Chapter Thirty-Two: Breathe (Until tomorrow)

1.1K 23 1
                                    

Severe Coronary Artery Disease o CAD ang naging sakit ng Tatay nila Kyra. Malakas kasi itong kumain at sabi ng doctor, kulang sa exercise. Hindi pa nada-diagnose ng kahit anong sakit ang Tatay nila kaya nagulat sila sa pangyayaring ‘yun.

After observation, kinailangan mag-undergo ng heart bypass surgery ang Tatay ni Kyra. First time nyang makaranas ng ganun na nagkasakit ang magulang nya kaya sobra silang naapektuhan ni Al. During the operation, nag-stay silang tatlo ng nanay nila sa chapel ng ospital at sama-samang nagdasal. In God’s mercy, naging successful ang operation pero unconscious pa din ang pasyente.

Akala ni Kyra, kakayanin nyang maging matatag at hindi umiyak pero nang makita ang Tatay na may tubo sa bibig ay hindi na nya napigilan pa. Patuloy nyang hinihiling sa Diyos na sana magising na ang Tatay nya.

Hindi sya umalis sa tabi ng Tatay at hindi sya dalawin ng antok at kahit gutom man lang. Ilang araw na din sila sa ospital pero ang nasa isip lang ni Kyra ay babalik lang ang lahat kapag nagising na ang Tatay.

“Kyra anak, ayaw mo bang umuwi? Para naman makaligo ka ng maayos at makakain ng mabuti” pang-ilang beses na ding pilit ng Nanay nya sa kanya. Pero lagi nyang sagot ay okay lang sya at gusto nya, pag nagising ang Tatay ay nandoon sya. Wala namang magawa ang Nanay kundi hayaan syang umupo na lang sa tabi ng Tatay.

Mula din ng masugod sa ospital ang Tatay, hindi na muna pumasok sa eskwelahan si Kyra. Tinulungan muna nya ang Nanay nya sa pagaasikaso sa ospital kaya si Al lang ang nakakapasok at pansamantalang tumatao sa Bakeshop nila. Tuwing hapon naman ay dinadalaw sya ni Ginger na halos araw-araw din syang binibigyan ng mga notes na pinagaralan nila habang absent si Kyra.

“Ms. Alvarez told me to tell you na bibigyan ka na lang nya ng special exam. Pati din sila Sir Cielo at Ms. Hernandez. They said they could consider your absents basta magbigay ka sa kanila ng letter pagpasok mo”

“Pakisabi, thank you sa kanila. Pag nagising na si Tatay papasok na ako” matamlay na sagot ni Kyra. Ginger cupped her face.

“Gosh Kyra, kumain ka naman ng mabuti, please? Almost two weeks ka ng halos walang tulog at kain. Aren’t you bothered that if your Daddy wakes up, hindi ka nya makikilala?” nag-aalala nitong tanong sa best friend. Araw-araw ding nagdadala si Ginger ng mga masasarap na pagkain para kila Kyra pero wala talaga syang gana kumain. Pakiramdam kasi nya, bumabalik lahat ng kinakain nya tuwing maaalala nyang wala pang malay ang Tatay.

“Gusto ko lang talaga magising na si Tatay” malungkot na sabi ni Kyra. Ginger hugged her and said no more.

--

Days passed at hindi pa din nagigising ang Tatay nila. Pawala din ng pawala ang natitirang gana ni Kyra para matulog at kumain. Halos gabi-gabi, nakatingin lang sya sa Tatay nya at mahinang bumubulong na sana gumising na ito.

Magta-talong linggo na sila sa ospital at pasalamat na lang si Kyra na naiintindihan ng mga teacher nya ang sitwasyon ng pamilya nila. Pinangako nya sa sarili nyang oras na magising ang Tatay ay magaaral na agad sya para mataas ang makuha sa mga special exams nya.

That night, was supposedly Kyra’s prom night. Nag-attempt si Ginger na sabihin sa kanyang hindi na din ito aattend pero hindi pumayag si Kyra. Last Prom na nila ‘yun and she couldn’t bear the fact that Ginger would miss it because of her. Pina-attend din niya si Al para samahan si Ginger para naman makabawi sa best friend. She told her brother to try his hard to be happy around Ginger para ma-enjoy naman ng best friend ang Prom kahit wala sya.

Tinaas ni Kyra ang kumot hanggang sa balikat ng natutulog na Nanay at lumabas sa kwarto para pumunta sa Chapel ng ospital. Gabi-gabi, kapag hindi sya makatulog katulad nito, dun lagi sya pumupunta at dun nagi-stay hanggang sa dalawin sya ng antok.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon