Chapter Thirty: Crazy Girls (One of those)

1.1K 26 0
                                    

Another year has started at kahit bitin na bitin ang mga estudyante sa bakasyon, pasukan na ulit sa Jaime Academy. Halata naman ang mga biglang pagbabago sa mga classmates ni Kyra. Yung iba, pumayat, tumaba, nagpa-kulay ng buhok at katulad ni Ginger, bago ang haircut.

“So, what do you think?” bungad nito kay Kyra oras na makalapit ito sa kanya. Full bangs at bob cut style ang bagong haircut ni Ginger.

“Bagay sayo” Kyra smiled.

“OMG! Talaga, Ky?! Oh my God! Sobrang kaba talaga ako, I thought you won’t like it!”

Natawa naman si Kyra dun. “Bagay talaga sayo, hindi ka na mukhang nerd” biro nya at nanlaki naman ang mga mata ni Ginger.

“What do you mean?! Mukha akong nerd before?!”

“Joooke!” tawa ni Kyra “biro lang, eto naman!”

“Not funny! Not funny at all, Kyra!” Ginger pouted.

“’To talaga! Wag kang magalala, bagay talaga sayo! Siguradong mabibighani mo na naman kapatid ko”

Tuwang-tuwa at kilig na kilig naman si Ginger dun. “Really?! ‘Yun naman talaga yung hinihintay kong sabihin mo ihhh!” pa-cute na sabi nito. Kyra just rolled her eyes.

Hindi naman maka-imik si Kyra nang nilabas na ni Ginger ang mga pasalubong nito sa kanya. Bukod sa mga chocolates, souvenirs, key chains, pati na fridge magnets ay binilhan pa sya nito ng Girbaud na silver wallet. Amoy pa lang nung wallet ay mukha nang authentic at genuine. Napalunok na naman sya kasi mukha itong mamahalin.

“I know what you’re going to say and my answer is no. That’s yours and it’s my gift to you! Ay eto nga pala gift ko kay brother mo, will he like it? What do you think?” Pinakita nito sa kanya ang isang head phones na may flag ng UK. “He loves listening to music, diba? Medyo ruined na kasi yung beats nya”

Napa-nganga na lang ulit si Kyra. With that expression, hindi na hinintay pa ni Ginger ang sasabihin nya.

Nang makita ni Kyra si Cade nung araw na ‘yun, bigla na naman nyang naalala yung nangyari sa sementeryo. Wala naman talaga silang ginagawang masama ni Cade pero pakiramdam nya, nung tingnan nya yung mukha ni Ash, biglang parang mali na nandun sya.

Buong araw nyang iniwasan ang dalawa, na nahalata din nyang hindi na madalas magkasama. Gustong-gusto na nyang magkwento kay Ginger lalo na ngayon na pwede na nyang ikwento ang lahat. Pero nahihiya pa sya at kailangan pa nyang humanap ng tamang tyempo.

Nang magpaalam si Ginger sa kanya na pupuntahan nito ang adviser nilang si Ms. Alvarez para ibigay ang pasalubong nya, bigla na lang nyang na-realize na papunta sya sa may ecopark. Hindi naman talaga nya gustong iwasan si Cade. Para kasi kay Kyra, wala naman talagang masama na dinamayan nya si Cade nung araw na yun. Ang gusto talaga nyang iwasan, ay si Ash.

“CADE!” sigaw ni Kyra pagtapat nya dun sa may puno kung san nakaupo si Cade sa sanga. Akala nya magugulat si Cade sa lakas ng sigaw nya pero hindi man lang ito natinag. “Ano ba yan, sayang yung sigaw ko. Hindi ka man lang nagulat” sabi nya at umupo na sya dun sa may ugat sa ilalim ng puno.

“Pano naman ako magugulat, eh yabag pa lang ng paa mo alam kong ikaw na yung parating”

Pumulot ng bato si Kyra sa paanan nya at hinagis pataas kay Cade pero bumalik ito at tumama sa ulo nya.

“Aray!” himas ni Kyra dun sa tinamaan ng bato.

Natawa si Cade. Bigla namang nakaramdam si Kyra ng kaba nang bumaba si Cade sa puno at tumabi sa kanya. Hinawakan ni Cade yung ulo ni Kyra at hinimas yung part na tinamaan nung bato.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon