CHAPTER 42

35 4 0
                                        

CHAPTER 42

ZEI'S POV

I'm on my way to the hospital kung nasaan ang Mommy ni Josh. Hindi na ako nag-abalang tawagan siya. Tumawag na lamang ako sa linya sa bahay nila. Good thing nakakuha rin ako ng detalye.

May mga dala akong prutas at pagkain. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan.
Nakita ko ang natutulog na si Josh at ang Mommy niya.

Nakaupo si Josh sa tabi ng bed ng Mommy niya at nakahawak sa kamay nito.

How sweet.
Did you know guys who love their Moms are very caring to any other girls?

Lumabas na muna ako at nag-antay na lamang sa labas.
Maya-maya bumukas rin yung pintuan at iniluwal nito si Josh.

"Hey, Josh!" Tinawag ko siya.
Lumingon siya at parang nagtatanong kung bakit ako nandito at kung ano ang ginagawa ko.

Lumapit siya sa akin at bago pa siya makapagsalita inunahan ko na siya.

"I'm here to visit your Mom. Is it ok?"

Tanong ko. Napakamot siya sa batok niya.

"You don't need to worry. You don't need to do this Zei. It's just, auhhh , you know," hindi ko na siya pinatapos.

"I'm your friend Josh," I said while tapping his shoulders and giving him an encouraging smile. I'm sure he'll understand n

Wala na siyang nagawa kaya pumasok na kami sa room. Gising na pala ang Mommy niya. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Ang ganda naman ng mommy niya.

"Is it her son? How pretty and adorable," bungad ng Mommy niya.

Errr. So awkward.

Pero ano ang ibig niyang sabihin?
Kilala niya ba ako? Mmm.
But how?

"Hello po. I am Zei Rim. Josh's friend."

I introduced myself.

"I know," ngumiti siya. "You look exactly like him."

So kilala niya pala ako.

Pero sino naman ang tinutukoy  niyang kamukha ko? I smiled. I tried to hide the awkward feeling.

"Nevermind iha," sabi niya nang makitang question mark yata yung mukha ko. Hayss. Mabuti naman.

Hindi ko naman kase alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Auh, hehe. Nagdala po ako ng prutas at pagkain para sa inyo po," nakangiting sambit ko although I still feel awkward dahil sa mga sinasabi niyang hindi ko alam.

"Salamat naman kung ganun," sabi niya.

Kanina pa siya nakangiti at nakatingin sa akin. I wonder if something is wrong with my outlook. Maybe I look like a mess or maybe there's a dirt on my face or something.

Tinignan ko ang sarili ko through the glass window of this room. Maayos naman ah. Hindi pa ako nakuntento. Tinignan ko yung reflection ko sa phone. Maayos rin.

"Zei, maari  bang dito ka na muna. May kailangan pa akong asekasuhin sa labas," ani Josh. Seems like it's urgent.

"Oo naman, ako na muna magbabantay kay Tita," sagot ko.

Napangiti si Josh.

"Thanks, see you Mom. I'll be back," paalam ni Josh at tuluyan nang lumabas.

Naupo ako sa isang sofa. Tahimik. Errrrr.. Awkward silence.

"Auhm, kamusta naman ang pakiramdam niyo Tita?"
Tanong ko dahilan na mabasag ang katahimikan.

"Ok lang ako. Hindi ako masyadong nag-aalala sa puso ko. I am more worried about my son's heart," she said without looking at me.

Nakatingin lang siya sa kawalan  at parang nalulungkot ang mukha.

Actually hindi ko inaasahang iyon ang isasagot niya pero bakit naman siya nag-aalala sa puso ni Josh? May sakit rin ba siya sa puso?
Oh, maybe he inherited it from his mom. It's possible. I learned it from our past lessons in science. Hehe. Pero ala naman siyang nababanggit sa akin. Kahit ano na related sa diseases ay wala.
Pero posible kayang may sakit rin siya pero hindi niya lang sinasabi sa amin dahil ayaw niyang mag-alala kami?

Napatingin ako kay Tita.

"Bakit naman po? May sakit po ba siya sa puso?" Tanong ko.

Medyo natawa siya. Bakit?hehe

"Hindi iha," sagot niya.

Hindi ko akalaing kung gaano katahimik at kaseryoso si Josh ganun rin ka- masayahin si Tita. Lagi siyang nakangiti. Well, that really fits her appearance even though she is sick you can still see the positive vibe in her.

"Actually, my son, he used to be so jolly and bubbly before. I just do not know what happened kung bakit siya nagkaganyan. I often see him ba natutulala. Everytime I ask him he always says I should not worry about him dahil malaki na siya," sabi niya na nakangiti at nakatingin pa rin sa kawalan.

"Yeah, my little boy. Lumaki na nga siya. I think he is hopelessly inlove with someone. I just hope he will managed to find the girl who is really destined for her. Besides, matanda na ako. Ayokong lumaki siyang nag-iisa." she said at tumingin sa akin.

"Please, as his friend, help him. Make him realize that it's not you. I know it Zei."

Nagulat ako sa mga sinabi ng Mommy ni Josh. Tumango lang ako at napayuko. Now, I get it at naiintindihan ko. Pero paano naman niya nalaman ?

"I'm sorry," tanging nasambit ko.

Bigla namang bumukas yung pinto.
Iniluwal nito si Josh na nakangiti.

Mas maaliwalas pa sa araw.

"Mom, Zei," bungad niya na nakangiti.

Ngumiti rin kami sa kanya.

SHANNENE'S POV

Pupunta ako ngayon sa hospital. Bibisitahin ko lang ang kaibigan ko. My childhood friend.

Papasok ako ng hospital nang may nakabangga akong lalaki.

"I'm sorry," sabi niya.

Wait, kilala ko ang boses na ito. I know his voice and his minty scent.

My heart started beating fast again. Like the way how it did before.
When we were still young. First love really never dies.

Josh is also my childhoof friend pero sadyang lahat nagbabago. Hindi ko alam kung bakit at paano na nagkalayo kaming dalawa na kung dati ay para kaming kambal na hindi mapaghiwalay.

"Shannene?" Sambit niya.

I gave him a smile. I am speechless.
Masarap talagang pakinggan na tinatawag niya ako sa pangalan ko. I miss it.

Yung pagtawag na hindi na parang galit kundi yung parang masaya siyang nakita ako. Yung parang dati lang.

Ngumiti ako sa kanya.

"Josh, bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Ok ka lang?" Sagot niya.

Ni hindi manlang sinasagot ang tanong ko. Tumango lang ako bilang sagot. Maybe Tita is here. Should I visit her? Maybe later, I also missed her.

"Bakit ka nga pala nandito?"
Tanong niya.

"Auh, hehe may bibisitahin lang," sagot ko.

"Sige mauna na muna ako ha, may pupuntahan pa ako," sabi niya at umalis na.

Napangiti na lamang ako at tinignan siyang makaalis. He's totally grown up. He's not the strong Josh anymore. He is stronger right now.

Because this is My First Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon