Tuwing Monday, last subject namin ang Class Activity. 1 hour kaming gumagawa ng activity na pakulo ng Activity Head ng Academy. Ngayon, kailangan namin maglista ng mga lugar na sa tingin namin ay kailangan pang i-improve sa Academy.
Kalokohan-.-“ Wala na nga akong makitang pwede pang i-improve eh. Kaya kahit pinalabas kaming lahat para umikot sa buong Academy, wala pa din kami mailista ni Ginger.
“Alam ko na! Yung fountain sa may parking lot! Diba, may isang hose dun na hindi na nilalabasan ng tubig? Yun na lang ilagay natin!”
“Pwede ba yung magkapareho tayo?”
“Okay na yun! Sabihin na lang natin magkasama tayong umikot. Nasan kaya yung iba nating classmates?”
Sa laki naman kasi nitong school, imposible talagang agad agad kaming magkakasalubong lahat. Hay nako. May 45 minutes pa bago mag-dismissal. Ano kayang magawa?
TING!
Alam ko na!
“Ginger, diba sabi mo ka-year level natin si B.E.? Eh kung ituro mo na lang siya sakin para may magawa tayo?”
“Bakit mukha kaya yatang bigla naging interasado sa kanya?”
Oo nga pala, hindi ko sinasabi kay Ginger yung pinapagawa sakin ni Cade. Ang nabanggit ko lang sa kanya, eh yung patatalsikin kami dito sa siyudad kapag di ako sumunod kay Cade. Di ko pa nasasabing may pinagawa na sakin, kahit best friend ko na siya, may ‘spilling tendencies’ kasi siya. Kailangan ko mag-ingat talagang hindi malaman ng kahit sino bago ako ilibing ng buhay ni Cade.
“E-eh, wala lang, curious lang ako. Kasi diba, sabi mo, siya ang pinakasikat na babae dito sa Academy kasing sobrang ganda at magaling siyang mag-ballet?”
“OMG! Talagang you’re gaining interest na to her! I’m SO glad! It’ll be my pleasure to help you! Tara na!”
At hinila na niya ako. Adik talaga siya sa mga ganito. -.-“
Pumunta muna kami sa classroom ng Class A. Hindi ko ba naman malaman kung bakit mag-kaiba pa kami ng building nitong Class A.
“Ginger, bakit nga ba magkahiwalay pa tayo ng building ng Class A? Eh pareho lang naman tayong senior high school?”
“Kasi, rivals ang Class A at ang section natin na Class B. It all started nung Intramurals ng junior year. Hindi nila natanggap na kami yung nanalo ng overall, kaya ayun, since nun, magkaaway na section natin. Except of course kila B.E., Ash at Cade. Magkakaibigan pa din sila kahit isa sila sa mga players nun”
Pagka siguro talaga mayayaman, ayaw papatalo. Pano na kaya sa Intramurals ngayong year? First time kong makakaranas ng Intrams dito.
Pagdating namin sa classroom ng Class A, sinilip lang namin kung nandun si B.E. pero wala siya. Sabi ulit ni Ginger, baka nasa ballet room sa Club Activity Hall. Hinatak niya ulit ako papunta dun. Over-excite kasi siya kaya todo hatak.
“I can’t wait to point her to you! She’s like the prettiest girl here! Panigurado nandito lang yun sa ballet room, nagpapractice na naman”
Naalala ko tuloy nung nakikinig ako sa usapan nila ni Cade nun. May deepest dream daw siya kaya siya practice ng practice. Ano kaya yun?
Nung narating na namin yung dulo ng Club Activity Hall kung nasan yung ballet room, unti-unti ulit kami sumilip.
Déjà vu lang ang peg ko. Baka mahuli na naman kami ah.
“She’s here!” bulong ni Ginger sakin. May nadinig akong tumutugtog na classical music sa loob nung room. Sumilip na din ako katabi ni Ginger.
BINABASA MO ANG
Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)
Teen FictionMonster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing that cannot be controlled and that causes many problems. Isipin mo yung sarili mo na minamahal ang...