Kanya-kanya ng pinagkakaabalahan ang mga bida natin habang naka-bakasyon sila.
Unahin natin kay Ginger.
Dahil sa time gap ng bansang kinaroroonan ni Ginger, lunch time lang lagi siya nakakatawag kay Kyra.
At the sound of her best friend, mukhang enjoy na enjoy ito sa London. Hindi matapos ang kwento nito every time na magkausap sila. From the Big Ben hanggang sa London Eye, every detail, nasasabi niya kay Kyra. But because overseas call is usually expensive, laging nacu-cut ang line kahit di pa sila tapos magusap, which is sobrang kinaiinis ni Ginger. Kyra just laughs at her.
Si Kyra naman ay ginawang busy ang sarili sa pagtulong sa Nanay at Tatay niya sa Bakeshop nila. Dahil peak season ang Christmas at sobrang daming orders, kahit si Al ay napapatulong nila sa pag-gawa ng iba’t-ibang mga cakes, pastries, ultimo Christmas gifts na mga cookies. Hindi talaga tumutulong si Al sa mga gawaing yun pero lagi siyang binablack mail ni Kyra na magsusumbong siya kay Ginger na sobrang tamad niya.
Kyra’s really having fun with her family, pero hindi pa din nawawala yung ‘one thing’ na hindi niya maintindihan.
In connection with that ‘one thing’ she can’t understand, busy din si Cade sa pag-aaral niya tungkol sa kompanya nila. He spends most of his time sa dating office ng Daddy niya na ang Tito Raymond na niya ang nag-ooccupy. Siya na ang papalit sa tiyuhin in the near future. His uncle was really surprised na mukhang nagpapakita na ng interest si Cade sa iniwan sa kanya ng mga magulang niya. Unlike before na hindi man lang ito makatapak sa company building nila.
But like what he said, may dahilan lahat ng ginagawa niya. And this time, ang dahilan niya ay gusto niyang maging sobrang busy. Sobrang busy na pwede siyang makalimot sa ibang niyang mga iniintindi. He got what he wanted. Sa katunayan, kailangan pa ngayon na pumunta sila Ash at B.E. sa mismong kompanya nila para lang makita at makausap nila ito.
But the thought of what he realized as his true feelings for Kyra would never leave his system. Konting segundo lang na maalis ang isip niya sa mga tinatrabaho niya, the feel of her arms around his waist brushes his senses. He always manages to shake his head every time that happens.
Their minds seem to have something that is connected.
Isang araw na bumalik si Kyra at Al sa bahay nila galing sa bakeshop nila para magpahinga, their doorbell rang a few times.
Kadalasan, lahat ng bumibisita kila Kyra ay hindi na nag-do-doorbell. Alam na kasi nilang madalas nasa tapat lang ng bahay nila ang mag-anak.
Nagkatinginan silang dalawa ni Al. They both knew na bago ang bisita.
“Kotseng itim! Sino kaya yun?” sabi ni Al ng silipin muna nito ang dumating mula sa bintana.
Bigla namang kinabahan si Kyra. May naaalala kasi siya sa mga kotseng itim.
Narining niyang may kinakausap si Al sa may gate nila at nang marinig niya ang pagbukas ng gate, ay alam na niyang pinapasok na ito ni Al.
Dali-dali siyang nag-ayos ng konting kalat sa may sala nila. Di nagtagal ay bumukas ulit ang pintuan nila at pumasok si Al.
“Pasok ka, nandito si Ate”
Sa gulat ni Kyra sa dumating ay nanlaki agad ang mga mata niya.
“B.E.?!”
“Hi, Kyra Lei” ngiti nito sa kanya. Agad siyang kumilos at pinaupo ito.
“P-pasok ka, upo ka dito” nilingon niya ang kapatid “Al, kuha ka cake sa shop, dali---“
“No, it’s okay. Gusto lang kita makausap. I’m on a strict diet din kasi, okay lang ba?”
“G-ganun ba, o sige. Al, dun ka muna” tawag niya sa kapatid. “Pasensya na, ang kalat ng bahay namin”
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...