Chapter Six: Matilda

1.2K 25 0
                                    

AUGUST.

Hindi man ako mainip, tapos na pala ang July. Tuloy pa din ako sa pagi-stalk kay B.E. gaya ng utos ni Cade. Sa nakaraang dalawang linggo, marami na din ako nalaman tungkol sa schedule niya kaya medyo madali na siyang hanapin tuwing tinatanong ni Cade kung ano ginagawa niya.

Tuesday and Thursday lang siya nagpapractice ng ballet. Pag Tuesday kasi, free afternoon kami at pag Thursday naman ang Club Activities. Since Gymnastics and Ballet Club siya, natural lang na nagpapractice siya. Tuwing recess time naman sa umaga, nasa faculty siya. Hindi ko lang alam kung bakit lagi siya nandun, sabi naman ni Ginger nung minsan na nabanggit ko sa kanya yun, close daw si B.E. sa coach niya sa ballet. Kapag lunch time naman, lumalabas lang siya ng room pag kakain, ganun din pag recess time sa hapon.

At may isang bagay akong mas napansin sa kanya, wala yata siyang kaibigan. Lagi kasi siya nag-iisa. Minsan nga, gusto ko siya lapitan. Pero sino ba naman ako para kausapin na lang siya basta basta, diba? Atsaka baka mahuli pa niya ako, mas lalo na akong nalagot kay Cade.

Si Asher naman, hindi ko na nakakausap. Pag hinihintay ko nga si B.E. pag nagpapractice siya, parang hinihintay ko din siya. Ano ba yan, Kyra! Kung ano ano iniisip mo! Baka na-realize niya hindi rin niya dapat ako pinapansin. Iiiiiish! Ayoko na isipin! Nung isang araw nga, napagkamalan kong si Asher yung lalaking sumisilip sa may pinto ng ballet room! Nakalabit ko pa tuloy ng di oras-.-“ nag-sorry na lang ako. Hay nako, nakakagulo ka na ng iba sa kakaisip mo sa kanya, Kyra.

“O. M. G. Oh my gee. Today is the day!” sigaw ni Ginger sa unang araw namin sa buwan ng August.

“Today is the day? Ng ano?” Mas lalo na naman siya naexcite nung malaman na hindi ko alam kung ano.

“Today is the day the selected candidates for Lakan and Lakambini  will be released!”

“Lakan at Lakambini?”

“Yes, gurlash! It’s like a pageant in the Filipino way. I mean, dapat may concept ng barong at saya yung damit ng mga sasali, pabonggahan talaga yun kaya inaabangan. Usually, bandang end ng August ginaganap yun”

End ng August? Teka, sabay kaya yun sa----

 ”Oh my God, sigurado si Cade ang representative natin for Lakan, kaya lang, nag-migrate na in the US si Athena, sino kaya Lakambini natin?”

“Athena?”

“Yes again, gurlash. Siya yung pinaka-pretty sa section namin in the past years kaya laging siya yung representative namin. Kaya lang umalis na siya right after the school year ended last year. And another thing, never pang nag-first place ang Class B. Laging Class A ang nananalo, ang ganda kasi talaga ni B.E. at magaling din sa Q & A lalo na sa talent. Siyempre, ballet. Lagi silang lamang sa points na nakukuha ni B.E. kahit 100 points pa nakukuha ni Cade”

“Per section ba dapat?”

“Yep, one partner per section. Alam mo gurlash, I have a hunch kung sino Lakambini natin this year”

“Sino naman?” malas lang nun, sa isip isip ko. Si Cade ang partner eh.

“You”

“AKO?! Sus, hanggang assume na lang yan, Ginger! Tsura ko na to?!”

Nag-aadik na naman tong kaibigan ko. Ako?! Lakambini?! My ass! Tsk, nahahawa na tuloy ako ng pagka-conyo dito!

“Anong chura? You’re like so pretty kaya, girl! Even if you don’t wear make-up, ang ganda mo pa din! I’ve already noticed that the first time we met, hindi ka lang talaga pala-ayos”

“SUS! Ayoko! Ako?! Maganda?! Hinahangin na yang utak mo, Ginger. Hala, bibili na lang kita ng Orange Juice!”

Iniwan ko muna siya dun na tinatawag ako pabalik. May sira talaga yun.

Buong araw na rinding-rindi yung tenga ko sa Lakan at Lakambini na yan. Kahit saan ako mapadpad, yun ang pinaguusapan. Nacu-curious na din tuloy ako kung ano nga ba ang nangyayari at ginagawa ng mga napipiling Lakan at Lakambini.

Ngayong hapon daw ilalabas yung listahan ng mga isasali. Sabi ni Ma’am Alvarez, may hina-hire daw ang Academy na umikot ng patago at pipili ng mga potential na candidate. Ang creepy lang nun, di mo alam may nagmamasid na sayo. Brrr!

Bago mag-CAT, nag-ring yung bell para sa announcement.

Bilang unang araw ng Agosto na kilala din sa tawag na Buwan ng Wika, ang lahat ay inaanyayahan na gamitin ang pambansang linggwahe. Ito ay para sa pag-galang at komemorasyon ng kilala nating Wika.

Kinakansela din ang klase ng CAT tuwing biyernes sa buong buwan na ito para mapagbigyan ng pansin ang nalalapit na patimpalak na Lakan at Lakambini. Ang listahan ng mga opisyal na lalahok sa patimpalak ay nilabas na sa bulletin board sa harap ng opisina ng principal. Maraming Salamat.”

“Patay ka na Ginger, tagalog daw”

“Gosh, Ky! No need teasing me! Kaya ko yun noh!”

“Eh ngayon pa nga lang nag-eenglish ka na eh” tawa ko sa kanya. Inirapan lang niya ako. Hahaha. Yung mga kaklase naman namin, biglang naglabasan lahat, hinila na din ako ni Ginger palabas. “Teka, bakit?!”

“Obviously, titingnan yung bulletin board! Don’t you want to know kung sino yung napili for our section?”

Di na lang ako sumagot at sumunod na lang sa kanya. Pagdating namin sa bulletin board, nagkakagulo lahat ng estudyante at nag-uunahan na tumingin dun sa malaking listahan. Grabe! Ang lalaki nung letters! Kahit nasa malayo ka, nababasa mo yung pangalan ng mga nakasali!

“Wait, where’s Senior class B?” pilit na pag-angat ni Ginger sa ulo niya. Ako naman, hindi ko na pinansin na tumingin sa listahan. Pano kasi natatapakan na ako nung mga kadadating lang na nagtutulakan sa likuran namin.

“I told you so, Ky! Si Cade yung Lakan natin! Teka, hindi ko makita yung sa Lakambini, you’re taller than me, Ky ikaw tumingkayad”

“H-ha? Aray! Masakit na ha! Wag kasi kayong magtulakan! Ang laki-laki nung letra eh! Parang di niyo makikita ng hindi nagtutulakan!” sigaw ko dun sa mga nasa likod ko. Siguro mga first year yun, ang liliit kasi at mukhang excited na excited.

Tumingala ako ng konti para hanapin yung Lakambini ng class namin.

Ayun!

Senior High Lakambini Candidates

Class A: BLAKE ERICA LAURENT

Wala na kong duda dun, katulad ng sabi ni Ginger all-time champ si B.E. sa title ng Lakambini.

“What, Ky?”

“Si B.E. sa Class A”

“Of course, I know that already! Sino yung satin? Will you stop pushing each other, for pete’s sake!” sigaw na din ni Ginger dun sa mga nasa likod namin.

Aray! Shit naman, natapakan na naman ako nung nasa tabi ko. Tiningnan ko muna ng masama bago tumingala ulit.

Class B: KYRA LEI MONTEZ

Teka, naghahallucinate yata ako. May amoy din kasi tong katabi ko, gitgit pa ng gitgit!

Tiningnan ko ulit.

Class B: KYRA LEI MONTEZ

 “Oh. My. God. I told you so, Ky! I told you so! Ikaw Lakambini natin!”

PUCHA! AKO NGA!

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon