Chapter Two: Misery Business

1.9K 37 1
                                    

[Kyra Lei Montez’ POV]

Buti na lang talaga, naging kaibigan ko si Ginger. Kung hindi, forever loner na siguro ako sa school na yun. Kung ako ang tatanungin, ayokong mag-aral dun! Kaya lang, pangarap kasi nila Nanay at Tatay na dun ako grumaduate kahit na doble kayod ang kailangan nila para dun kami makapag-aral.

Madalas na sa bahay namin si Ginger ngayon. Tuwing weekends, pumupunta siya sa bahay, natutuwa naman si Nanay at Tatay dahil nagkaron daw agad ako ng kaibigan. Minsan, kapag kailangan umalis nila Tatay para bumili ng mga gamit para sa shop, kaming dalawa ni Ginger ang tumatao at nagbabantay sa shop. Si Al kasi, laging nagco-computer o kaya nanonood ng tv at ayaw akong tulungan.

Adik na adik na si Ginger sa Red Velvet Cakes na tinda namin. Lagi siyang pinabibigyan ni Nanay pero ayaw niya tanggapin ng libre. Kaya every week, may order kami kay Ginger. Natutuwa daw siya na nakakatulong siya sa negosyo ng pamilya namin.

Best friend ko na ngang maituturing si Ginger. Siguro kami na yung girl version nila Asher at Cade sa school. Inseparable. Di nga lang sikat. Pero ano naman? Masaya naman kami ni Ginger.

“Bibili lang ako ng coke, gusto mo?”

“Pabili na lang ako, di ko pa tapos to eh. Sige na please, Ky?”

Tumango na lang ako at kinuha yung pera para sa coke niya. Busy na naman kasi siya sa bagong issue nung Heir Magazine na yun, puro si Cade lang naman yata ang laman. Di naman ako interesado sa Cade na yun, pero sige, aaminin kong medyo crush ko si Asher. Uy, crush lang noh! Medyo lang! Bata pa ako at mag-aaral muna! Hehehe!

Iniwan ko na si Ginger sa ilalim nung puno na tambayan na namin. Dumiretso na ako sa vending machine. Di ko naman napansin na may kasabay akong kukuha ng beverage dun kaya nagka-dikit pa kami ng kamay sa pagsusuot nung coin sa dispenser.

“Ay, sorry”

Naramdaman kong namula ako nung tumingin ako sa nabunggo kong kamay. Si ASHER! Natitig ako bigla sa kanya, di ko alam kung bakit! Siya naman, nakatingin din sakin! Diyos ko po!

“Mauna ka na”

Nagising naman ako sa pagkakatitig kaya dali-daling ko nang sinuot yung coin at pumili ng coke.

“S-s-salamat” Sabi ko nang nauutal. Grabe! Bat ako nahihiya!!!

Di naman na siya sumagot at sinuot na yung coin niya pagkakuha ko nung coke.

Dali-dali na akong tumakbo pabalik kay Ginger.

“Oh, bakit isa lang binili mo?”

Natutulala pa din ako kaya di ko napansin na isa lang yung nakuha ko. Naku naman kasi si Asher! Nakakakaba siya!

Binigay ko na lang kay Ginger yung coke.

“A-ayoko na kasi. H-hindi na pala ako nauuhaw.”

“Sure ka?”

Tumango na lang ako. Hay, Asher. Dahil sayo, mauuhaw tuloy ako. -.-“

Sa Gym kami nagtetake ng PE class. Kaya nung lunch break, kinuha namin ni Ginger yung PE Uniform namin sa mga locker namin. Syempre, magkatabi kami ng locker. Pagkatapos nun, nagpalit na kami sa CR.

Folk dance ang PE namin ngayon kaya kailangan ng mga partner. Si Ma’am daw ang mamimili kaya kinakabahan ako. Sino kaya magiging partner ko? Sana naman mabait. Naalala ko na naman yung kanina, ang bait pala talaga ni Asher, gentleman! :”>

Luminga-linga ako at sinipat kung nasan siya. Ayun! Inalog ko yung ulo ko, naku Kyra Lei, magtigil ka, ang landi mong 17 years old! Pero himala yata, nag-iisa siya ngayon. San naman kaya napadpad yung Cade? Ay nako, pake ko ba.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon