Chapter Ten: Crushcrushcrush

1.4K 27 0
                                    

Ang sarap talagang gumising kapag wala kang iniisip na kinatatakutan mong mangyayari sayo sa isang buong araw! Okay na ako sa Academy ngayon, kasundo ko na yung mga classmates ko. Kung dati, si Ginger lang ang nakakausap ko, ngayon halos lahat na sila. Syempre pwera yung halimaw na si Cade. Lulubog-lilitaw naman yun eh, dinadamay pa si Asher.

Speaking of Asher, hihi.. Masasabi ko bang closer na kami? Hehehe, kinikilig ako! :”> ang landi ko yata. -.-“ Simula nung kinanta ko yung song na pinakinig niya sakin nung Lakan at Lakambini competition, nginingitian na niya ako lagi. Haaaay, buhay ko nga naman oh. Hahaha.

Oo nga pala, gusto niyo bang malaman kung anong nangyari nung Lakan at Lakambini? Syempre, hindi ako nanalo noh. Si B.E. pa rin ang nanalo. Natalo ako kasi mukang ewan lang yung sagot ko dun sa Q&A. At sa huli ko na lang din na-realize na English pala yung kinanta ko, eh Buwan ng Wika nga diba, Fail!

Pero di naman major fail, at least ngayon, may mukha na akong pwedeng iharap sa iba, lalo na sa ibang year level. Lumaban pa din ako, kahit alam kong talo ako.

“Ky, can you do me a favor?” tanong sakin ni Ginger nung nagpapalit na kami ng PE Uniform para sa PE class namin.

“Ano yun?”

“Pwede mo ba akong samahan outside?”

“Outside? Saang outside? Outside nito o---“

“Outside the school.”

“HA?!”

“Tone down your voice, please? Mamayang exact 3pm kasi yung release ng limited edition ng Heir Magazine, 500 copies lang ang ipapamigay and I really really really want that! Please?”

“H-ha? Okay lang naman sakin na samahan ka, pero pano pag nahuli tayo? Atsaka 3pm eksakto din PE class natin! Doppelganger, ganun?”

“Of course not! That’s not even possible! Syempre we have to ditch class. Kapag nagpalabas na sa Fil Lit mamaya, diretso alis na tayo, game?”

“E-eh---“

Lumabas na siya sa cubicle niya at binukas naman yung cubicle ko. Buti na lang tapos na ko magbihis.

“Please, Ky? Just this once, please?”

Hay nako. Matitiis ko ba to? “Sige na nga!”

“YAY! You’re really my bff!” Niyakap pa niya ako ng mahigpit. -.-“

First time kong mag-cucutting sa buong buhay estudyante ko. Lagi kasing sinasabi sa amin ni Nanay at Tatay na maswerte kami at may pagkakataon kaming makapag-aral. Pero Nay, Tay, ngayon lang to, promise. Di ko naman hahayaang mag-isa lumabas si Ginger.

Pagkalabas na pagkalabas nung teacher namin sa Fil Lit, lumabas na kami ni Ginger ng classroom. Mukhang di naman kami napansin ng mga classmate namin kaya dumiretso na kami sa plano.

Sa pinaka-dulo pala ng Eco park, may butas sa pader ng Academy na kasya ang isang payat na tao. Petite naman kami ni Ginger kaya nagkasya kami pareho.

“Pano mo nalaman na may daan palabas dito?” manghang tanong ko kay Ginger. Parang alam na alam niya kasi kung pano lumabas dun.

“First year. May na-kick out na dalawang junior high school nun dahil nagpupuslit sila ng alcohol beverages inside the Academy.” Ngayon, nasa labas na talaga kami ng Academy. Pareho na naming sinuot yung cap na dinala ni Ginger para hindi makita mukha namin. Tuloy lang ako sa pakikinig sa kanya.

”The Academy investigated, nahulihan lang nila na may dala silang alak but they failed to find that big hole sa mismong pader nila. One day before sila nahuli, I overheard them talking about a hole in the eco park. After nilang mahuli, I got really curious so I found out myself” Nakayuko na kami pareho. Dahil medyo malapit lang yung bookstore sa Academy, nilakad na lang namin.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon