Bakit? Bakit? Bakit? Bakit akoooooo?! AKO PAAAA?!
“Oh gosh, gosh, Ky! Lalo na akong maco-conyo nito coz of super excitement! The Lakambini is my best friend! My best friend!”
Tulala pa din akong naglalakad pabalik ng room. Eto namang si Ginger yakap ng yakap sakin. Ano ba? Ano bang nangyayari?! Bakit ako Lakambini?! Bakit ako sasali dun?! Ayokooooo!
Ah basta, babalikan ko na lang yung gamit ko sa room at uuwi na! Hindi na ko babalik dito sa Academy na to!
Tumakbo na ako pabalik ng room.
“Hey, Kyra! Wait! Why are you running?!”
Boom. Mali, hindi ganun. BOOM. Bakit nakatitig sakin lahat ng classmates ko? Para silang mangangain! Katakot! Buti na lang, wala dun si Asher, kundi mamamatay siguro ako sa kahihiyan. Hay Kyra! Bakit mo ba iniisip yun ngayon?!
Yumuko na lang ako at pasimpleng kinuha yung bag ko at lumabas na agad-agad sa room na yun! Sumunod naman sakin si Ginger.
“Wait, Ky! You can’t go home yet! You need to meet Ms. Alvarez!”
“H-ha? Bakit pa? Gusto ko na umuwi!”
“Not yet! You’re the chosen Lakambini so kailangan mag-prepare ka for talents and stuff”
“Ayoko! Uuwi na ko!”
Dali-dali na akong tumakbo palayo kay Ginger. Ayoko nito! Ayoko nito talaga! Bakit ako pa?! Sa tingin ng mga classmate ko na yun, gusto ko nang umatras kahit hindi pa ako umaabante! Kainis!
Pagdating ko sa gate, hindi pa nga pala nag-papalabas ng estudyante kasi di pa dismissal. Kainis talaga! Tumakbo na lang ulit ako. Bahala na basta magtatago ako.
Ayun! Dun sa Eco Park! Madaming malalaking puno dun siguradong di nila ko makikita!
“Hay, badtrip! Lakambini my ass!”
Sumalampak na lang ako sa may ugat nung malaking puno dun. Buti na lang nadala ko na yung bag ko. Pag saktong 5 na, tatakbo agad ako palabas ng gate. Ayoko nang maabutan pa ng kung sino. Nako.
Kinuha ko na lang yung sansrival kong baon. Yum! Favorite ko to! Kaya lang medyo nalusaw na, di ko kasi nakain kaninang lunch kasi pinag-baon ako ni Ginger ng bibimbap. Turning Korean na daw kasi siya kaya dapat yung kaibigan din niya. Hay. Ayoko lang talaga pag-usapan yung Lakambini na yun, tatawagan ko na lang siya mamaya sa landline.
*POK*
“Aray!” may tumamang tetra pack ng juice sa ulo. San ba galing yun?! Tumingala ako.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH—“ Napatayo ako sa gulat at lumayo dun sa puno.
“Will you shut it?!”
Napahinto bigla ako ng sigaw. May tao pala dun sa may sanga nung puno!
“You scream like a banshee!”
“C-Cade?! B-bakit kasi nandyan ka?! Akala ko kapre!”
“Kapre?! I can’t believe you. Gwapo kong to, Kapre?!”
Kapal ng mukha. Sabi na eh, sunong nito bangko niya kahit san siya magpunta. Oo na, gwapo na nga siya. Magkakaron ba ng fans yan kung panget siya? Halimaw naman sya sa loob. -.-“
“Gwapo ka diyan. Bakit kasi andyan ka?! Sa lahat ba naman ng tatambayan, sa pupuntahan ko pa!”
“Aba at ako pa ang may kasalanan. Bakit kasi sa lahat ng pupuntahan, sa tinatambayan ko pa! Nauna ako dito, kaya ikaw umalis”
Di ko na lang siya pinansin. Naupo na lang ulit ako dun sa may malaking ugat habang siya, prenteng naka-upo dun sa sanga at nakasandal pa.
“Ayoko nga. Dito lang ako sa ayaw at sa gusto mo”
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...