Gaano nga ba katatag ang isang samahan o relasyon na simula sa pagkabata pa nagsimula? Marahil, marami ang magsasabi na sa tatag ng pundasyon ng mga ganitong samahan ay pang-habangbuhay na din ang tagal.
Pero hindi eh. Siguradong meron ding kahit na matagal nang nabuo, sa huli, hindi pa din nagtatagal.
Napabuntong-hininga na lang si B.E. na tinggal na ang pagkakatitig sa walang bahid na puting pisara nila sa classroom. Tinuon na lang niya ang konsentrasyon sa binabasang libro ni J.K. Rowling. Ang The Casual Vacancy.
Kung parang Big Brother House lang ang classroom nila, siguradong mapapansin sa bawat kuha ng camera na habang masayang nagkwekwentuhan ang ibang magkakaklase, ay siya namang ikinatahimik ni B.E. na nag-iisang nagbabasa lang sa kanyang upuan.
Simula nang nag-aral si B.E. dito sa pilipinas, kapansin-pansin na ang pagiging seryoso niya sa lahat ng gawain niya. Lagi niyang ibinibigay ang lahat ng lakas at isip niya sa isang bagay na kailangan niyang gawin. Sobrang dalang lang niya magliwaliw, madalas pa nun ay mag-isa pa din siya o kung hindi naman ay kasama sila Ash at Cade.
Sila Ash at Cade. Siguro, kung hindi nagkataon na magkakapit-bahay silang tatlo ay malamang walang ibang kakilala si B.E. kundi ang lola niya at ang kanyang sarili. Parang kapatid na ang turingan nilang tatlo sa isa’t-isa. Maliban na nga lang kay Cade na bata pa lang ay umaaligid na sa kanya. Natatawa lang siya tuwing sasabihin nito ang nararamdaman para kay B.E.
Four years old pa lamang siya ng ipadala siya ng mga magulang niya dito sa bansa mula sa France. Habang siya ay lumalaki, mas lalong umiigting ang kagustuhan niyang makabalik ng France para makasama muli ang mga magulang. Ang kondisyon ng mga ito ay dapat may maipagmamalaki na siya kapag bumalik na siya ng bansa nila.
Kaya naman lalo niyang pinagbubuti ang pagba-ballet. Kaya hangga’t may pagkakataon na pwede niyang ipakita kung ano ang kaya niya, lagi siyang nagba-ballet lalo na kapag maraming manonood. Gusto kasi niyang makarating iyon sa mga magulang niya. Para naman kahit papano, maisip nila na gagawin niya ang lahat makasama lang ulit sila.
Nang makaramdam ng gutom ay tumayo na siya para magtungo sa cafeteria. Saktong natingin din siya sa kabilang building na alam niyang madalas tambayan nila Ash at Cade. Nakakapag-taka lang na wala ngayon ang dalawa dun.
Naalala na naman niya ang nakita nung umagang yon. Natutuwa siya, sa totoo lang. At last, natuto na din makisalamuha sa iba si Cade. Dala na din sa pangungulila sa mga magulang, alam niyang takot ito ma-attach sa iba bukod sa kanilang dalawa ni Ash. Totoo ngang parang bata si Cade kung umasta. Pero naiintindihan ito ni B.E. ng lubusan.
“Erica” tawag ng isang boses habang naglalakad na siya pabalik ng classroom nila, dala ang isang sandwich at juice.
Lumingon siya at nakita si Ash, kasama si Cade na nakatitig lang sa kanya.
Ngumiti muna ito bago nagsalita. “Oh guys, have you had your lunch yet?”
“Yan lang kakainin mo?” Pabalik na tanong ni Cade sa kanya na nakunot ang kilay na nakatingin sa mga hawak niya.
She smiled again. “Yuppie. Coach told me that I’m gaining weight. May upcoming performance ako and I couldn’t be careless of what I’ll eat.”
“Ang payat payat mo, you’re gaining weight? Papatayin ka ba nung Coach mo na yun?!” agit na sagot ni Cade. Ash grinned at B.E. and shook his head. Lagi silang nagkakaintindihan tuwing nagaalburoto si Cade.
“Haaay, Cade. Someone pissed you off na naman noh?”
“You got it, Erica” patango-tangong sagot ni Ash.
“Wag niyo nga ibahin usapan, lagi na lang kayo ganyan! Ikaw Erica, kakain ka ng madami! Ang payat payat mo na! *blah* blah*blah*”
Nagtatawanan na lang sila Ash at B.E. habang talak ng talak si Cade.
(A/N)
Okay, so, filler lang to kaya maikliJ gusto ko lang mag-singit ng scenario kung pano madalas ang usapan ng pagkakaibigan nila Ash, B.E. aka Erica at Cade.. J
Ganyan, mostly. J
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...