Chapter Twenty-Four: That's What You Get

1K 19 0
                                    

 Mabilis na kumalat sa fan page ni Ash ang mga picture nilang dalawa ni Kyra sa party. Ang iba ay natuwa para sa iniidolo habang ang iba naman ay hinusgahan si Kyra. Instant celebrity ang naging peg niya.

Hindi na alintana ni Kyra ang mga sinasabi sa kanya ng iba. Lalo na at lagi siyang pinapaalalahanan ng kaibigan na si Ginger na ang mahalaga ay kung saan siya masaya.  After all, mag-kaibigan lang naman sila ni Ash at sa tingin naman niya ay wala namang masama doon.

“That’s her. Sobrang simple noh?”

“She’s pretty kaya and she looked stunning as a gypsy princess nung party”

“I don’t think so”

Dinig ni Kyra na usapan ng ibang mga estudyante nang magpunta sila sa canteen ni Ginger para mag-recess.

“Don’t mind them, Ky. Bilisan na lang natin” bulong sa kanya ng kaibigan.

“Okay lang. Wala naman ako ginagawang masama eh”

Kumuha na siya ng mineral water sa bottle dispenser. Lumabas na sila ni Ginger at nagpunta sa tambayan nila.

“You should be used to this na, Ky. You knew what you were about to meddle with nung pumayag ka kay Ash, for sure”

Sa isip ni Kyra, sa totoo lang, hindi. It was really a spur of the moment for her. But that doesn’t matter. Ang mahalaga ay kung saan siya masaya.

Buong araw na walang imik si Kyra na nasaktuhan naman ng release ng bagong issue ng The Heir kaya busy din sa pag-babasa si Ginger. She was thinking unconsciously of Cade. Absent kasi ito mula pa noong nagsimula ang linggo. Sa huli niyang usap dito, sigurado siyang problemado ito. O di naman kaya ay may dinadamdam na sakit.

Si Ash naman ay madalas na siya lapitan at kausapin. Ngayong wala si Cade, libre siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Pinaka-una na dun ay ang mapalapit pa ng tuluyan kay Kyra.

Pero dahil sa halatang wala sa mood ang babae, hindi niya ito magawang lapitan maya’t-maya. Para ba itong may iniisip na malalim. Ayaw man niya pero parang kumokonekta ito lagi kay Cade.

“What’s up with Cade?” tanong ni Ash sa kaibigan na si Erica nang madaanan niya ito sa may garden sa tapat ng bahay nila nung pauwi na siya.

Erica went out of the fenced garden and approached him. “Why don’t you go and visit him? It’s so unlike you when you’ve always been the one with him”

Ash clutched his bag a little bit tightly.

“Baka ayaw niya ako makita”

“At bakit naman? You know what Ash, he should know how you feel. Lagi na lang ikaw ang may alam sa nararamdaman niya. Why don’t you make it the other way around, for a change?”

“He has way too much problem already para problemahin pa ang problema ko. I’ll go ahead, Erica”

Walang nagawa si B.E. kundi tingnan na lang na palayo ang kaibigan. She sighed deep.

“Masochistic, as always” bulong niya sa sarili bago bumalik sa pagdidilig ng mga halaman sa garden.

*

Pagka-uwi naman ni Kyra sa bahay nila ay ang sigaw ng kapatid niyang si Al ang sumalubong sa kanya.

“Biik!” sigaw nito mula sa harap ng desktop computer nila sa may sala. “Tingnan mo to oh, ang dami mong picture sa internet! Kayong dalawa nung Ash!”

Hindi niya pinansin ang kapatid at binaba na ang bag niya sa couch atsaka nagtungo sa kusina.

“Pakinggan mo to. The controversial partner of our heartthrob Ash on the Fall Solstice Party is known to be Kyra Lei Montez of the same class he is in. She is the same girl who competed against B.E. Laurent on the Academy’s August Lakan at Lakambini---“

Pina-andar ni Kyra ang Coffee Machine nila na mabilis umugong at natabunan agad ang boses ni Al. Ayaw na niyang marinig ang kahit na anong tungkol sa Party. She’s stressed just thinking about it.

Narinig pa niyang parang may isinigaw pa si Al pero hindi niya ito pinansin. Binuksan niya ang ref nila at kinuha ang Orange Marmalade na siya ang gumawa at pinalaman ito sa tinapay.

Sumigaw ulit si Al pero hindi pa din niya pinansin. Malaunan ay pumasok na din ito sa kusina.

“Hoy biik! Ang sabi ko may kartero sa labas! Hinahanap ka! Bingi!”

Kartero? Nagtaka si Kyra. Wala pang kahit sino ang nagpapadala ng sulat sa kanya sa tanang buhay niya. Ano naman kaya iyon?

Lumabas na siya sa labas nila at hinarap ang kartero.

“Kyra Montez po?” tanong nito sa kanya na may dalang isang tali ng animo’y mga sulat.

“Ako nga po, ano po yon?”

“Mga sulat po para sa inyo. Pirma na lang po kayo dito”

May inabot sa kanya na paper ang kartero at pinapirma siya. Pagkatapos non ay iniabot na sa kanya ang mga tali ng sulat at umalis na.

Pagpasok niya ulit sa bahay nila ay sinalubong ulit siya ng kapatid.

“Ano yan? Ba’t ang dami mong sulat?”

“Hindi ko nga alam eh”

Umupo siya sa may couch nila at tinanggal ang pagkakatali. Sino naman kaya ang magsusulat ng ganito kadami para sa kanya?

Nang matanggal na ang tali ay humablot ng isang sulat si Al sa kamay niya.

“Ano ba, Al! Sakin yan!”

“Isa lang, basahin na natin, ang bagal mo eh” binuksan na ng kapatid ang sulat.

“Dear Ms. Kyra,

                Hello po! Ang pangalan ko po ay Daisy Monteverde, junior high school na schoolmate niyo po. Gusto ko lang pong malaman niyo na ang ganda ganda niyo po talaga at bagay na bagay po kayo ni Kuya Ash. Sana po ay maging mag-kaibigan tayo. Kasama po ng sulat na ito ay isang friendship bracelet. Sana po ay isuot niyo ito dahil ang ka-pair po nito ay suot ko. Ingat po kayo lagi, Ate!

                                                                                                                                                                Humahanga, Daisy

Wow, biik! Fan mail tong mga to! May mga fans ka na!”

Sa di malamang dahilan, nawalan ng gana si Kyra. Hindi siya pumayag na makipag-pareha kay Ash dahil gusto niyang sumikat. Gusto lang naman niyang sumaya.

Bigla niyang naalala ang mga sinabi niya kay Cade tungkol sa mga Fan mails. Ganito pala ang pakiramdam nun. Hindi pala basta may nakaka-appreciate sayo, ay gugustuhin mo nang makatanggap ng mga ganun.

She honestly feel violated. She thought of Cade again. Kaya siguro hindi ito masyadong nagpapakita ng attachment sa iba kahit sa mga humahanga sa kanya. There’s this feel na para kang nawalan ng privacy. Knowing Cade, baka wala itong bagay na hindi alam ng karamihan. She suddenly felt sorry for him.

Binaba na niya ang hawak na sandwich sa may lamesita katabi ng mga sulat at umakyat na sa kwarto niya. For her, this is too much. Para nang sasabog ang utak niya sa dami ng iniisip niya.

She needs someone who will understand what she feels. But right now, he  is nowhere.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon