Chapter One: Hello Hello

3.3K 54 0
                                    

JUNE. First Day.

“Kyraaaaaaaa!!! Anak baba na dito malelate ka sa school!”

“Opoooo! Pababa na po!”

Lumabas sa isa sa magkatapat na pinto ang isang babaeng nakabihis na ng uniporme, sukbit din niya ang mga gamit na kanyang dadalin. Bago pa man siya makababa ay may humatak sa handle ng bag niya.

“Al, ano ba?! Malelate na ko! First day ngayon!” nagpumilit niyang hinatak ang bag para bitawan ng kapatid niyang si Al pero mahigpit ang hawak nito.

”Binigyan ka na ba ng baon ni Nanay? Pengeng bente, Ate”

“Wala pa kong maibibigay sayo kaya pwede, pababain mo muna ako?”

“Kyraaaaaa! Aaaaaaal! Baba na at kumain! Ilang tawag ba?!”

Dali-dali nang bumaba ang magkapatid at nagtungo sa kusina nila. Kanya-kanya na din sila ng upo sa pwesto nila sa hapag-kainan habang ang nanay ay busy sa paglalagay ng pagkain sa mga plato nila. Pumasok din sa kusina ang tatay nilang nakabihis din.

”Good morning! Hala sige, gumayak na kayo ng mabilis at malelate na kayo. Ihahatid ko ba sila, Honey? Ikaw muna magbantay ng shop?” sabi ng Tatay na tinutukoy ang Bakeshop nila na katapat mismo ng kanilang bahay. Yun ang pinagkakakitaan ng pamilya at bukod pa dun, sikat ito at kilala sa masasarap na cake, tinapay at kung ano pang makikita mo sa isang Bakery.

“Mabuti pa nga, Honey. Naku itong mga anak mo, nakailang tawag na ako hindi pa nagsisibaba.” Tumingin sa mga anak niya. “Wag niyong kakalimutan mag-toothbrush!”

Ilang kilometro na lang at mararating na nila ang prestihiyosong eskwelahan na pagmamay-ari ng isa sa mga pinaka-makapangyarihan at mayaman sa siyudad nila. Ito ang Jaime Academy. Kilalang paaralan ito ng mga may kaya sa buhay ngunit ang iba naman ay nagsusumikap para maipasok ang kanilang mga anak sa paaralan na iyon. Dito din pumapasok ang mga anak ng mga kilalang pamilya sa siyudad kaya naman ang mga kabataan ay pangarap ang makapag-aral doon.

At dahil nga naabutan ng K+12 educational system ang magkapatid, si Kyra na dapat ay kolehiyo na ay papasok pa lang bilang senior high school. Hindi pa nasasakop ng bagong sistema ang nakaraan niyang public school na pinag-aralan at sa kagustuhan ng mga magulang niyang sa Jaime Academy siya mag-kolehiyo ay kinailangan niya munang pasukan ang antas na iyon. Habang ang kapatid naman niyang si Al ay nasa unang antas ng high school.

“Oh pano, good luck mga anak!”

Hinalikan na nila ang tatay bago bumaba ng sasakyan. Nagmamadaling pumasok agad ng gate si Kyra pero hinabol siya ng kapatid.

“Ate! Bakit ka ba nagmamadali? Medyo maaga pa naman eh!”

“Kahit na! Ano ka ba! Ayokong malate noh! Atsaka hahanapin ko pa yung building at room ko! Ang laki kaya nito!”

“Teka teka teka, pahingi na ng bente, pandagdag sa pang-kain ko, sige na please, Ate”

Kailanman ay hindi natiis ni Kyra ang kapatid kaya hinugot niya ang bente sa bulsa ng palda niya.

“Oh ayan! Wag ka magpapagutom ha! Ikaw kasi, ayaw mo pang tanggapin yung tinapay na pabaon ni Nanay!”

“Eh sawa na ako sa paninda natin! O sige, goodluck na lang Ate! Alis na ko!”

“Ho-hoy! Al! Wag mo kong iwan!”

Pero nakatakbo na ng malayo ang kapatid.

“Kainis yun! Pagkatapos kong bigyan ng baon! Hmp!” bulong niya sa sarili. Nagsimula na lang siyang maglakad nang mapag-isipisip niyang hindi nga pala niya alam ang pupuntahan. Sakto namang may lalaki na mukhang estudyante din ang nakatayo sa may tapat ng Admission. Mukhang nagtetext pa nga ito na hawak ang isang iPhone.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon