JOSH'S POV
The day of the competition came. Narito na kami sa Caries High.
Magkasamang dumating sina Brylle at Zei.
Seems like they have really forgotten me. I expected na sasabihin nilang magkasama kaming pupunta dito but I was wrong. Kunsabagay magiging isa lang akong malaking sagabal sa kanilang dalawa.
I am very disappointed yet I tried to act as if I am fine in front of everyone.
"Josh ,look at this banner. Isn't it pretty. I made this especially for you."
Tinignan ko ang banner na ginawa ni Shannene. Mabuti pa siya nag-abala. Hindi naman ganoon kasama si Shannene. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung lapit siya ng lapit sa akin. Hindi naman pwedeng itulak ko siyang palayo at hindi pansinin. Alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa.
"Thanks Shannene."
"Always welcome Josh. Goodluck."
Nagulat ako sa ginawa ni Shannene. He kissed me on my cheek. Tinignan ko siya pero nakangiti lang siya.
"Goodluck for us."
Iyon lang ang tangi kong nasabi. Maya maya tinawag na kaming lahat. Mag- uumpisa na yata.
SHANNENE'S POV
Ngayon na ang araw ng competition. I have prepared myself well for this.
Well let's see later Zei. Nag-uumpisa pa lamang ako. Kukunin ko silang lahat sayo.
Nakita kong tulala na naman si Josh. Well alam niyo na kung ano at sino ang iniisip niya.
Si Brylle tinawag ng coach nila. I think it's time.
"Josh ,look at this banner. Isn't it pretty. I made this especially for you." Medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Zei at nagawa ko ngang maagaw ang atensiyon niya.
Tss. This banner? Hindi ko ito ginawa. Pinagawa ko ito sa isang art student sa school. Binayaran ko lang. Asa ka namang gagawa talaga ako ng ng banner. Haha.
"Thanks Shannene."
"Always welcome Josh. Goodluck."
After saying goodluck I kissed Josh on his cheek
That was a fake kiss. Tsss. Halatang nagulat si Zei pati na rin si Josh.
Tsss.
"Goodluck for us." Tanging nasabi ni Josh.
Ang daling kunin ni Josh. Look, nakuha ko siya nang walang kahirap hirap.
Tinawag na kami ni coach. Tumayo ako at humawak sa braso ni Josh. Nilagpasan lang namin si Zei.
Tsss. Is it painful Zei? Don't worry simula pa lamang ito.
BRYLLE'S POV
I don't know what is happening to Josh. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya. Last night I tried to call him and talk to him ngunit hindi niya sinasagot yung phone niya.
Tumawag ako sa bahay nila at sinubukan kong kausapin si Tita at tanungin kung ok lang si Josh ngunit wala siya, katulong ang sumagot. Ayon sa kanya palagi daw wala si Josh. Lagi itong nagpapaalam na pupunta dsw sa amin. Damn it. Hindi nga niya ako pinapansin. Ayon rin sa katulong lagi raw itong umuuwing lasing.
Shit. Si Josh yung tipo ng taong iinom lang minsan at kung kailangan. Hindi siya naglalasing kung wala siyang problema.
I really need to talk to him and bring back everything sa dati kung saan maayos lang lahat.
Hindi iba sa akin si Josh. Para ko na rin siyang kapatid.
ZEI'S POV
I really miss my former school. I miss everyone including Sean. Ang dami naming memories dito.
Later if I have time kakamustahin ko sila. Iikot din ako ng school.
"Josh ,look at this banner. Isn't it pretty. I made this especially for you."
Narinig kong sambit ni Shannene. Yuck, ang landi ng pagkakasabi niya.
"Thanks Shannene," ani Josh.
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Mukhang maayos na sila auh. Ok na rin siguro yun atleast may kasama si Josh. Bakit ba naman kasi parang galit yata siya sa amin? Ano bang problema? Hindi ko maintindihan.
Sinubukan ko rin siyang kausapin dati pero iniiwasan niya talaga ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin?
"Always welcome Josh. Goodluck."
Matapos ni Shannene masabi iyon he kissed Josh on his cheek. Nagulat ako. What? Anong ibig sabihin nun?
Inalis ko ang tingin ko sa kanila. Bakit ganun? Naiinis ako. Tss. Whatever.
Napadako naman ang tingin ko sa banner na ginawa ko para kay Josh.
Sana magustuhan niya rin ito. Sana.
Tinawag na kaming lahat ni ng coach both cheerleading and basketball team.
Lumapit ako. Agad namang sumulpot si Brylle sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Actually medyo kinakabahan ako first time kong mag perform para sa Sereny High.
"Ok, ito na ang hinihintay nating araw. You have to do your best. Ok?"
"Yes coach!" Masiglang sagot naming lahat.
Ito na nga. Bago magsisimula ang basketball match mayroon munang mga cheerleading team.
Limang team lang yung maglalaban. This day is not the only day of the competition for the basketball teams. Mayroon pang elimination rounds pero para naman sa cheerleading ito lang ang nag-iisa naming performance na magiging basehan naman ng panalo yet I don't consider cheerleading as a competition. I di cheerleading because I want to cheer every player.
Nagsimula nang mag-announce yung announcer.
"Good morning everyone. Welcome to the 2018 high schools basketball tournament."
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao.
"Before we proceed to the basketball tournament let us welcome cheerleading teams from each team. This cheerleaders will lead their teams to their victory as they cheer for them."
Hindi pa rin mawala yung ingay. Kanya-kanya na ring raise ng banners for each school and team.
"For the first cheerleading team , let us all welcome the cheerleading team of the host school and the undeafeated champion of cheerleading for the last five years, let give them a round of applause. Caries High cheerleaders."
Maingay ang buong gymn. Umaalingawngaw ang ingay dahil sa laki ng gymn. I clapped my hands. I can still remember the times wherein I lead that team. They started to perform.
Nakakamiss.
BINABASA MO ANG
Because this is My First Time
Teen FictionZei Rim lost someone special to her. She met a the two inseparable bestfriends but it seems like she gradually made them to. Who? How? Why were choices made when sometimes it just leaves us broken?
