“Oh. My. God. Talaga, Ky?! AHHHHHHHH!!!”
Tinakpan ko yung tenga ko sa sobrang tinis ng tili niya. Sabi ko na nga ba at mababaliw na naman to kapag sinabi ko sa kanya yung mga nadinig ko eh.
Buti na lang, walang customer nun. Dahil kung meron, baka tumakbo na palabas ng shop.
Saturday kasi ngayon at umalis sila Nanay at Tatay para bumili ng mga kagamitan pang-bake. Every week kasi sila umaalis para lagi daw fresh yung ingredients. Kaya kaming dalawa ngayon ni Ginger ang tao dito sa shop.
“Grabe! Ang lakas ng tili mo! Baka akalain ng mga kapitbahay, may sunog!”
“Oh my gee! I just really can’t believe it! Nagpropose si Cade kay B.E.?! Big news to!”
Dali-dali kong hinawakan sa braso si Ginger.
“Hindi. Hindi pwede. Sating dalawa lang yun, wala dapat makaalam! Kapag kumalat yon, sigurado ha-huntingin ako ni Cade!”
“Ano ka ba, Kyra! Ikaw na nagsabi, hindi niya nakita mukha mo. And hello? Ang daming babae sa Academy! Imposibleng masingle-out ka niya sa dami natin! Besides, bebenta yung chika na yun! Siguradong magkakagulo ang mga netizens na fans ni Cade!”
“May fans si Cade?! Pero kahit na! Wag mo nang ipagkalat, please?”
“Hay nako Ky, wag ka ngang paranoid! Di ka nun makikila! Trust me.”
Bigla namang bumukas yung pinto ng shop na kinagulat naming dalawa. Pumasok si Al na bihis na bihis.
“Ate, pengeng pera”
“At bakit? Kakain ka na naman? Kumuha ka na lang diyan ng brownies! Bibili ka pa ng iba! Bihis na bihis ka pa!”
“H-hindi naman ako kakain eh! U-ubos na yung tinta ng printer natin, may kailangan ako ipa-print”
Wala na akong nagawa kaya binigyan ko na lang ng pera. Umalis na agad pagkakuha ng pera.
“You actually bought that, Ky? Itsurang yun, magpapa-print lang?”
“Yaan mo na siya, bahala siya”
Napailing na lang si Ginger.
Nakalipas ang isang linggo nang wala namang kumikidnap sakin. Tuwing titingnan ko naman si Cade parang di naman niya alam na ako yun. Paranoid na nga akong baka makilala niya ako, tinuloy pa din ni Ginger yung balak niyang i-chismis sa net yung narinig ko. In no time, kalat na sa buong school na si Cade Ramses Delgado na 18 years old at nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng magulang niya ay nag-propose kay B.E. na 17 years old at pangarap maging Ballerina.
Mas lalo akong naging paranoid na baka dun na magsimula ang paghahanap sakin, kaya mas lalo akong nag-ingat. Lagi ko nang pinupusod yung buhok ko para di pa din ako makilala kasi nakalugay ako nung mangyari yun.
Di man kami nainip, PE na naman namin. Pumunta ulit kami sa Gym para dun mag-klase.
“Okay class, go to your designated partners!”
Shit na naman. Di ko nga pala alam kung sino yung partner ko! Napag-sabihan kasi ako last time kasi bibili lang daw ako ng inumin eh napaka-tagal ko. Kaya ayun, buong klase akong walang partner habang si Ginger ay may kapartner.
“Loner na naman ako, tsk”
“Kaya mo yan, gora lang!”
Tumango na lang ako kay Ginger. Luminga ulit ako sa paligid para hanapin si Asher. Hayun ulit siya, may kapartner. Sayang talaga, kung di lang ako nauhaw nun baka ako partner niya. Hay Kyra, nangarap ka na naman. Swerte nung partner niya! Jennifer yata pangalan nun, ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...