CHAPTER 44

30 4 0
                                        

BRYLLE'S POV

Flashback

Way back in elementary.
December 24, 2009

"Wow, thank you so much Josh, I love this," sabi ni Shannene matapos niyang buksan ang regalo sa kanya ni Josh.

"Oo naman Shan-Shan, mahal ka namin eh, kaya dapat espesyal yung regalong para sayo," nagyayabang na sagot si Josh.

Agad niyang sinuot yung kulay violet na relong bigay sa kanya ni Josh sa kanya as a  christmas gift.

Mahilig siya sa violet.

"Binigay ko yan sayo upang maalala mo ako oras-oras, segu-segundo, minu-minuto," nakangiting sabi sa kanya ni Josh.

I saw her blush. Natahimik siya at yumuko upang itago ang namumula niyang pisngi. I know she feels so uncomfortable right now.

Alam ko namang crush ni Shannene si Josh! Hahahahahahaha. Pero syempre secret lang naming dalawa yun. Yari talaga ako sa kanya kapag sinabi ko kay Josh.

Maldita pa naman si Shannene. Yes, seriously maldita talaga siya sa iba. Pero kapag nakilala mo siya mabait naman eh.

Tumawa ako ng malakas dahilan na mapatingin silang dalawa sa akin.

"Hahahahaha! Naku Josh ang corny mo!!!"

"Ehhhh," napakamot si Josh sa batok niya.

At sabay-sabay kaming tatlong natawa.

"Oh, Shan-shan, ito naman yung sakin," sabi ko habang nakangiting iniabot sa kanya yung bigay ko.

"Yey, ano naman kaya ito," sabi niya at tinanggap kaagad yung bigay ko.

"Ano naman kaya ito?" Nae-excite na sabi niya habang dahan-dahan na binubuksan ang ibinigay kong regalo.

"Wow, I love this!!! Teka nga," sabi niya habang bitbit ang dress na ibinigay ko at pumasok na sa kwarto niya.

Hahaha. Sabi ko na nga ba, isusukat niya kaagad 'yan.

Napailing na lamang kami ni Josh.

-end of flashback

Ganun kami ka close dati.

Ang hindi lang namin nagustuhan ay ang isang ugali na ayaw namin makita kay Shannene.

Maganda siya, matalino, mayaman, at may talento. Marami ang naiingit sa kanya at marami rin ang humahanga sa kanya.

Dahil doon ay natuto siyang manlait ng kapwa. Madalas ay gusto niyang panigan namin siya sa tuwing may umaaway sa kanya kahit na siya ang mali.

Iyon ang simula ng aming pagtatalo at dahilan ng pagkasira ng aming pagkakaibigan.

Tapos na yung simbang gabi at nandito na kami sa bahay nina Mina dahil hinatid ko siya pauwi.

"Brylle, *poke* *poke* Brylle, hey," naramdaman kong may tumawag sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag eh, iba yata yung iniisip mo, here my Christmas gift," sabi niya sabay abot ng regalo niya.

Agad ko naman itong tinanggap at inabot rin sakanya yung regalo ko sa kanya.

"Here, hehe,sorry. Merry Christmas." sabi ko sabay abot ng gift ko.

"Thanks," nakangiting sabi niya matapos matanggap ang regalo ko sa kanya.

"By the way where is Micha?" Tanong ko kay Mina na ngayon ay nagbubukas ng regalo ko sa kanya.

She is very adorable. Para lang siyang inosenteng bata na sabik sa mga regalong bigay sakanya.

"Micha?! Come here! Kuya Brylle wants to see you," tawag niya sa bata at agad itong patakbong bumababa sa hagdan dala yung yakap-yakap niyang doll.

"Here Micha, Merry Christmas!!" Sabi ko sabay turo sa regalo kong halos kasintaas niya.

Syempre ka size niyang doll yung laman.

"Wow!!!! Para sa akin po talaga ito?" Tanong niya at tumango ako.

"Ate, please help me open this. Please," ang cute talaga.

At ayun, they opened the gift together.

"Thank you very much kuya, Merry Christmas," sagot niya at humalik sa pisngi ko.

"You're welcome," sagot ko.

"Anyway, thanks Brylle. I like this," sabi ni Mina habang hawak yung shirt na binigay ko sa kanya. "By the way, my gift. Please open it later, ikaw lang muna ang dapat makakita niyan, ok?" She pleaded.

Tumango lang ako. Ano naman kaya ang laman nito. Nacurious tuloy ako.

"Bye, Mina. See you!" Sabi ko bago tuluyang paandarin yung kotse paalis.

"Bye, thanks. Goodbye, ingat ka," nakangiting sagot niya.

Napag-usapan na rin kasi naming ipagdiriwang namin ang pasko kasama ang aming mga pamilya.

Habang pauwi ako ng bahay naalala ko na naman si Zei.

Oo nga pala, halos tatlong linggo na kaming bumalik rito pero hindi pa niya alam.

Si Josh, hindi ko pa rin nakakausap.

Because this is My First Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon