Chapter Twenty-Two: Renegade

1K 22 0
                                    

Dahil nag-promise ako kay Ash, nag-paalam na ako kila Nanay na medyo male-late ako ng uwi ngayon. Kawawa naman kasi yun, mag-isa lang siya gumagawa. Kahit naman hindi ko alam kung gano kadami gawain niya pero sigurado naman akong pinipilit lang niyang kayanin kahit mag-isa lang siya.

Nung lunch time, tinulungan ko naman si Ginger na tapusin yung project namin na scrapbook sa Filipino. Nakapag-pass na kasi ako nun kaya lang siya, nag-procrastinate kasi.

“Suuuper pasensya ka na talaga, Ky. If only I’d done this a long time ago like you, hindi ka na sana nagca-cram to help me! I was so fascinated kasi dun sa bagong news about B.E.” pagkwe-kwento pa niya habang nag-gugupit kami ng pang-design. Dinala namin lahat nung materials niya dito sa ilalim ng Talisay tree na tambayan namin.

“Okay lang, sanay na ako sa ka-adikan mo.” Sagot ko sa kanya na medyo ikinatawa niya. “Ano ba yung bagong balita kay B.E.?”

Sana naman pabor yun sa mission ko kay Cade.

“She was nominated to this big big ballet competition na ang mga competitors niya ay from different parts of the world! For sure sobrang happy niya kasi ang alam ko, she has wanted something like that to happen ever since she learned how to ballet.”

“Wow, ang galing naman.”

“Sinabi mo pa. Nag-status nga siya last night eh, nakaka-inspire!” tapos nag-salita si Ginger na parang ginagaya si B.E. “Faith can move mountains. And with determination, it will lead to a sure success….oh diba? Bongga niya”

Nakakatuwa naman talaga. Naalala ko tuloy nung bago siya nag-talent nung Lakambini. Ano nga kaya yung pangarap niya? Sigurado ako yun ay ang maging professional ballet dancer niya. Nakakabilib talaga siya, kasi sa murang edad pa lang, may pangarap na siya.

“Oh My God!”

“Bakit?!” gulat kong sabi.

“I forgot the paste sa classroom!”

“Sus, yun lang pala. Akala ko naman napano ka na. Dyan ka lang, ako na kukuha”

“You are SO kind, Ky! Thanks bunch!”

Tumayo na ako at nagpunta ng classroom. Sa pagdaan ko dun sa bulletin board, nandun si Imman, ang Student Council president namin, nagdidikit ng malaking poster dun.

“Kuya Imman, kailangan mo ng tulong?”

“Kyra! Naku okay lang, wag na. Kaya ko na. Thank you ha” sagot niya sakin.

“Para san yan?”  tanong ko at tumingin dun sa Bulletin Board.

ATTENTION:

Everyone is invited to attend the

Fall Solstice Party

On the 31st of October, 10:00 PM at Jaime Academy’s Center Field to celebrate our beloved Principal Giovanni Jaime’s 67th birthday and the Annual Bon Fire Dance.

Please arrive in your preferred Halloween attire.

Note: Everyone is required to attend with a partner.

                                                                         

-Student Council Department

 

“Para sa Fall Solstice Party next week. May partner ka na ba?”

“Totoo pala yung sinasabi nung kapatid ko.” Sabi ko habang binabasa ulit yung announcement. “Wala nga, Kuya Imman eh. Baka ikaw, wala ka pang partner?”

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon