CHAPTER 50

52 5 0
                                    


ZEI'S POV

Mabilis na lumipas ang mga oras at araw.

Ilang oras na lang bagong taon na.

Ngayon ang dating nina Mom, and Dad kasama na rin sina Tita Vein and Tito Ramsen.

Parents ni Vier.

Susunduin namin sila sa airport.
Masaya 'to dahil ngayon ay magkakasama kaming sasalubong sa bagong taon.

Mabuti na rin ito at magkakaroon kami ng bonding bago sila babalik sa trabaho pagkatapos ng holidays.

It's 5:00 AM, nasa kotse na kami at papunta na sa airport pero dahil 7:00 AM pa ang dating nila ay minabuti muna naming dumaan sa isang McDo upang mag breakfast.

"Zei, anong gusto mong breakfast?" Tanong niya.

"Kung ano nalang yung sayo," sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya dahil nakatutok ang atensyon ko sa phone ko.

"Sige," sabi niya at umalis na.

He texted me.

"Good Morning Zei:)"

*****typing****
Good Morning B...
***delete***delete***delete****

*back*

Oo, palaging nagtetext si Brylle pero hindi ako nagrereply. Para saan pa. Tch.

I mean, hindi naman sa galit ako sa kanya.

I think I'm not yet ready.

Nilagay ko na lamang yung phone ko sa loob ng bag ko nang makita kong palapit na si Vier.

"Mmm, Zei nabalitaan ko nga pala yung tungkol sa inyo ni Brylle. Bakit hindi mo naman sinabi sakin. Eh, g*g* pala yun eh, Who gave him the permit to hurt my cousin?" Naiiinis na sabi ni Vier habang halatang naiinis na nakatingin sa pagkain niya.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magsalita siya at muntik na akong mabilaukan sa narinig ko sa pinsan ko.

Nagulat ako at napatingin sa kanya pero ibinaling ko ang tingin ko sa pagkain ko nang tumingin rin siya sa akin.

"A-ah, yun ba. W-wala na yun, o-ok n-na rin naman a-ako eh," sabi ko.

"Zei, I already told you. You should've told me," sabi niya pa at halatang nag-aalala siya base sa paningin niya at tono ng pananalita.

Tch. Malamang pinsan ko iyan. Parang kapatid na nga rin. Mag-aalala talaga siya.

"Vier, let me handle this myself. Kaya ko naman eh," sabi ko at ngumiti sa kanya.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa kotse upang pumunta na nga sa airport.

Tahimik lang kaming dalawa. Walang ni isang nag-abalang magsalita.

**vrbbt**vrrrbt***

Vibrate ng phone ko.

*vrrrtb*vrrbttt*

*calling Brylle*

Sabay kaming napatingin ni Vier kung sino ang tumatawag. Ngunit agad niyang ibinalik ang atensyon niya sa daan dahil nagmamaneho siya habang ako ay nanatiling nakatitig sa phone ko at nag-aalinlangan kung sasagutin ko ba o hindi.

"Hindi mo ba sasagutin?"
Tanong ng pinsan ko.

"Ah, h-ha?" Takang tanong ko.

"Zei, alam kong mahal mo pa siya and obviously mahal ka rin niya. Kung gusto mong maayos na ang lahat at maibalik sa dati ang relasyon niyo hindi lang dapat isa ang nag-eeffort. Dapat dalawa kayo para balanse," mahabang litaniya niya. Saan naman kaya niya makuha ang mga 'yun.

Because this is My First Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon