Chapter Twelve: For a pessimist, I'm pretty optimistic

1.1K 20 0
                                    

[Kyra Lei Montez’ POV]

Nagising ako sa kaluskos sa kwarto ko. Pag-mulat ng mata ko, mukha agad ni Al ang nakita ko, naghahalungkat na naman sa bed-side table ko.

“Al, ano na naman ba yan? Ang aga-aga!”

“Bumangon ka na kaya, tanghali na, mauna na ako sa school!”

“Teka, anong oras na ba?” Tiningnan ko yung alarm clock ko. “Shete! Bakit di mo ko ginising?! Late na koooo!”

Dali-dali na akong pumasok sa banyo at naligo. Shet! Baka di na ako swertehin ngayon at tuluyan na akong mabigyan ng late slip!

“Ate, bawiin ko na tong bracelet na binigay ko sayo dati! Di mo naman sinusuot eh! Alis na ko! ***** ********!” sigaw ni Al sa labas ng banyo ko. Naka-todo yung shower kaya hindi ko narinig yung sinabi niya nung huli.

“Langya ka talaga! Binigay mo na sakin yan ah!” sigaw ko pabalik. Pero wala na kong narinig na sagot kundi yung malakas na pagsara ng pintuan ko.

Pagkabihis ko, sinukbit ko na agad yung bag at suklay. Sa trike na lang ako magsusuklay! Late na late na ako! Bwiset! Bakit kasi hindi ako ginising ni Nanay?

“Nay! Tay! Alis na po ako!” sigaw ko naman sa may sala namin pero wala ding sumagot. Sumilip ako sa may kusina namin pero walang tao. Nasan kaya yung mga yun?

Pagbukas ko ng front door namin…

*POOOOOOOOOOOOOOOOOK*

Sa lakas nung putok, napapikit ako.

“Ano ka ba Al, bakit mo tinapat sa tenga niya? Happy Birthday, Anak!”

Dumilat na ako. Nandun si Nanay at si Tatay na may hawak ng cake na pink na pink. Si Al naman, nasa may tabi ko na may hawak na confetti shooter.

“You are punk’d!” sigaw sakin ni Al. Binatukan ko na lang siya.

“Salamat, Nay, Tay! Grabe, August 29 na pala, nakalimutan ko nang birthday ko pala ngayon!”

“Halata nga, ‘nak, kahapon hindi ka man lang nagpahiwatig na alam mong birthday mo ngayon” sabi ni Tatay sakin.

Kinamot ko na lang yung ulo ko. “Eh kasi Nay ang daming nangyayari eh”

“Oh siya, baka gusto mong kumain ka muna ng cake bago ka pumasok. Ipagbabaon din kita para mabigyan mo si Ginger---“

“Eh teka Nay, late na nga pala ako!”

“Ano ka ba, Ate! Ang slow mo talaga! Kaya nga sabi ko you’ve been punk’d eh! Inadjust ko lang yung alarm clock mo, maaga pa! Pero seryoso ako dun sa bracelet mo ha, akin na yun”

“Bahala ka nga! Aanhin mo ba yun?”

Pumasok na ulit kaming lahat at kumain ng almusal. Akalain nyo yun, nakalimutan ko sarili kong birthday!

Ano kayang mangyayari sa araw ko ngayon? Hindi naman din alam ni Ginger na birthday ko ngayon. Oh well, I guess mas okay na to. Ieenjoy ko na lang sarili ko. 18 na ko! Yahooooo!

--

Pagdating ko sa school, saktong pilahan na ulit kaya sa pila na din namin ako didiretso. May nakasabay naman ako sa may gate na ikinasama at ikinaganda ng araw ko. Ikinaganda dahil si Ash yun at ikinasama dahil kasama niya yung halimaw na si Cade.

Naalala ko na naman yung sa may tennis court. -.-“

FLASHBACK

Pikit na pikit yung mata ko pagbagsak ko. Naramdaman ko kasing dumulas ako sa kamay ni Cade kaya napahiga siya.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon