Chapter Eighteen: When It Rains

1.1K 26 0
                                    

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!”

Naramdaman na lang ni Kyra na may kumapit sa braso niya. Nagulat siya kaya nagpilit siya ng pagpupumiglas.

“Sino ba to?! Ano ba! Bitawan mo nga ako!”

Pero pilit pa din ang pagkapit ng nakakapit sa braso niya.

“Wag ka ngang malikot! Ang dilim dilim na nga eh! Walter! Walter! Walang kuryente!”

Napahinto si Kyra nang ma-realize niyang si Cade pala ang nakakapit sa kanya.

“Ang laki-laki mong tao, takot ka sa dilim?! Teka nga! May flashlight yung phone ko!”

Ginamit ni Kyra ang isa pang kamay para kunin sa bulsa ng palda niya ang phone niya. Binuksan niya agad ang flashlight nito.

“Pumunta tayo sa kusina, siguradong nandun si Walter! Dalian mo, i-guide mo ko!” Mas kapit pa ni Cade sa braso ni Kyra.

“Eh pano tayo pupunta dun kung di ko naman alam ang daan?! Ikaw ang mag-turo!”

“Wala nga akong makita!”

“HA?! Bakit wala kang makita?!---eh bakit nakapikit ka?!” Pasigaw na tanong ni Kyra ng itapat niya sa mukha ni Cade ang flashlight at makitang pikit na pikit ang mga mata nito.

“Ayokong nakakakita ng dilim. Naaalala ko mga magulang ko.” Biglang seryoso ng boses ni Cade.  Nagulat si Kyra ng pagkagulat. Hindi na ito ang unang beses na nakita niyang nangungulila ang lalaki sa mga magulang pero ngayon lang ito nagsalita ng tungkol sa kanila. Nakaramdam naman ng awa si Kyra kaya hindi na siya sumagot at hinila na lang ang kapit na kapit sa kanyang si Cade.

Kahit na halos lahat yata ng pintuan na nadaanan nila, nabuksan ni Kyra, nawalan na talaga ng kibo si Cade sa tabi niya. Hanggang sa matunton din nila ang kusina at nakita si Walter na nasa loob kasama ang ilang mga naka-unipormeng yaya at mga lalaking naka-suit and tie pa. May malaking emergency light na ang naka-ilaw na hawak ni Walter.

‘……ilangan nating mas lalong magtanda. Mula ngayon, lahat tayo, laging iche-check kung may laman na gasolina ang generator para hindi tayo nakakaranas ng ganito, maliwanag ba?”

“Opo, Sir Walter. Masusunod po” sabay-sabay na sagot ng mga kausap nito.

“Anong nangyari?”

Nagulat ang mga tao sa kusina at nag-yukuan lahat ng makita si Cade.

“Young master” bati nila dito.

“Naubusan ng gasolina ang generator natin, young master. Napagsabihan ko na po ang lahat.”

“Okay lang, wag na lang mauulit ulit.”

Napatingin ng kulot na kulot ang kilay si Kyra dahil sa mabait at mahinahong tono ni Cade. Napansin naman niyang medyo nakangiti sa kanya ang mga katulong na parang nakatingin sa braso niya.

Di niya napansin na nakakapit pa din si Cade sa braso niya. Dali-dali niya itong tinanggal.

“S-Sir Walter, uuwi na po ako. Thank you po kanina” di na napigilang sabi ni Kyra. Gabi na at sigurado siyang nag-aalala na ang Nanay at Tatay niya kung bakit wala pa siya sa bahay nila. Ang lakas pa naman ng ulan.

“Naku, gabi na at may bagyo pa sa labas. Mahirap humanap ng masasakyan dito lalo na sa ganitong panahon.”

“K-kailangan ko pa kasi talaga umuw---“

“Dito ka na matulog.”sabi sa kanya ni Cade. “Paki-hatid na lang siya sa isa sa mga guest room at bigyan ng masusuot. Walter, tawagan mo na lang din yung  mga magulang nya para di magalala”

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon