Chapter Eleven: Fences

1.1K 22 1
                                    

[Third Person Narration]

Mabigat.

Sa isip ni Cade, sobrang understatement yan para i-explain yung bigat ni Kyra. Feeling niya, nabalian siya ng floating ribs sa likod niya. Kaya heto si Cade sa mansion niya na minamasahe ng isang lalaking masahista.

“Bandang baba ng likod, yan, dyan. Ahhh”

Malaking ginhawa ang naramdaman niya. Sa sakit ng likod niya, kinancel pa niya ang dapat na session niya sa Gym ngayon kaya badtrip na badtrip siya. One less abs nga naman yun sa six pack niya.

 “Young master, nasa labas po si Sir Ash” sabi sa kanya ng isang may edad ng lalaki na naka-suit and tie pa.

Nilingon niya ito at sinagot ng “Let him in”

Tumayo na si Cade at minotion na lumabas ang masahista, na ginawa naman iyon. Nag-vow pa nga ito bago umalis.

Ganito ang buhay ni Cade Ramses Delgado. Kilalang mayaman at makapang-yarihan kaya nirerespeto. Pero lingid sa kaalamanan ng iba na sa laki ng mansion na tinitirhan niya, tatlo lang silang nakatira. Siya, ang family assistant nilang si Walter at ang tiyuhin niyang minsan sa isang buwan lang kung umuwi.

Nasa iisang compound lang ang Delgado Mansion gayundin ang kila Asher, kaya mula nang pagkabata ay magkaibigan na ang dalawa. Sa tapat naman mismo ng compound nila ay ang tinitirhan ng lola ni B.E. na nakilala din nila bilang Erica.

“Bakit wala ka sa Gym kanina? Hinahanap ka ni Baldo” bungad sa kanya ni Ash nung pumasok ito sa kwarto ni Cade, pertaining to their Gym Trainer.

“Nagtext ako sa kanya, sabi ko masakit katawan ko” sagot naman ni Cade na humarap na agad sa Laptop niya habang si Ash ay humilata sa kama niya.

“Bakit naman sumakit katawan mo? Nag-tennis ka na naman noh”

Iniwasan ni Cade yung tungkol sa Tennis. “You know that new girl? Yung transferee?”

Naisip agad ni Ash si Kyra pero nag-kunwari muna siyang hindi niya alam. “Who?”

“Yung nagkalat nung narinig niyang usapan namin ni Erica. Yung laging kasama ngayon nung weirdo nating classmate since elementary”

“Oh, what about her?”

“Na-lock kami sa old tennis court. At kasalanan niya tong back-pain ko”

“WHAT?! Na-lock kayo? How did that happened?!” napatayo si Ash sa pagkakahiga niya.

Nagulat si Cade sa reaction ng kaibigan kaya napatingin ito sa kanya. “Ewan ko ba sa babaeng yun, lagi na lang sumusulpot sa harap ko. What’s with that reaction?”

“H-ha? A-ah, anong reaction?” kamot ni Ash sa ulo niya at humiga na lang ulit. Umiling naman si Cade na halatang hindi napansin ang uneasiness ni Ash.

“Anyway, tumalon kami sa pader. I tried to catch her but failed. Ang bigat niya! Parang hindi lang siya kilo, tonelada pa! Ayun! She ended up on top of me”

Napaupo ulit ng konti si Ash at nanlaki ang mga mata kay Cade. Buti na lang, nakaharap na ulit ito sa laptop niya. “Ano?! Sa ibabaw mo?!”

“I had no choice, as if gusto ko yung nangyari noh! Do you know her name?”

“Bakit mo tinatanong?”

“What’s with you?! Kailangan ko ng sagot, hindi ng isa pang tanong! Ano? Alam mo ba?”

Humarap ulit si Cade kay Ash na dali-daling humiga ulit. “I don’t”

“Just what I thought. Wag na nga lang” at naglaro na lang ito sa xbox niya.

Loving A Deceiving Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon