OCTOBER.
Nasa daan si Kyra papunta ng school nang makatanggap siya ng naghuhumiyaw na text galing kay Cade. Nagtaka naman siyang imbis na tumawag ay nagtext lang ito.
Text message from: Halimaw
TUESDAY NGAYON! BANTAYAN MO SI B.E. KUNDI LAGOT KA SAKIN! TEXT OR CALL ME AT KAILANGAN SUMAGOT AKO! ITAGA MO TO SA NOO MO!
Kyra smirked and shook her head. Sa isip-isip niya, ano naman kayang gagamitin niyang pang-taga sa noo niya? Itak?
To: Halimaw
May regla ka noh?
SENT.
Naisip din niyang wag gawin ang pinagagawa ng pansamantala niyang amo para mainis ito lalo. Natawa pa nga si Kyra ng malakas kaya tiningnan pa siya ng masama ng katabi niyang si Al sa kotse. Inirapan na lang niya ito.
*Brrr…Brrr…* Medyo nagitla pa si Kyra ng tumunog ulit ang phone niya. Aba, at nagreply! She thought with a sly smile.
From: Halimaw
I’m serious, don’t mess with me. Kapag nalaman kong di mo binantayan si B.E., magbalot-balot ka na talaga ng mga gamit niyo.
Bigla naman kinabahan ulit si Kyra. Nitong nakaraang mga araw kasi, naging maluwag ito sa kanya. Nakakalipas nga ang isang linggo na hindi siya nito kinukulit na bantayan ang ‘pinakamamahal’ nito. Naisip niyang baka nakakalimutan na din ni Cade ang mission kuno niyang binigay. Kaya nagtataka si Kyra ng bigla itong nag-utos ulit.
But every situation has its own sides.
Eto ang kay Cade:
Ang totoo, sinusubukan lang ni Cade si Asher. Gusto niya itong obserbahan. Ngayong may control siya sa inis niya, gusto niyang makita mismo kung ano ang dahilan ng mga paglapit nito sa kinaiinisan niyang babae.
Sa sobrang pag-iisip niya kasi, meron siyang mga bagay na ikinatataka na ngayon.
Katulad na lang ng pagpapaiwan ni Ash sa eskwelahan tuwing uwian. Kahit papano kasi, hands-on na si Cade sa negosyo na naiwan sa kanya kaya bukod sa eskwelahan, may special tutor din siya na kinakailangan niyang puntahan dahil kailangan niyang mag-aral tungkol sa negosyo nila.
Mula pa noon kasi ay lagi nang sumasama pauwi si Ash kay Cade. Pwera na lang kapag may meeting ito sa school paper nila bilang EIC.
MWF ang schedule ng school paper meetings kaya expected na ni Cade na maiiwan talaga ito sa school kahit dismissal na.
Pero bigla na lang itong nagpapaiwan kapag Tuesday at Thursday din. Ayaw man niya ito i-konekta kay Kyra, yun din ang mga araw na pinababantayan niya si B.E.
Dun niya naisip na ito malamang ang dahilan kung bakit ganun si Ash ngayon.
Pero hindi si Cade ang padalos-dalos na tipo. Gusto niyang makita ito gamit ang sarili niyang mga mata.
Dahil free afternoon ng araw na yon, nag-one on one ng basketball sila ni Ash gaya ng madalas na nilang gawin. Nagbibihis sila sa locker room ng Gym nang tanungin niya si Ash.
“Road trip tayo” aya ni Cade kay Ash. Alam niyang hindi ito makakatanggi dahil ito ang pinaka-paborito nilang Gawain kapag may libre silang panahon.
“Ha? Pano yung tutor mo?”
Handa na si Cade dun. Sinadya niyang magkunwaring masakit ang ulo para makatakas siya sa tutor na umaga pa lang ay sinasabihan na siya tungkol sa pagaaralan nila.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...