ZEI'S POV
Pagdating ko sa kotse ay wala pa rin si Vier. Hinhintayin ko na lang siya. Mas mabuti na rin ito at hindi niya makitang umiyak ako.
Pinahiran ko yung luha ko gamit yung dala kong panyo. Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse.
Maaliwalas ang paligid. Walang tao. Makikita rin ang ilang kotseng nakapark rin dito sa parking lot.
Brylle Zen Toledo, he is back.
Hindi ba dapat masaya na ako dahil bumalik na siya?
Pero bakit ganito? I feel like I hate him.
Pero may parte sa akin na nagsasabing masaya ako.
In fact I really don't know what to do.
Basta basta na lamang siyang umalis at ngayon ay basta basta lang rin siyang bumalik kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.
SHANNENE'S POV
Nagmadali akong pumunta sa bahay nina Josh dala dala ang gift ko sa kanya.
Sana naman magustuhan niya.
Ilang taon na nga ba akong hindi nakakapunta sa bahay nila?
Mmm. I miss their house. I miss our bonds. I miss him.
Nag-door bell ako.
Yung guard. Siya pa rin pala yung guard dito at mukhang gulat na gulat siya pagkakita niya sa akin.
"Mi-miss Shannene," nauutal na sabi niya.
"Manong, merry christmas po, nandiyan po ba sila Tita?" Tanong ko.
"Ah, o-opo Ma'am. Ang tagal niyo naman pong hindi nakapunta rito," sagot niya.
"Oo nga eh, pwede po bang pumasok?" Tanong ko.
"Opo, diyan po si Ma'am, si Josh parang kakaalis lang rin niya," sagot niya.
"Sige po salamat," sabi ko bago tuluyang pumasok sa gate.
I looked around. The garden is still beautiful. Mas gumanda pa nga.
Naaalala ko tuloy ang mga panahong naglalaro kaming tatlo jan. Mga magagandang alaala na namimiss ko na ngunit alam kong malabo nang maulit pang muli.
Nagpatuloy lang ako hanggang makarating ako sa limang hakbang na palapit sa kanilang pintuan.
Dahan-dahan akong umakyat sa mga hagdang sa loob ng halos anim na taon ay ngayon ko lang ulit naapakan.
Pinagbuksan naman ako ni Manang Susan. Siya pa rin pala ang katulong dito.
"Manang, magandang gabi ho, maligayang pasko," sabi ko at kitang-kita rin ang gulat sa kaniyang mga mata.
Nagmano ako sa kanya.
"Sha-shannene, naku anak, ang laki laki mo na. Napakagandang dalaga. Bakit ngayon ka lang nakapunta? Ang tagal na yatang wala ka auh," sabi niya at niyakap ako.
Siya kase ang laging nagbabantay sa amin noon sa tuwing naglalaro kami.
"Oo nga po manang, namiss po kita," sabi ko sakanya.
Tinignan ko siya na ngayon ay pumapahid ng mga luha niya.
"Bakit ka pala naparito? Ayy teka, naku iha wala dito si Josh, kakaalis lang niya," sabi niya.
"A-ah, nandito po ba si Tita?" Tanong ko naman.
"Ah, oo kaya lang nasa kwarto niya kasama yung family nurse at doctor, noong mga nakaraang linggo kase medyo hindi maganda ang kalagayan ng puso niya pero ngayon ok na, kailangan lang talaga ang assistance ng nurse upang maalagaan siya ng maayos," sagot niya.
"Halika samahan kitang pumunta doon," pag-aya niya sa akin.
Ngumiti ako at tumango nalang. Sumunod ako sa kanya. Hanggang sa marating namin ang kwarto.
Ngunit pagkarating namin ay tulog na daw kaya sabi ko aalis na muna ako.
Ayoko nang maabala pa si Tita sapagkat may sakit siya.
Minabuti ko nalang na umalis.
Nang paalis na ako noong dumaan ako sa sala may isang bagay na kumuha ng atensyon ko.
Yung litratong nasa wall. It was taken noong 6 years old pa lang kami.
Litrato naming nakaupo sa isang bench , nakangiti at nakaakbay silang dalawa sa akin.
Ako, si Brylle , at si Josh.
Napangiti ako sa painting. Kahit pala hindi naging maganda ang relasyon ko sa kanilang dalawa sa loob ng mahabang panahon ay hindi nila tinapon yung mga litrato namin.
Masaya na ako doon.
I miss my two old friends.
Sana nga ay mapatawad nila ako.
Palabas na ako.
"Manang pakibigay nalang po nito kay Josh," nakangiting bilin ko.
Kinuha niya yung gift.
"Oo naman anak, balik ka dito ha?" Sagot niya.
Ngumiti nalang ako at ngumiti sa kanya bago tuluyang umalis.
-----
Thank you for reading.
Please vote ,comment, and follow me.
BINABASA MO ANG
Because this is My First Time
JugendliteraturZei Rim lost someone special to her. She met a the two inseparable bestfriends but it seems like she gradually made them to. Who? How? Why were choices made when sometimes it just leaves us broken?
