JOSH'S POV
Currently we are preparing for the New Year.
The celebration will be held on the Toledo's Residence.
Sa bahay nina Brylle.
Nag-usap usap na rin kasi sina Mom and Dad ,tapos sina Tito Patrick and Tita Beatrice parents ni Brylle at sina Tito Nick and Tita Shane, parents ni Shannene.
Medyo matagal na rin kasing hindi sila nagkita at nagkasama.
Syempre masaya rin ako doon.
Si Daddy ngayon lang umuwi galing sa trabaho niya sa States.
Dahil nga kailangan ay doon siya nag stay. Si Mom, dahil nga may sakit sa puso hindi pwedeng gaanong mapagod kaya nandito lang siya at siya naman ang nag ma-manage ng business namin dito pero madalas ay secretary niya yung mas maraming ginagawa at si Mommy lang ang nagdidikta.
"Mom, tara hatid na kita sa kotse," sabi ko kay Mom. "Kami na ni Daddy ang bahala sa ibang gawain."
Dahil nga aware na si Mom sa sakit niya hindi na siya nagmatigas at sumunod na lang sa nais ko.
Umalalay ako sa kanya sa pagbaba sa hagdan hanggang sa kotse. Tinulungan naman ako ni Manang.
"Thanks anak, binata ka na nga talaga. Ang swerte naman ng babaeng magugustuhan mo anak, maalaga ka kaseng lalaki," sabi ni Mom na nakangiti.
Yun nga lang Mom mukhang may iba namang gusto.
Nalungkot ako sa naisip ko.
Alam kong kahit ano pa ang gawin ko ay mas lamang si Brylle sa puso ni Zei.
Ngumiti na lang ako kay Mom.
"Wait here Mom, tatawagin ko lang si Dad," sabi ko at aalis na sana kaya lang nakita ko rin namang lumabas na si Dad sa pinto at dala na lahat ng nais naming dalhin.
"Son, I'm here let's go!! Naroon na raw sina Tito Shane and Tito Nick mo," masayang sabi ni Dad.
Pumasok na kami sa kotse.
Sa isang van lang kami sumakay at yung driver namin yung nag drive.
Ang OA kasi ni Dad, sabing ako na eh.
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay nina Brylle.
BRYLLE'S POV
"Anak, saan ka ba nanggaling ha? Kanina pa kami dito naghihintay eh," bungad ni Mom sa akin pagkarating ko ng bahay.
Naroon na nga lahat.
Si Josh na nakaupo at kinakausap ni Dad at Tito Nick at Tito John.
Lumapit ako sa kanila at nagmano.
Hindi naman sa matanda na sila.
Bilang pagrespeto lang sa kanila.
"Oh, binatang binata na ," ani Tito Nick
"Gwapo talaga, mana sa akin," mayabang na sabi ni Tito John.
"Hoy, anong sayo? Sakin , eh anak ko 'yan eh," reklamo ni Dad.
Natawa na lamang ako sa kanila.
Hahaha. Magbabarkada nga sila, walang pinagbago.
Nagkatinginan lang kami ni Josh.
Si Mom na nasa table at humahanda ng pagkain kasama si Shannene, Tita Shannene , at Tita Janelle.
Lumapit ako sa kanila at nagbeso at nagmano na rin.
Si Shannene ngumiti sa akin.
"Nasa labas Mom, nagpahangin lang," palusot ko. "Akyat muna ako, I have to fix myself."
BINABASA MO ANG
Because this is My First Time
Teen FictionZei Rim lost someone special to her. She met a the two inseparable bestfriends but it seems like she gradually made them to. Who? How? Why were choices made when sometimes it just leaves us broken?
