ZEI'S POV
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas mabilis akong hinila ni Josh. Something is really weird about him.
Ano ba ang nakain niya at parang ibang Josh yata ang kasama ko ngayon?
"Wait, wait! Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ko ngunit deadma lang.
Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan.
"I think you should go home. May emergency kasi kay Mommy," mabilis niyang sabi habang nagmamaneho. Hindi siya lumingon sa akin.
Something must have really happened.
"Oh, ganun ba. Edi bababa nalang ako. Magta-taxi nalang ako. Dumiretso kana sa Mommy mo Josh. Nasaan ba siya? Sa hospital?"
Sabi ko ngunit seryoso lang yung mukha niya.
"No, ihahatid na kita," sagot niya.
Hindi na ako nagprotesta. Alam ko namang hindi ako mananalo. Hindi ko na rin siya kinausap upang makapag-focus siya sa pagmamaneho.
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay.
"Bye Josh. Thank you for today," I said bago siya tuluyang umalis.
Something is really weird. Parang hindi ako sanay sa Josh na nakasama ko.
Para siyang ibang tao.
May nangyari na naman pala sa Mommy niya. Nakalimutan ko pang itanong kung saang hospital dinala yung Mommy niya.
I think I should take time to visit her some time.
Josh is a good friend. Gusto ko lang siyang damayan.
BRYLLE'S POV
Nakatitig lang ako sa sunrise kagaya ni Miles.
Ang ganda nga. It reminds me of something.
Napatingin ako kay Mina.
She really likes it. Madalas nga siyang magkwento sa akin tungkol sa iba't ibang lugar kung saan magaganda yung views ng sunrise at sunset.
I'm glad sa ganitong paraan napapasaya ko siya.
Paubos na rin yung coffee namin at medyo tumaas na ang sikat ng araw.
"Let's go Brylle , sasamahan mo ako today diba?" Tanong niya.
"Auh, yeah yeah. Tara na," sabi ko.
Sasamahan ko siya sa mall. Magsho-shopping na naman siya.
Mahilig talagang mag-shopping si Mina. She is simple at mabilis siyang napapasaya sa mga mabababaw na bagay but still she is a girl.
She is as complicated as many girls out there.
"Here, look Brylle. Ok lang ba?"
Tanong niya. She's wearing a simple white off shoulder dress.
Ngumiti ako, tumango at nag thumbs up sa kanya.
Napangiti siya.
"Well then bibilhin ko rin ito," sabi niya.
Actually maganda talaga siya. Kahit ano naman bagay sa slim na katawan niya. Mataas siya. Magkasintaas yata sila ni Zei. Bagay sa kanya ang mahaba at maalon niyang maitim buhok. At ang isa pang feature na masasabi mo sa kanya ay ang sobrang puti at kinis na balat niya na nagpatingkad ng mapupula niyang labi.
Palibhasa lumaki sa Europe.
Sinamahan ko lang siya hanggang sa ginutom kami sa kakalipat namin sa dami na ng shops na napuntahan namin.
"Ice cream," she giggled in excitement. "Let's go Brylle bumili tayo ng ice cream."
Patakbong lumapit si Mina sa ice cream parlor.
Ice cream. Isang babae lang ang kilala kong mahilig sa ice cream.
It's Zei.
"Two strawberry ice creams," mabilis na sabi niya. "Here," at inabot niya sa akin ang ice cream.
Napatitig ako sa ice cream. Like this ice cream seems like the memory was frozen inside my mind.
I swear it will always be remembered and always be cherished.
"Kainin mo na Brylle. Natutunaw na yung ice cream eh."
Natauhan ako sa sinabi ni Mina. Tama nga siya. Natutunaw na nga yung ice cream.
JOSH'S POV
Hinila ko nang mabilis si Zei hindi dahil ayaw kong magkita sila ni Brylle kundi dahil pakiramdam ko hindi pa ito yung tamang panahon.
There is also a part of me that tells me that I am losing her.
Again.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko dahil sa mga weird actions na ginawa ko.
Well I know nakikita rin ito ni Zei. Hindi siya bobo kaya alam kong alam niya.
Wala na akong ibang maisip na dahilan kaya ginawa kong palusot yung tungkol kay Mommy.
Well, doon naman talaga si Mommy sa hospital. She's been there since last week.
Parang lumala yata yung sakit ni Mommy at natatakot. I am worried to my mom.
Napapadalas yung mga atake sa puso niya kaya minabuti nalang namin na sa hospital muna siya mananatili.
Nandito nga ako ngayon sa hospital. Napapatitig ako kay Mommy na mahimbing na natutulog.
Well, my mom is a brave and strong girl but she is as fragile as a glass.
Naalala ko tuloy yung love story nina Mommy and Daddy.
Dati hindi naman talaga gusto ni Mommy si Daddy dahil may iba siyang nagugustuhan ngunit sadyang matiyaga lang si Dad lalo na noong panahon na nalaman ni Mom na may ibang gusto naman ang nagustuhan niyang lalaki to the rescue naman kaagad su Dad.
Kaya ayun, ther fell inlove with each other and ended up marrying each other.
It turned out na ang dating lalaki na nagustuhan ni Mom ay ang Daddy ni Zei.
Well hindi ko lang alam kung alam ni Zei.
BINABASA MO ANG
Because this is My First Time
Teen FictionZei Rim lost someone special to her. She met a the two inseparable bestfriends but it seems like she gradually made them to. Who? How? Why were choices made when sometimes it just leaves us broken?
