates.

At oo nga pala, nag-bake ako kagabi ng Pumpkin Cupcakes para kay Halimaw. Thanks-giving kumbaga. Hindi naman ako tulad niyang konti lang ang puso. Punong-puno kaya ang katawan ko ng puso! Wala akong maisip na i-bake para sa kanya eh, kaya nag-bake ako ng pang-halloween special na tinda nila Nanay. Tutal, halimaw pa din siya para sakin.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon